Chapter Twelve - Part II

486 27 18
                                    


Nagising akong masakit ang aking ulo at muli na namang tumulo ang aking luha. Dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan si Patrick. Sinagot kaagad ni Patrick, hindi ako makasalita, tanging hagulgol lang ang naririnig nya.

"Caloy, ok ka lang. What happened?" Ramdam ko ang pagaalala nya. Hindi ko pa rin mapigilan ang aking pag-iyak, "Nasa bahay ka ba? Stay there, pupuntahan kita."

"Wag na Pat." Pilit kong wika.

"Caloy, tell me what happened. I'm so sorry I can't be there for you." Naiiyak na wika ni Patrick.

"It's ok Pat. Ikaw lang kasi yung pinakatamang tao para kausapin ko ngayon." Tugon ko para mabawasan ang pagaalala nya.

"So anong nangyari, bad dreams?" Malambing nyang tanong, kumalma na ang kanyang boses.

"It's a nightmare. Nakausap ko yung ex ni AJ. Yung nagiisang ex nya na hindi ko alam kung bakit sila nag-break. It was because of me." Malungkot kong tugon, humupa na rin ang aking emosyon.

"Sinisisi ka nya until now? If I remembered it correctly, di ba gf na sya ng pinsan ni Joey?"

"It's worse. Mas mabuti pa nga siguro kung galit na lang sya or sinisisi nya ako. She told me that AJ must have been inlove with me." Alinlangan kong sagot. Alam kong masasaktan si Patrick sa usapang ito, kung hindi man malulungkot sya.

"Well, that's what we are trying to say to you. Ikaw lang naman itong ayaw maniwala di ba." Ramdam ko na ang paglungkot ng boses nya. Hindi ko rin naman sya masisisi. Hindi ko pa naman alam kung anong gagawin ko, pero kung ano man mapagdesisyonan ko ay hihingin ko pa rin ang pahintulot ni Patrick.

"Pero Pat..." Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang mahina nyang pagtangis. Ramdam kong pilit nya lang itong itinatago.

"Caloy, from the sound of how you call my name, I know, iniisip mo ako." Tugon nya na sinundan ng ilang paghikbi. Napaluha na rin tuloy ako, "But you should know by now, I will tell you na kausapin mo sya. Atleast once and for all, matapos na rin yung mga tanong mo sa isip. At hindi na rin ako matakot na baka isang araw, kapag tayo na bigla syang bumalik, iwanan mo ako. I love you this much, but love doesn't work this way." Wika nya habang umiiyak.

"I'm sorry Pat, I hope you know I like you at ayoko kitang masaktan." Tangi ko na lang nasabi.

"Caloy, for once, pwede yung sarili mo muna ang isipin mo? Kaya ka nahihirapan e, lagi mong inuuna ang ibang tao kesa sa sarili mo." Masaya nyang wika. "Go Caloy, if incase sabihin nyang mahal ka rin nya, I hope maging kaibigan mo pa rin ako." Wika nya na para bang nagpapaalam na.

Naiyak ako, "Of course Pat. I should be the one telling you that. Mapapatawad mo pa ba ako kapag nagkataon?" Malambing kong wika.

"Gustohin ko mang sabihin na hindi pero parang malabo. Ang hirap magalit sa'yo, ang bait mo kasi." Natatawa nitong sagot.

"Patrick naman ih. Sya, wag na. Hindi ko na lang aalamin. Kasi sa totoo lang, ok na naman ako sa kung anong meron ako ngayon, ikaw." Tugon ko.

"Sus, binola mo pa talaga ako. Go Caloy, I think this is for the best of the three of us." Seryoso nyang wika.

"But you have to promise me something first, whatever will happen tonight, we will still be friends." Malambing kong wika.

"I promise Caloy." Tapat nyang wika.

Pagkababa ko ng telepono ay napabagsak ako pahiga. Kahit papaano ay nabawasan ang inaalala ko. Ayaw ko kasi talagang masaktan si Patrick, masyado syang naging mabait sa akin. Aries nasa'n ka?, mensahe ko kay AJ, kinakabahan ako. Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya pero andito na ito at huli na talaga. Tama si Mads, kailangan ko tong harapin dahil maging si Patrick ay nahihirapan na rin.

Kilala mo pa pala ako. – AJ, alam kong biro lang ito pero hindi ko talaga sya masakyan ngayon.

Kailangan lang kitang makausap, importante.

Nasa bahay lang ako. Naghihintay ng fireworks ng kapitbahay, tulog na si Aya, masama ang pakiramdam. Ayos ka rin no, ngayon ka na lang nagparamdam tapos ganyan ka pa. – AJ.

Hindi na ako sumagot bagkos ay naghanda na ako papunta sa kanila. Malapit lang ang bahay nila kaya't maikling oras lang ang meron ako para mag-isip ng sasabihin sa kanya.

Nang makarating ako sa kanila ay pumasok na ako, alam ko kasi kung saan nakatago ang reserba nilang susi. Dumiretso ako sa kanyang kwarto, pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang gulat na gulat na mukha ni AJ habang nakahiga sa kanyang kama.

Napabalikwas sya, ang gulat sa mukha nya ay napalitan ng pag-aalala. Hindi sya kaagad naka imik, marahil wala rin syang matagpuang salitang sasabihin. Ilang linggo lang kaming hindi nagkita at nagkausap pero pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na.

Tumayo sya at papalapit sa akin. Bahagya akong umatras nang makita kong yayakapin nya ako. Nabigla sya sa ginawa ko pero nanatili akong matigas, salita ang kailangan ko ngayon, hindi kung ano mang bagay na walang tiyak na ibig sabihin. Pagod na akong manghula.

"May problema ba Caloy?" Nag-aalala nyang wika. Hahawakan na nya sana ako sa balikat ngunit sya na mismo ang pumigil sa kanyang sarili.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi sa kaba kundi sa galit. Hindi ko alam kung bakit galit ang nararamdaman ko bagamat wala rin naman syang masamang ginawa sa akin. Marahil napagod na rin lang ako, "Aries, wala bang problema? Hindi mo ba nakikita ang nangyayari sa'ting dalawa?" Lakas loob kong salita sa kanya.

Kitang kita ko ang panlulumo ni AJ, napaawa naman ako. "So this is what you came for? Sige Carlo, anong problema sa'tin? Isipin mo nga ba't tayo nagka-ganito, 'di ba ikaw ang nagtulak sa'kin palayo. You pushed me away!" Galit na wika ni AJ, kita ko ang panginginig ng katawan nya.

Napahiya ako, parang kinain ako ng lahat ng sinabi nya. Napatungo na lamang ako, "Mahal mo ba ako? Ng higit pa sa isang kaibigan?" mahinahon kong tanong, halos mawala ang boses ko. Nagumpisa na ring pumatak ang mga luha ko.

Narinig ko ang pabagsak na pag-upo ni AJ sa kanyang kama. Hindi ko kasi sya makuhang tignan, natatakot ako. "Putang ina naman Caloy. Paulit-ulit na lang tayo dito. 'Di ba nagusap na tayo noon sa beach, I asked you the same question and you said no. Pero sige, para fair, if this is what you're afraid of, for once and for all, I am not inlove with you either."

Parang nabingi ako sa sinabi nya. Pero ok na rin, tapos na ang lahat ng tanong ko sa isip. Yun nga lang, ang ganitong klase ng diskusyon ang tumapos sa mahabang panahon ng pagkakaibigan namin. Ito mismo yung dahilan kung bakit hindi ko maamin amin sa kanya ang tunay kong nararamdaman tapos dito rin pala mauuwi ang lahat.

Lumapit ako sa kanya, nakatungo sya. Itinunghay ko ang kanyang mukha, tama ako, umiiyak rin sya. Naaawa ako sa kanya, "I'm really sorry Aries." Tangi kong nasabi nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon