Chapter Five - Part II

450 22 15
                                    

**Thanks guys for the patience waiting for the updates. Please don't forget to vote and comment your thoughts. Part III will be on Wednesday. Yey. Enjoy reading guys."


Maya-maya pa'y hindi ko namalayan ang pagdating ng isa kong kaklase, si Mia. Maaga sya kesa sa usapang oras, "Sabi ko na nga ba, maaga kang dadating e." bati ni Mia.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung paano ipakikilala si Patrick. Nilingon ko si Patrick, ni walang kabang makikita sa kanya. Tumayo ako, "Ah. Maaga kasi ang awas ko ngayon." Alam kong hindi ko naitago ang aking kaba. "Si Patrick nga pala." Tangi kong pagpapakilala.

Iniabot naman ni Patrick ang kamay kay Mia upang bumati, "Tropa ko yung pinsan nya. Nakita ko sya mag-isa kaya't kinamusta ko na rin." Nakangiting paliwanag nito. Nabigla ako sa sinabi nya. Mukha namang bumenta ang kwento nya, sana'y na siguro sya sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad nito. "Oh pa'no Carlo, una na ako ha, tutal may kasama ka na rin naman." Paalam ni Patrick.

Ngumiti lang ako at tumango dahil kinakabahan pa rin ako. Nagpaalam rin sya kay Mia. Mabilis na lumingon sakin si Mia na suot-suot ang malaking ngiti. "Oh My God!" sarkastikong wika ni Mia. "Pag sinuswerte nga naman, nahawakan ko pa ang kamay nya." Kinikilig na wika nito.

Unti-unti ng nawawala ang aking kaba, "Adik! Bakit naman?" pilit kong wika.

"Kilala kasi sya sa school. Kumbaga nung high school tayo, sya yung AJ Amarillo ng College." Masiglang tugon ni Mia.

Bahagya akong napangiti, "Hindi ko rin naintindihan ang paliwanag mo." Nakangiti kong sambit habang unti-unting nawawala ang kaba ko.

"Eh kasi popular sya sa letran. Campus crush kumbaga. E teka, di ba schoolmate na ulit kayo ni AJ? Kamusta naman, close pa rin ba kayo?" biglang usisa nya.

Bahagya akong nagulat sa tanong ni Mia, "ah... oo naman, ganun pa rin. Para pa rin kaming highschool." Balisa kong sagot.

Humawak sa balikat ko si Mia at tila ba'y nagaalala sya, "Oh bakit bigla ka yatang nalungkot. Di ba, sobrang excited ka nga na makasama ulit si AJ? Halos di ka nga nagparamdam sa tropahan nitong first sem e. May problema ba kayo?" ramdam ko ang kanyang pagaalala.

Isang nagaalinlangang ngiti lang ang binitawan ko. Malapit ako kay Mia. Alam kong maiintindihan nya ako kung aaminin ko sa kanya ang aking problema. Kaso nga lang, paano ko ba aaminin sa kanya ang problema kung ako mismo ay itinatanggi ko pa rin ang aking nararamdaman. Umiling ako, "Ah wala naman. Nakakasawa din pala." Sabay bitiw ng ngiti.

Napailing na lamang si Mia na tila ba naguguluhan, "Asus. Alin ba ang nakakasawa? Ang lagi kayong magkasama o ang nararamdaman mong di mo masabi sa kanya?" sabay hawak nya sa kamay ko.

Biglang bilis ng tibok ng puso ko, kaba at takot. Madali kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya, "Ha? Anong sinasabi mo dyan?" pinilit kong tumawa ngunit nangibabaw pa rin ang aking kaba.

"Wala. Ang sinasabi ko lang, kaibigan mo ko. Kung may pinagdadaanan ka, pwede mong sabihin sakin." Eksplika nya sabay ang ngiti sakin at bahagyang tumitig. "Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko, kilala mo naman ako, kung ano-ano ang sinasabi ko." Biro nito. Ngumiti lang ako. Pakiramdam ko ay nakukutuban na nya ang pagbabago sakin.

Ilang minuto lamang ay nagdatingan na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Bahagyang nawala ang isipan ko kay AJ. Ganun pa rin ang buong tropahan, magulo at maingay, parang mga baliw na nakatakas sa mental hospital.

Habang kumakain ay nagplaplano kami ng lakad para sa darating na long weekend.

"So set na next Friday, Laiya na lang ulit." Konpirma ni Joey. Nagtanguan naman lahat.

"Pano sasakyan natin? Magdadala kami ng kotse ni Andrei. Kaso tatlo lang maisasakay namin." Ani ni Karen.

"O kala ko ba, tropahan lang, bakit kasama ang jowa?" biro ko at napatawan naman sila.

"Long weekend e. Di naman ako papayagan ni Andrei, tatlong araw kami di magkikita. Weekends na nga lang kami magkita." Sagot nito na may pataas taas pa ng kilay. "At saka menos gastos din no." biro nito.

"Sus! Kuripot Queen talaga." Biro ko.

"Sya sabay na kami ni Joey kila Karen." Biglang singit ni Louie.

"Oy! No. Girls ang sasabay samin. Si Mia, si Klarisse at si Annie. Magcommute na lang kayo boys." Biro ni Karen at muli na namang nagkagulo ang buong tropa.

"Isama mo na lang kaya si AJ, Caloy. Tutal sanay naman syang kasama sa lakad natin. Para di na tayo magcommute." Suhestyon ni Louie.

"Oo nga naman. Tutal bestfriend mo naman sya." Pagsangayon ni Mia sabay ang kakaibang tingin sakin. Kinabahan ako sa ginawa nya.

"Kow Mia! Don't tell me di ka pa rin nakakaget over sa pagkakaroon ng crush kay kuya AJ." Biro ni Klarisse. At nagumpisa na naman ang pagbabalik tanaw sa aming highschool life at ang tuksuhan nila.

"Remember our graduation trip. Laiya rin. Ang pagiyak iyak ni Mia sa batuhan habang kausap si AJ." Panunuya ni Annie.

"Yes! Moment yon. And 'til this day, hindi pa rin natin alam ang pinagusapan nila." Dugtong ni Karen. Unti-unti akong kinakabahan sa tinutumbok ng kwentuhang ito.

"Baka naman nag-confess si Mia tapos binusted sya." Biro ni Joey. At muling natawanan ang lahat maliban sa akin. Balisa pa rin ako.

Nagulat na lang ako ng marahang apakan ni Mia ang paa ko. Lumilipad pala ang isip ko. "Shut up Joey! Lasing ako non. Ni hindi ko nga maalala ang pinaguusapan namin." Galit-galitang wika ni Mia. Saglit nya akong tinignan, marahil ramdam nya ang aking pagka balisa.

"E Caloy, wala ba sayong kinuwento si AJ?" tanong ni Karen.

Bahagya akong nagulat at napaisip din, "parang wala naman. Basag din ata ang mokong na yon." Napapaisip pa din ako at napatingin kay Mia. Mapanuksong ngiti naman ang ginanti nya.

"O Caloy, pwede ba nating isama si AJ? Dali na." pamimilit ni Louie.

Napakibit balikat lang ako, "Di ako sure kasi busy sya e. Pero tatanungin ko. Feed back na lang ako sa inyo." Sabay ang mabilis na ngiti.

"Si kuya AJ busy? E hindi naman yon nakakatanggi sayo" biro ni Klarisse.

Napangiti lang ako. Ganun ba talaga ang tingin nila saming dalawa. Kung dati dati'y hindi ko iniisip ang iniisip ng buong tropa tungkol sa amin ni AJ, ngayon ay madalas akong kabahan at matakot sa tuwing may sasabihan sila tungkol sa akin at kay AJ. "May nililigawan kasi sya ngayon, kaya busy sa pambobola. Kaya di ako sure." Tanging sagot ko.

"Wait. Di ba si Madelaine Villanueva ay ex nya? Girlfriend ng pinsan ko ngayon yun." Singit ni Joey.

"Talaga? Kaya idol ko yang bestfriend mo e Caloy." Ani naman ni Louie.

"Idol mo sya kasi lapitin ng chicks pero di yon katulad mong babaero." Biro naman ni Karen at nagtawanan ang lahat. At muli na namang umingay ang lamesa namin. Lokohan at tawanan.

Matapos naming kumain ay isa isa nang nagpaalamanan ang lahat. Nakakamiss rin talaga ang buong tropa. Sayang at marami akong lakad na namiss last sem.

"Are you gonna be okay?" nagaalalang tanong ni Mia.

Nabigla ako sa tanong nya, ganon na ba kahalata ang pagkabalisa ko. "Oo naman, bakit naman magiging hindi?" sagot ko.

"WhateverCaloy, basta dito lang ako." Sabay beso nya sakin. At nagpaalam na rin sya.Ramdam ko ang sensiridad ng pagaalala ni Mia sakin. Sa totoo lang naman, syadin naman ang naiisip kong sabihan kapag natanggap ko na ang sitwasyon kongayon.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon