Chater Nine - Part IV

619 31 52
                                    

**Hello guys. This is the final part of Chater Nine. Sana magustuhan nyo. May isang scene dito na nangyari sa akin in real life. HAHAHA. Kaya malapit sa puso ko ang part na 'to.**


"Caloy. I'm so sorry." Nagaalalang wika ni AJ at hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, sobrang lungkot ng mata nya.

"Ok ka lang ba?" Nagaalala rin si Patrick, ramdam ko ito sa paghimas nya sa aking likod.

"No! Bakit ba kasi kayo nagaaway." Mangiyak-ngiyak kong wika sabay ang tingin ko kay Patrick.

Mapula na ang mukha ni Patrick, hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa tensyon nila ni AJ. Bahagyang napatungo si Patrick saglit saka tumingin kay AJ, "Bro, sorry. I crossed the line." Paumanhin nito.

Napalingon naman ako kay AJ, nakita kong nabigla sya kay Patrick. Ngumiti ito at napakamot sa ulo, "Sorry din bro, nainis lang naman ako nung sinabi mong pinababayaan ko si Caloy and I felt guilty." Pakikipagkasundo nya sabay ang abot ng kamay kay Patrick, kinamayan din naman sya ni Patrick.

Pabagsak na naupo si AJ sa aking tabi sabay ang sandal ng kanyang ulo sa aking balikat. "Caloy, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'tin. We are drifting apart." Mahina nyang wika, seryoso sya.

Napatingin na lang ako sa langit at tumitig sa mga bituin at buwan. "Ok naman tayo Aries. May nagbago sa atin but it doesn't mean that our friendship is over." Tangi kong sagot.

"Ok ka na ba? O nahihilo ka pa rin?" Pagsingit ni Patrick, ramdam ko sa boses nya ang pag-aalala.

"Gusto mo maglakad muna tayo. Ok lang ba Patrick?" Paalam ni AJ. Napatingin ako kay Patrick, tumango lang sya habang nakangiti.

"Walang problema bro. Baka nga kailangan ni Caloy yan. Hihintayin ko na lang sina Louie dito. Tutal gusto ko pa namang maginom." Mahinahong sagot ni Patrick.

Tumayo na si AJ at inalalayan nya rin akong tumayo. Medyo ok na naman ang pakiramdam ko. Mukhang nahulasan ako sa nangyari kanina.

Naging matahimik ang paglalakad naman ni AJ sa dalampasagin. Tinignan ko sya, seryoso ang kanyang mukha at may lungkot sa kanyang mata. Kasalanan ko ba 'to? Ako ba ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito?

"Hey. Bakit ka malungkot? Di ba dapat masaya ka dahil sinagot ka na ni Kyleen." Kinakabahan kong pagtapos sa aming katahimikan.

Bigla syang napatingin, may bakas ng pagkabigla sa kanyang mukha. Mabilis syang umalis ng tingin sa akin, "Nasasaktan ba kita Caloy?" Seryoso ang kanyang boses.

Gusto ko sanang sabihing oo pero ayoko namang maramdaman nyang may kasalanan sya. "Hindi. Bakit mo naman iniisip na nasasaktan mo ko?" kinakabahan pa rin ako.

"Yung kinanta mo." Seryoso pa rin sya. "Tanda ko yung kantang yon. Pareho tayong fan ng Up Dharma Down. Niyaya kitang katahin natin yon pero ayaw mo. Sabi mo sa'kin kakantahin mo lang yon kapag naramdaman mo na yung lyrics nun." Hindi sya tumitingin sa akin. Ang alam ko lang nararamdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.

Tanda pa pala nya yon, akala ko 'di nya na maaalala yon. Pero tama sya, kinanta ko yon kasi damang dama ko na yung lyrics. Di nya lang alam. "Huh?" Pagpatay malisya ko. "Talaga? Sinabi ko ba yon. Kasi narinig ko sya recently tapos kanina naisip ko lang kantahin." Pagtanggi ko.

Bahagya syang tumawa, "Sorry Caloy. Kung nasaktan man kita sa kahit anong paraan."

Ang bait talaga ng mokong na 'to. Hinawakan ko sya sa braso para mapahinto sya sa paglalakad. Tumayo ako sa harap nya ngunit iniiwas nya ang kanyang mukha. Pinilit kong iharap ang kanyang mukha. Nabigla ako, may namumuong luha sa kanyang mata. "Wala ka namang kasalanan sa'kin. Bakit ka ba sorry ka ng sorry." Pinilit kong pasiglahin ang aking boses kahit ang bigat bigat ng loob ko.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon