Chapter Ten - Part II

475 23 19
                                    

**Hello guys. HAHA!! Pasensya na at medyo natagalan ang update na 'to. Busy-busihan ako. Pati ilang araw ako wala sa mood magsulat kakapanood ng Naruto. Hopefully magustuhan nyo ito. Malapit na pong matapos ang kwento. :)**

Dumating na rin sina Mia at ang iba pa. Nagpaalam naman ako para maligo pero ang totoo gusto ko lang silipin si Patrick dahil hindi pa ito bumabalik.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga si Patrick, nakatalikod. Nang maramdaman nya ang paglapit ko ay humarap sya.

"Nagising ba kita?" Paumanhin ko at naupo ako sa kama.

Umikot naman si Patrick para harap sa akin, "Hindi. Papahinga lang ng konti. Bakit matutulog ka ba?" Mapanukso nitong tanong.

Bahagya akong natawa, "Hindi. Maliligo ako. Amoy alak pa rin ako e." Pagtanggi ko.

Bahagya syang bumangon, "O? Maliligo ka rin pala, sana nagsabay na tayo." Biro ni Patrick sabay ang pagbungisngis.

Madahan kong tinapik ang pisngi ni Patrick, natawa sya. "Hindi naman pwede. Minor pa ako." Biro ko.

Muli syang nahiga, inipit nya ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo, "Higa ka muna dito." Malambing nyang yaya.

Napatingin ako sa kanya ng masama, "Patrick?" galit-galitan kong tawag sa kanya.

Ngumiti lamang sya. "Masama ba? Parang pareho lang naman yon ng magkayakap tayo." Muli nyang panunuya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at napamangot. Pinagmasdan ko sya. Mapungay ang kanyang mga mata, tila inaantok nga sya. Mapushaw ang kulay ng kanyang mukha. Ang gwapo talaga ni Patrick, ang sarap titigan. "Sige na. Maliligo na ako." Paalam ko sabay ang tayo.

Bago pa man ako tuluyang nakatayo ay pinigilan ako ni Patrick. Hinila nya ang aking kamay. Nawala ako sa balance kaya't napahiga ako sa kama. "Please kahit saglit lang." Paglalambing nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Pagbagsak ko kasi sa tabi nya ay napahawak ako sa may hita nya, mainit ang balat nya. Mabilis kong tinanggal ang aking kamay dahil malapit na ito sa kanyang ari. Bumangon ako. "Hoy ano ka ba!" Bigla kong bulalas.

Pagharap ko sa kanya ay namumula sya. Akala nya siguro ay galit ako. Nagmistulang isang nagmamakaawang bata ang itsura nya, "Sorry Caloy. Gusto ko lang naman maranasan yung nararanasan ni AJ. Pati para hindi na ako magselos." Nagaalinlangan nyang tugon.

Umalis ako ng tingin sa kanya. Ok lang siguro na pagbigyan ko sya para mawala na rin yung pagseselos nya. Humiga ako sa tabi nya, Ipinatong ko ang ulo ko sa braso nya at humarap sa kanya. Ang bango ni Patrick, ano kayang ginagamit nyang pabango. Nagulat ako nang humarap din sya sa akin, ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mukha. "O ano ok na?" pabulong kong biro.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang ipatong naman nya ang kanyang kanang kamay sa aking tagiliran. Bahagya nya akong hinila papalapit sa kanya. "Amoy alak ka nga." Biro nito sabay ang ngiti.

"Patrick behave!" Kinakabahan kong biro sa kanya. Sanay ako ng ganito kay AJ dahil matagal ko na syang kilala. Alam kong walang malisya sa kanya ang mga ganitong eksena namin. Pero si Patrick 'to. May karanasan at aminadong malibog. At sa ginagawa nya ngayon ay may nararamdaman akong init sa aking katawan.

Bahagya nyang niluwagan ang kanyang hawak sa akin. "Behave naman ako a. Bakit? Nagiinit ka ba?" Tukso nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. At ang mga kamay ko'y tila naging bato sa pagitan ng aming katawan ni Patrick. "Gago. Hindi ah." Pagtangi ko, napangiti sya.

Inalis nya sa pagkakayakap ang kanyang kamay at kinuha ang isa kong kamay. Inilapat nya ito sa kanyang dibdib. Ang init ng kanyang dibdib at mabilis rin pala ang tibok ng puso nya. "Kapag ba kayo ni AJ ganito, may nararamdaman kang kakaiba?" Biro nyang tanong.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon