Chapter Thirteen - Part II

327 24 11
                                    

Malabo ang lahat ng nangyari sa amin. Parang isang panaginip ang kahapon namin ni AJ. Kung bakit ba sa tuwing gigising ako mula sa magandang panaginip ay kaakibat nito ang mapait na katotohanan. Marahil may dahilan si AJ kung bakit nya iyon nagawa sa akin. Pero hindi pa ako handang marinig ang kanyang paliwanag. Hindi naman kasi mapagagaan ng paumanhin at paliwanag ang bigat sa aking dibdib.

Nang makita ko ang paparating na sasakyan ni Patrick ay muling tumaas ang aking emosyon. Naramdaman ko na naman ang paginit at pamumuo ng luha sa aking mga mata. Ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa sakit at galit.

Bagamat alam kong hindi makatarungan ito para kay Patrick ay alam kong sya lamang ang tamang tao na makakaintindi sa akin. Alam kong maluwag nyang tatanggapin lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Pagbaba pa lamang ni Patrick sa sasakyan ay kita ko na agad sa mukha nya ang pagaalala. Mabilis syang lumapit sa akin, sinalubong ko naman sya ng yakap at sumobsob sa kanyang balikat. Pinakawalan ko lahat ng aking luha, wala na akong pakialam sa mga taong makakakita sa amin. Hinimas naman ni Patrick ang aking ulo at hinayaan lamang nya akong ilabas lahat ng sakit na aking nararamdaman.

"Caloy please, let me explain." Nagmamakaawang pakiusap ni AJ.

Bahagya akong inialis ni Patrick sa pagkakayakap sa kanya at hinarap si AJ. "Back off bro." Mahinahong pagpigil nito kay AJ.

"Please Pat, wag kang makialam." Tugon ni AJ, dama ko ang pagtaas ng tensyon. Naging alerto rin si Jaquin.

Habang papalapit si AJ ay sinalabong sya ng kamao ni Patrick. Huli na para mapigilan ni Jaquin. Gulat na gulat kaming lahat, napatingin ako kay Patrick. Bakas sa mukha nya ang matinding galit. "You asked me once na wag kong lolokohin si Caloy. Pero ikaw yung paulit ulit na nagpapaiyak at nanakit sa kanya." Galit na wika ni Patrick, nangingilid ang kanyang luha.

Galit rin ang nakapinta sa mukha ni AJ ngunit bago pa man makabawi ito ay mabilis syang pinigilan ni Jaquin. Naramdaman ko ang pagkilos ni Patrick, handa syang lumaban ngunit pinigilan ko sya. "He's not worth it Pat. Let's go." Pagpigil ko.

Naramdaman ko ang pagkalma ni Patrick at niyakap na lamang nya ako at bumulong ng paumanhin. Ilang beses tinawag ni AJ ang aking pangalan ngunit hindi ko na sya tinignan. Masyado ng malalim ang sugat sa aking puso para pahabain pa ang tagpong ito.

Pagsakay namin ni Patrick sa sasakyan ay muli na naman akong umiyak. Habang nagmamaneho ay hawak hawak ni Patrick ang aking kamay. Naroon lamang sya handang tanggapin lahat ng aking nararamdaman bagamat alam kong nasasaktan rin sya.

Sinubukan kong pigilan ang aking pagiyak, "Patrick, sorry..." Tangi kong nasabi at muli na naman akong bumalik sa pagtangis.

Hinimas ni Patrick ang aking kamay, "Caloy, don't be. Pasalamatan mo na lang ako. After all, I want to be that person who will be there for you when all else fail." Masigla nyang tugon.

Napatingin ako sa kanya, bagamat nakangiti sya ay puno ng lungkot ang kanyang mga mata. Hindi na lamang ako nagsalita, ayoko ng dagdagan pa ang kalungkutang dulot ng aking presensya.

Hindi ko napansing nakatingin na rin pala sya sa akin, "Stop thinking how I feel, ok lang ako Caloy. Masaya ako dahil ako ang tinawagan mo. Look, I am inlove with you and you don't have to love me back. I will be your friend loving you behind the curtain. And I will always catch you when you fall." Pagpapagaan nya sa aking loob.

Wala na rin akong maisip na isasagot sa kanya kaya't ngumiti na lamang ako. Ginantihan na lang rin nya ako ng isang ngiti.

Dumiretso kami sa kanyang apartment. Pagbukas ng pinto ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kanyang sofa. Lumapit sya sa akin at itinayo nya ako. Ngumiti lang sya at tinuro ang kanyang kama. Nahihiya ako kaya't umiling lang ako ngunit nagpumilit sya kaya't sumunod na lang rin ako.

Pabagsak muli akong nahiga sa kanyang kama at nagumpisa na ulit tumulo ang luha sa aking mga mata. Naging matahimik lamang si Patrick na nakaupo sa sofa. Hinayaan lang nya akong damahin lahat ng aking nararamdaman. Alam kong naghihintay lang din sya na magkwento ako sa nangyari ngunit hindi ko rin alam kung paano uumpisahan ang lahat.

Naramdaman ko ang pagkilos ni Patrick kaya't bahagya ko syang sinilip, kinukuha nya ang kanyang gitara. Madahan syang umupo sa kama sabay ang pagkalabit sa kwerdas ng kanyang gitara. Humihiging lamang sya kasabay ng tono sa gitara.

Mula sa pagkakadapa ay humiga ako ng patihaya. Napatingin sya sa akin, ngumiti naman ako habang tinutuyo ang aking pisngi. "Kanta ka." Malambing kong wika.

Nagbitiw sya ng isang magandang ngiti sabay ang pa-cute saka sya tumango. Muli syang tumugtog, kinabahan ako, tama ba ang hula ko sa kakantahin nya?

Heto ka na naman

Kumakatok sa aking pintuan

Muling naghahanap ng makakausap

At heto na naman ako

Nakikinig sa mga kwento mong pauulit ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan

Para akong sinampal ng liriko ng kantang iyon. Malungkot ang boses nya ngunit nakangiti sya. Nang maramdaman nya ang aking pagaalala ay umiling sya tila ba'y nagsasabi na ayos lang sya.

Ewan kung bakit ba

Hindi ka ba nadadala

Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya

At ewan ko nga sa'yo

Parang bale wala ang puso ko

Ano nga bang meron sya

Na sa akin ay 'di mo makita

Bumangon ako at hinawakan ang mga kwerdas ng gitara para huminto sya sa pagkanta. Umiling ako, "Sobra na ba kitang nasasaktan?" Malungkot kong tanong.

Nadurog ang puso ko nang biglang may pumatak na luha mula sa mata ni Patrick, "Kung ako na lang sana ang iyong minahal." Madamdamin nyang wika.

Bumilis ang tibok ng puso ko, "Pat, I'm really sorry." Tangi kong naging tugon. Alam kong hindi ito ang sagot na kanyang inaasam.

Ibinaba nya ang kanyang gitara sa lapag at umayos ng upo. Tinapik nya ang kanyang hita bilang senyas na mahiga ako. Sumunod na lamang ako bilang pagtanaw ng utang na loob. Nakatitig lang sya sa akin. Damang dama ko ang pagpapahalaga sa akin ni Patrick. Namumuo ang luha sa kanyang mata. Ilang saglit lang ay tumulo na ito, inabot ko ang kanyang pisngi at marahan itong hinimas. "Alam kong paulit ulit na akong humihingi sayo ng tawad dahil paulit ulit kitang nasasaktan. Kung pwede lang sana na ikaw na lang ang aking mahal." Malambing kong wika.

Ngumiti lamang sya bilang tugon. Hinawakan nya ang kamay ko sa kanyang pisngi, "Pwede naman Caloy. Handa naman ako maghintay. Hanggang maging handa ka na ulit magmahal. Kahit paulit ulit mo pang piliin si AJ, malay natin isang araw ako naman yung piliin mo." Nakangiti nyang tugon. Hanga ako sa pagmamahal ni Patrick sa akin. Sa kabila ng lahat ng sakit at kalungkutang dinanas nya sa akin ay nandito pa rin sya umaasang isang araw ay mamahalin ko sya.

Bahagya akong bumangon at niyakap ko sya ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam, sa kabila ng pinagdaan ko ngayong araw na ito, ay nakalasap pa rin ako ng kaginhawaan sa piling ni Patrick. Ninamnam ko ang tagpong iyon at nagpaubaya lamang si Patrick.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon