Chapter Twelve - Part I

415 26 21
                                    

Naging masaya naman ang Christmas Break ko, dahil na rin kay Patrick. Kahit paminsan-minsa'y naaalala ko si AJ. Halos magpapasukan na ulit, ni isang beses ay hindi kami lumabas o nagkita man lang dalawa.

Huling araw na ng taon, Dapat ko na rin sigurong yakapin ang bago kong buhay. Sabagay, mahal ko na rin naman ata si Patrick at sa paglipas ng mga araw na hindi ko nakakasama o nakakausap si AJ, parang nawawala na rin naman ang nararamdaman ko sa kanya.

Kabababa ko pa lang ng telepono, kakatapos lang naming magkwentuhan at magkulitan ni Patrick ay nakatanggap ako ng mensahe. "Si Patrick talaga, na-miss agad ako." Sa isip ko.

Binasa ko ang mensahe, Hi Caloy, pwede ba tayong magkita now. Mads here, binigay sa'kin ni Joey number mo. Nagulat ako at kinabahan habang binabasa ko ang mensahe. Bakit kaya? Baka naman si AJ ang kailangan nya, Hi ate Mads. Gusto mo forward ko na lang number ni Aries. :), tugon ko.

Mabilis syang sumagot, Baliw ka pa rin Caloy. May ibibigay ako sa'yo. And I know Aries has a girlfriend now. Mas lalo akong kinabahan. Ano kaya yon? Sumagot na lang ako ng oo at nagayos na rin. Nandoon na rin naman daw sya sa mall. Sabagay alam nga pala ni Mads na malapit lang ang bahay namin sa mall.

Hindi mapalagay ang loob ko, hindi maganda ang kutob ko sa pagkikitang ito. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin kay AJ na magkikita kami ni Mads. Sabagay, sa pagkakasabi naman ni Mads ay parang ako talaga ang sadya nya.

Nagtungo na ako sa usapang lugar, mabilis kong nakita si Mads. "Hi ate Mads." Kinakabahan kong bati sa kanya at naupo ako sa tapat nya.

Ngumiti ito, hindi pa rin sya nagbabago, ang ganda ganda pa rin nya. "Wow Caloy, nagbinata na ang itsura mo a. Pasensya na nga pala kung biglaan to. Naalala ko lang kasi na malapit ka lang dito. Naistorbo ba kita?" Magiliw nyang wika, bagamat mukha syang masaya ay hindi ko maalis ang kabahan.

"Hindi naman ate Mads. It's been a while. So let's get straight to the point. Kinakabahan kasi ako." Pagamin ko sa kanya.

Bahagya syang tumawa, "Wow Caloy, hindi ka lang nagbago in appearance, you even grow mature. Samantalang dati, napaka mahiyain mo." Magiliw nyang tugon. "Anyways, how are things between you and Aries?" Bahagyang naging seryoso ang mukha nya, nakatitig sya sa'kin.

"Things have changed." Napailing ako. "Hindi na kami katulad ng dati. I guess we both grew up." Alinlangan ko at napatungo.

"I like you Caloy. I mean, I learned to like you because of Aries. I saw how genuinely concern he was with you. And I always admired you both, the way you look out for each other. The brotherly love." Seryoso na talaga sya. "Did he tell you why we broke up?" tanong nya.

Umiling ako. "Honestly, I tried to ask him many times, pero never nyang sinabi. He just kept on saying that it was a change of heart which I never understood." Sagot ko sa kanya. Ramdam ko ang paglalim ng usapan namin. Pero nandito na kami, importante man ito o hindi, basta hindi ako ang nagdala sa usapang ito.

Ngumiti sya saglit at umiling rin. "Of course he will not tell you. It took me months to figure it out because our break up was a blur. Sa totoo lang Caloy, I was too paranoid back then. Akala ko may babae sya and he just simply deny it and used you as his defense." Paliwanag nya.

"I don't get it." Tangi kong nasabi. Naguguluhan ako. His defense? Bakit?

"We broke up when you were in your third year. We were in the middle of an important event. Then he left saying you needed him. I told him that if aalis sya we are going to break up and still chose to leave. Was it true? You needed him?" Mahinahon nyang tanong.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon