Chapter Eight - Part I

487 27 22
                                    

**Hello guys. So this is it. Although I announce few days back na hindi ako makakapag update this Wednesday and Friday dahil until now ay sinusulat ko pa rin ang Chapter 8. Pero dahil malakas kayo sa akin, I'll let you have a glimpse of the chapter. ENJOY READING.** xoxo

**Please play the video/music for the additional FEEL.**

Alas tres pa lamang ng madaling araw ay gising na ako. Alas singko kasi ang usapan namin sa tagpuan. Kinuha ko agad ang aking cellphone para itext si Mia. Napangiti ako sa unang mensaheng nabasa ko, Good morning Carlo. Excited na ako sa first out of town date natin. Hehe, joke lang. Smile., mensahe mula kay Patrick.

Mia, gising ka na? Breakfast muna tayo dito sa bahay daan ka. Ilang minuto din ang aking hinintay ngunit hindi sumasagot si Mia.

Bumaba ako sa kusina para maghanda ng agahan baka kasi sumulpot na lang bigla si Mia. Habang papalapit ako sa kusina ay naaamoy ko na ang bango ng bacon, mukhang gising na rin si Mama.

"Wow. Ang aga mo naman mama." Bati ko sabay ang lapit at halik sa pisngi ni mama.

"Naalala ko kasi na maaga ang alis nyo ngayon. Kaya't nagluto na rin ako ng agahan nyo. Sabihin mo kay AJ dito na magagahan." Tugon nito habang abalang-abala sa pagluluto, ako nama'y naupo muna sa hapagkainan.

Bahagya akong kinabahan sa sinabi ni mama, hindi pa nga pala nya alam. "Si Mia baka dito kumain, niyaya ko kasi." Tanging sagot ko. "Si AJ, hindi ko alam. Hindi na ata sya makakasama." Bahagya akong nalungkot.

Tumunog ang aking cellphone, Gising na ba ang baby ko? Mula kay Patrick. Muli akong napangiti.

Opo, naghihintay matapos magluto si Mama. Ang aga mong nagising a. Excited much?

Syempre naman excited akong makasama ka. Gagawan ko ng paraan para masolo kita kahit saglit.

Haha. Goodluck naman sa plano mo. Remember si Mia ang nililigawan mo.

Awwww... E di hihingi ako ng tulong kay Mia. Haha. Malakas naman ako sa kanya.

"Sinong ka-text mo?" Tanong ni mama habang iniaabot ang tasa ng kape sa akin.

Bahagya akong nagulat, "Ah, e, si Mia." Tanging naging sagot ko habang nakatutok pa rin ako sa cellphone.

Naramdaman kong hindi umaalis si mama sa kanyang pwesto, nilingon ko sya. Nakangiti lang sya sa akin, "Mukhang excited kayo ni Mia a, ngayon na lang ulit kitang nakitang nakangiti ng ganyan. Ano nga pa lang nangyari kay AJ." Tanong nya at muli na syang bumalik sa pagluluto.

Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko, "May lakad daw ata si Aya bukas, kailangan ng guardian. Kaya di daw sya makakasama." Kinakabahan kong palusot.

"Talaga nak?" Tanging naging tugon ni Mama. May alinlangan sa kanyang boses. "O may problema kayo ni AJ." Nagaalala sya.

Bakit kaya ganun na lang pagkakatanong nya sa akin tungkol kay AJ. Wala akong mahagilap na sagot ni wala akong maisip na palusot. Sa lalim ng aking pagiisip ay di ko namalayang nakaupo na pala si mama sa aking harapan. May lungkot sa kanyang mga mata, "Carlo, nanay mo ako. Nararamdaman ko kapag may problema ka o mabigat ang loob mo. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kapag nasasaktan ka. At nasasaktan ako dahil wala akong magawa o maitulong sa'yo. Pero hindi kita pipilitin magkwento o ano man. Basta tandaan mo nandito lang ako para sa'yo. Dadamayan kita ano mang pinagdadaanan mo. At wag na wag kang matatakot sa akin dahil kahit ano pa man ang mangyari, anak kita at mahal na mahal kita." Maluha luha ang kanyang mata.

Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng aking mga luha. Magkahalong takot at saya ang aking naramdaman. Takot dahil hindi pa ako handang ipaalam ang aking pagtingin kay AJ at ang sayang dulot ni Patrick sa akin. Saya dahil alam kong ano man ang kahinatnan ng mga bagay bagay ay may isang ina na sasalo sa akin. Bumalik ako sa aking katinuan nang maramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni mama habang hinihimas ang aking ulo. "Pasensya ka na Caloy. Nagaalala lang ako sa'yo. Hindi ko gustong malungkot ka. Ano man ang nangyari sa inyo ni AJ, alam ko sa sarili ko hinding hindi ka nya magagawang saktan, hindi nya sasadyaing saktan ka."

Napayakap na lang ako ng mahigpit kay mama at ibinuhos ang lahat ng aking luha. Hindi na ako nakasagot pa at maging si mama ay di na rin nagsalita. Naroon lang sya pinagagaan at tinatanggap ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. Damang dama ko ang pagmamahal ni mama mula sa init ng kanyang yakap at sa bawat haplos ng kanyang kamay sa aking ulo at pisngi.

Habang tinutuyo ni mama ang aking pisngi ay nasulyapan ko ang kanyang mukha. Bagamat may lungkot sa kanyang mata, banayad ang kanyang mukha. Tila alam na alam nya ang dapat nyang gawin. "Anak. Sige lang, ibuhos mo lang lahat ng luha mo. Pagkatapos ay muli kang ngumiti. Tandaan mo, laging may bahaghari paghupa ng ulan." At itinunghay nya ang aking ulo.

Ngumiti ako sa kanya, bahagya ng humihina ang aking pagtaghoy kasabay ng unti unting pagpayapa ng aking puso. "Hindi ko alam mama kung bakit ako nagkaganito." Malungkot kong bigkas.

"shhhh..." pagpapatahan nya sa akin. "Hindi kailangan ng dahilan sa pagmamahal. Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin mo sa iyong buhay ay ang mamili sa kung ano ang tama at kung saan ka magiging masaya. Nasasaiyo iyon anak, hindi ako o sinoman ang makakapagsabi ng dapat mong gawin. Sundin mo lang ang puso mo." Nakangiti nyang payo. Ramdam ko ang pagmamahal at pagunawa sa bawat salitang binitiwan nya.

"Paano kung mali pala yung gusto ng puso ko? Ito pa rin ba yung susundin ko?" Bigla akong napatanong. Dali-dali kong tinignan si mama, dapat kasi'y tanong ko lang ito sa aking sarili.

"Nak, ok lang magkamali. Ang mahalaga matuto ka sa sarili mong pagkakamali. At kung sa tingin mo magiging masaya ka, sundin mo ang puso mo. Basta anak, isa lang ang pakiusap ko. Walang masamang piliin ang ikasasaya mo basta wala kang naapakan o naagrabyadong tao. Pati kung masyado ng masakit, baka hindi yon ang para sayo." Payo ni mama.

Hinimas nya saglit ang aking ulo sabay balik sa pagaayos ng aming agahan. "Ma. Alam kong hindi ko na kailangan pang sabihin to pero gusto kong marinig mo mula sa akin." Tapat kong wika sabay ang hinga ng malalim. "Mahal ko si AJ nang higit pa sa isang kaibigan." Kinakabahan kong sambit sabay ang mabilis kong pagpikit ng mata.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ka agad sumagot si mama kaya't tanging ang kaba lang sa aking dibdib ang aking naririnig. "Sa totoo lang, hindi na naman ako magtataka kung mahulog ang loob mo kay AJ. Naisip ko na rin na darating ang araw na to, kasi sobra ang lapit nyo sa isa't isa. Hindi rin ako magtataka kung ganun din ang nararamdaman ni AJ sa'yo." Tugon ni mama. Kalmado lang sya at patuloy sa kanyang ginagawa.

"Pero Ma. Hindi ko masabi sa kanya. Natatakot ako." Nakatungo kong sagot.

Naramdaman ko ang paglapit ni mama, hinintay nya akong harapin ko sya. "Mahirap at nakakatakot magtapat ng nararamdaman sa taong ayaw mong mawala sa buhay mo. Pero si AJ yon, dapat mas alam mo ito kesa sa akin. Mabait na bata si AJ at tapat ang pagpapahalaga nya sa iyo. Kung hindi man nya masusuklian ang nararamdaman mo para sa kanya, sigurado akong hindi ka nya magagawang pabayaan. Magiging kaibigan pa rin sya sa iyo." Nakangiti nyang tugon sa akin.

Napangiti na lamang din ako sa kanya. Naputol angaming munting usapang pagibig nang may kumatok sa aming pintuan.

**Don't forget to Vote and comment your thoughts.**

**This scene is dedicated to my mom, Shane Lumbres. Love you nay.**

ADVANCE NOTICE:

I may not be able to publish as regularly as before since as you all know I am currently writing Chapter 8. So please be patient, para din sa inyo 'to. LOL. Ayoko kasing sumulat ng chapters na wala ako sa proper emotions. Thanks guys.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon