Chapter Seven - Part I

598 22 41
                                    

**Sino nga ba si Mia sa buhay ni Caloy."

Mabuti na lamang at sabado ngayon, walang pasok. Nanlulumo pa rin ako sa nangyari kagabi. Hindi ko pa rin lubusang naiintindihan kung bakit kami humantong sa ganito. Bahagya lamang akong nakatulog, paano ka ba naman makakatulog ng ayos kung pakiramdam mo'y binabasag pirapiraso ang iyong puso.

Walang gana ang aking katawan, pagod na pagod ang aking pakiramdam gayong maguumpisa pa lamang ang aking araw. Kailangan ko na rin sigurong palayain ang aking sarili. Magumpisa ng bagong yugto sa aking buhay na wala si AJ dito. Muli na naman akong naiyak, hindi ba nauubos ang luha ko? Hind ba napapagod ang mga mata ko? Kailangan ko ng malalabasan ng bigat sa aking dibdib. Mas lalo lamang akong nalungkot dahil mas lalo ko lang naramdaman ang pagkawala ni AJ. "Si Mia!" ani ko sa isip. Ito na siguro ang panahon para sabihin ko ang lahat kay Mia. Alam kong maiintindihan nya ako, matatanggap nya ako.

Nagtext ako kay Mia, Mia I need you. I have something to tell you. I really need you.

Mabilis namang sumagot si Mia, Sige puntahan kita sa inyo. Wala kang pasok right? Tapos na klase ko by 10 AM.

Bahagya akong napangiti, maasahan ko talaga si Mia, kahit pa madami dami na rin akong atraso sa grupo. Biglang pumasok sa isip ko si Patrick. Ni hindi ko na sya nakausap matapos nyang magpunta sa school kahapon. At kung meron mang tunay na makakaintindi sa aking pinagdadaanan, sya yon. Kaya't naisipan kong ako na lamang ang pupunta kay Mia sa school nila, tutal malapit lang dun ang tinitirahan ni Patrick.

Mabigat pa rin ang aking pakiramdam, hirap na hirap akong bumangon. Pero kailagan ko to, mas makakabuti sa akin ang kausapin ang mga kaibigan ko. Hindi ko ito kakayanin mag isa.

Alas Nuebe y medya na ako nakarating sa isang coffee shop malapit sa kanilang school. Kalahating oras pa ang hihintayin ko. Nagpasya muna akong uminom ng triple shot espresso, sumasakit kasi ang ulo ko sa antok. Buti na lang dala ko ang earphone ko, pampalipas ng oras.

Unang kanta pa lang na tumugtog ay nalungkot na agad ako.

If this is my last night with you

Hold me like I'm more than just a friend

Give me a memory I can use

Take me by the hand while we do what lovers do

It matters how this ends

'Cause what if I never love again?

Para bang nanadya ang pagkaka-shuffle sa playlist ko. Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Bumalik ang lahat ng emosyong naramdaman ko kagabi. Muli ko na naman tuloy natanong ang aking sarili. Bakit ba kami nauwi sa tagpong iyon kagabi? Bakit pakiramdam ko ay pinagtabuyan ko sya? Bakit hindi ko na lang ba sabihin sa kanya ang totoo? Na mahal ko sya, mahal ko sya higit pa sa isang kaibigan o kapatid.

Bumalik ako sa aking ulirat nang biglang may yumakap sa akin. "OMG Caloy, anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Mia. Naupo sa tabi ko si Mia, nginitian ko sya. "It's about AJ right?" tanong nya.

Di na rin naman ako nagulat sa tinanong nya. Alam kong matagal na nyang naiisip na isang araw ay hahantong kami ni AJ sa ganitong sitwasyon. "Oo na. Tama ka." Pabiro kong sagot.

Hinawakan nya ang kamay ko. Seryoso ang kanyang mukha, "I never judged you Caloy. At alam mo yan, hindi ko gustong nahihirapan o nasasaktan ka. It's just that, I know nung highschool tayo bestfriend lang talaga ang tingin mo kay AJ. Pero I anticipated the day that you will fall inlove with him. Let's admit it, hindi mahirap mahulog sa kanya, I fell for him, although akala nyo crush crush lang yon." Pagdamay nya.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon