Chapter Six - Part I

535 25 43
                                    


Alas-singko pa lamang ng umaga ay nagising na ako. Madali rin kasi akong nakatulog pag-uwi ko kagabi. Agad pumasok sa isipan ko ang paghalik sa akin ni Patrick. Hindi naman ako galit sa ginawa nya, nabigla lang siguro ako at nailang.

Tumunog ang aking cellphone, text mula kay AJ. "Good morning Caloy. Sabay na tayong pumasok, daanan kita, namimiss ko nang magbreakfast kasama ang bestfriend ko."

Napangiti ako, nakakamiss din talaga ang mokong na 'to. Pagtingin ko sa aking mga mensahe, marami na palang text si Patrick at ilang missed call, humihingi pa rin sya ng paumanhin sa nangyari. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin sa kanya kaya't di ko muna sya sinagot.

Alas-sais y medya dumating si AJ. Naririnig ko ang boses nya mula sa kusina, kausap si Mama. Matapos kong magbihis ay nagtungo agad ako sa kusina, nakaupo si AJ sa hapagkainan samantalang nagaayos ng pagkain si Mama.

"Good morning Caloy." Masiglang bati ni AJ at niyaya akong tumabi sa kanya. "Ang bagal mo talagang kumilos." Biro nito.

Dumila lang ako sabay ambang susuntukin sya, "Bakit ang aga mo atang gumising, excited lang?" biro ko.

"Nagjogging ako kaninang four. Warm up para mamaya sa try out." Sagot nya habang nakatitig sa'kin.

Ayan na naman sya, yang titig na yan na dati rati'y binabalewala ko lang, pero ngayon ay may kung ano akong sayang nararamdaman. Napangiti lang ako at tumitig din sa kanya. Kung pagkukumparahin ko si AJ at Patrick, sa tingin ko'y mas gwapo at kaakit-akit si Patrick. Pero iba pa rin si AJ, iba yung pakiramdam ko kapag kasama sya, sobrang gaan ng loob ko.

Naputol ang munting titigan namin nang naupo na rin si Mama, tapos na pala syang maghanda ng agahan. "May try out ka? Buti naman at tinuloy mo pala sa college ang paglalaro mo." Magiliw na tanong ni Mama kay AJ.

Mabilis namang tumingin si AJ kay Mama at ngumiti, "Opo tita. Testing lang, pati kasi tong si Caloy pinipilit ako." Masayang sagot ni AJ.

"Buti kaya pa ng katawan mo." Sambit ni Mama at napalingon sa akin. Parang gusto nyang bawiin ang kanyang mga sinabi nang makita nya ang biglang paglungkot ng aking mukha.

Mabilis namang sumagot si AJ, "Ah opo tita. Ok naman po ako. Bawal lang akong mapagod ng sobra. Pero kaya naman pong maglaro ng buong game." Tumingin sya akin. "Agang aga ganyan itsura mo." Biro nya sa akin, ramdam kong nagalala sya.

Pagtingin ko kay mama ay nakatingin sya kay AJ, tila seryoso sya. "Maraming salamat AJ." Tanging wika ni Mama, seryoso talaga sya.

Napangiti naman si AJ at tila nagtatanong, "Para saan tita?"

Ngumiti si Mama at hinawakan ang kamay ni AJ, "Dahil lagi kang nandyan para kay Caloy."

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako, hindi ko maisip kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ni Mama, "Anong meron?" pabiro kong sambit para maputol ang kanilang paguusap.

"Naku tita. Wala po yun, alagain kasi talaga yang si Caloy, kaya lagi kong binabantayan." Biro ni AJ sabay ang pagtawa. Tumango naman si Mama bilang pag sang-ayon.

Napa-ismid lang ako sa kanilang dalawa, "Sige pagtulungan nyo pa ako. Bigboy na ako. Kaya ko na ang sarili ko, di nyo lang matanggap." Pabiro kong wika. Habang pangisi-ngisi ako'y naging seryoso naman ang dalawa. "Ang daya nyo talaga." Muli akong napasimangot.

Tumaas ang kilay ni Mama sa akin, "Kaya mo na ba talaga?" seryoso nyang wika sabay ang lingon kay AJ.

Nakatingin sa akin si AJ at bahagyang naka ngiti, "Kahit alam kong malaki ka na, ako pa rin ang bestfriend mo at walang iwanan kahit anong mangyari" magiliw nyang sambit.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon