Chapter Two

769 22 3
                                    

Tama talaga si AJ, wala talagang masyadong kwenta ang first day of classes. Kaso kung di naman ako aalis dun, malamang hindi na naman yon magba-basketball. Parang noong high school kami. Nagkalagnat ako sa kalagitnaan ng intrams kaya't nagpahinga ako sa may clinic. Inis na inis nga ako noon, kasi finals ng basketball, naglalaro pa naman si AJ. Ilang minuto lang ay nandoon na rin si AJ, may injury daw. Pagkalabas ng nars ay lumapit sakin si AJ, at tiningnan ang temperatura ko. Mainit talaga ako noon, nabatid ko sa mukha nyang nagaalala sya. Hinalikan nya ako sa noo, ngumiti lamang ako. Iniayos nya ang kurtina upang masarahan ang pinagpapahingahan ko. Dahil intrams, alam nyang hindi kaagad babalik ang nars. Humiga sya sa tabi ko, ini-angat ang ulo ko at inihiga sa bisig nya. Napakasarap sa pakiramdam. Kahit hanggang ngayong binabalik-balikan ko ang pangyayaring ito, naaalala ko pa rin ang pakiramdam na yon.

Natatandaan ko kung anong pakiramdam noong kasama ko ng high school si AJ. Isang taon na puno ng kulitan at tawanan, paminsan-minsang tampuhan, sleep overs sa bahay nila, outing ng pamilya ko kasama silang magkapatid, Panliligaw at heartbreak nya kay Rizza at Fatima at ang mga misteryosong ngiti at titig nya sakin. Lahat ng yon ay hindi ko pinagdudahan ang nararamdaman ko sa kanya, masaya akong kasama sya, ang best friend at kapatid ko. Pero ngayong binabalik tanaw ko ang lahat, bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko, may biglang lungkot na dumadaloy sa katawan ko. Dahan dahan ko ding naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko sabay ang paginit sa king mga mata. Napaluha na lamang ako. Luha ba ito ng masasayang nakaraan o luha ng lihim na pagtingin. Pilit ko mang itanggi at baliwalain, hindi nagbabago ang pintig ng aking puso. Ngunit hindi ko pa kayang harapin ang nararamdaman ko at hindi pa ako handang mawala si AJ sa buhay ko kung sakaling mang hindi nya magustuhan ang nararamdaman ko.

Lunch time na, nagtungo na ako sa canteen. Pagpasok ko pa lang sa pinto ay nakita ko na si AJ sa malayo, mukhang nag aabang at tila ba nananabik. Habang naglalakad ako papalapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumayo si AJ at napahinto ako sa paglalakad. Nakatingin sya at dahan dahang nagbitiw ng matamis na ngiti. Parang biglang tumigil ang mundo ko, nawala ang lahat at tanging si AJ lang ang nakikita ko. Buhay na buhay ang ngiti nya at kitang kita ko sa mata nya ang galak at kasiyahan. Nakatitig lang ako sa kanya habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Lumihis sya ng tingin at mas naging maalab ang ngiti nya. Ito ang pinaka unang pagkakataon kong nakita si AJ na ganito, nakapupukaw ang kanyang tingin habang suot-suot ang nakabibighaning ngiti.

"Kyleen, here!" Sigaw ni AJ. Tila ba nabingi ang aking tenga. Magkasunod lang pala kami ni Kyleen pumasok sa canteen. Napatalikod lang ako at nakaramdam ng bigat saking dibdib. Huli na para magpanggap pa akong hindi ko sya nakita. Kaya't patay malisya na lang akong lumapit sa kanila.

Magkatapat sila ng upuan. Lumingon sakin si Kyleen, "Uy!" bati sa akin ni Kyleen. "sabi ko na nga ba, ikaw yung nakatayo dun sa may pinto." Banggit nya.

Hindi ko malaman ang isasagot kaya't ngumiti lang ako. "hi" pagbati ko kay Kyleen.

"Alam ko kung bakit ka nakatayo dun. May nakalimutan ka na naman no?" Pabirong usig ni AJ.

Napatango lang ako. "Naiwan ko yata yung reg form ko sa classroom. Sandali lang, babalikan ko lang." Paalam ko na tila naguguluhan.

"Reg form? E naiwan mo to sa inyo. Pinadaanan mo sakin kaninang umaga. Nakalimutan ko lang iabot sayo kanina." Tugon ni AJ. Nakatingin sya sakin na tila ba nagtatanong. "Maupo ka na nga dito, ako na ang bibili ng pagkain natin." Anyaya ni AJ sabay ang pag isod ng bahagya. Naupo ako sa tabi ni AJ, nagpanggap na may tinitingnan sa bag. Tumayo na si AJ upang bumili ng pagkain.

"Lagi kayong magkasama ni James no. Napansin ko kayong dalawa last sem, akala ko nga kapatid ka nya." Pagbukas ng usapin ni Kyleen.

Kinabahan ako. Lumingon ako sa kanya, bumungad sa akin ang maganda nyang mukha na nakangiti sakin. "Ah." Kabado kong sagot, "Best friend ako ni AJ. I'm Carlo." Pagpapakilala ko.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon