Chapter Nine - Part III

463 27 28
                                    

**Hello guys. Ito na po yung update. May part IV pa po ang chapter na 'to. Medyo napahaba yung chapter kasi medyo nadala ako sa eksena. HAHAHA. Hope ma-enjoy nyo po. Thanks guys.**


Hindi na umimik si AJ. Saglit syang tumingin kay Kyleen at nagbitaw ng malambing na ngiti. Akala ko'y titingin sya sa akin bagkos ay dumiretso na sya sa pagtugtog. Nang marinig ko ang intro ng kanta ay bumilis ang tibok ng puso ko, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko.

I figured it out

I figured it out from black and white

Seconds and hours

Maybe we had to take some time

I know how it goes

I know how it goes from wrong and right

Silence and sound

Did they ever hold each other tight, like us?

Did they ever fight, like us?

Napatitig ako kay AJ, napakaamo ng mukha nya at napakaganda ng pagkakakanta nya, galing sa puso. Ito yung mga pagkakataon na dati rati'y ok na ako na makita syang ganyan. Bakit ngayon ay puno ako ng panghihinayang.

You and I

We don't want to be like them

We can make it 'till the end

Nothing can come between you and I

Not even the Gods above

Can separate the of us

No, nothing can come between You and I

At tuluyan na akong dinala ng aking puso at alaala sa kahapon. Bumalik ang lahat ng masasaya naming alaala. Ito yung tagpong hindi ko na kailangan pang tanungin ang aking sarili ko kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Gusto ko ng sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal, na sya lang ang nakakapagpasaya sa akin ng ganito.

"Is that for me?" Kinikilig pang tanong ni Kyleen.

Sinagot naman ni AJ si Kyleen ng isang napakagandang ngiti. Palingon na sana si AJ sa akin nang biglang pinigilan ng mga kamay ni Kyleen ang pisngi ni AJ at iniharap sa kanya. Bumilis ang tibok sa aking dibdib. Hinalikan ni Kyleen si AJ sa labi. Nabigla ako at ang iba pa naming kasama. Kahit si AJ, bakas na bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Naramdaman ko na lamang ang madahang paghimas sa aking likod, si Patrick, ramdam ko ang kanyang pag-aalala kaya't nilingon ko sya at nginitian. Nagkibit balikat ako para wag na syang mag-alala.

"I love you James." Malambing na wika ni Kyleen. Halos mabingi ako sa kanyang sinabi. Ramdam ko ang namumuong luha sa'king mga mata. "We are officially on." Dugtong pa nito.

Bigla akong napatayo, napatingin tuloy sila sa akin. "Excuse me." Nanlalata ko pang paumanhin.

Aalis na sana ako nang magsalita si Mia, "May tama na ata si Caloy. Patrick, pakisamahan mo naman, nahihilo na rin kasi ako." Pakiusap ni Mia, ramdam ko ang pag-aalala nya.

Madaling tumayo si Patrick at inilalayan akong maglakad. Paghawak pa lang ni Patrick sa akin ay tumulo na ang aking luha, nakita nya ako. Nang bahagya na kaming nakalayo ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Caloy." Malungkot nyang wika. Gustuhin ko mang tumugon ay hindi ko mapigilan ang aking pagiyak. "If only I could take away all the pain, I would." Naiiyak nyang banggit. Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap nya ngunit nang maramdaman nya ay lalo nyang hinigpitan ang pagyakap sakin. "I won't let you go. Ito na lang ang kaya kong gawin para sayo. Please let me do this." Pagmamakaawa nya.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon