Chapter Eleven - Part II

473 27 7
                                    

**Enjoy reading guys.**

---------

Bago ako pumunta sa apartment ni Patrick ay dumaan muna ako sa Mall para ibili sya ng mga prutas at gamot.

"Sino yan?" Tanong ni Patrick mula sa loob ng kanyang apartment habang kumakatok ako. Hindi ako sumagot.

Pagbukas nya ng pinto ay gulat na gulat sya. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang kanyang mukha, may pasa sa mata. "Anong nangyari sa'yo?" Nagaalala kong tanong, halos malaglag ang bitbit kong pasalubong.

Mabilis nyang kinuha ang mga daladala ko at iniiwas ang mukha nya sakin. Sumunod ako sa kanya ngunit nakatalikod pa rin sya at nagpapanggap na inaayos ang dala kong mga prutas. "Pat, anong nangyari?" Mahinahon kong tanong.

Ilang buntong hininga ang kanyang binitawan bago ito humarap sa akin. "Wala 'to, nagkainitan kasi kami nung isang teammate ko sa practice." Nakangiti nitong paliwanag at napakamot sya sa ulo.

Sinenyasan ko syang lumapit sa akin at sumunod naman sya. Umupo sya sa tabi ko, "Kailan yan?" Tanong ko na animo'y may pinapagalitang bata.

Ngumiti sya at nagpaawa ng mukha, "Kahapon." Tanging tugon ni Patrick.

"Bakit di mo nabanggit sakin? E halos araw araw tayong magkausap." Usisa ko habang pinagmamasdan ko ang pasa nya. Mukhang bago nga lang 'to. "Anong pinagawayan nyo at umabot pa sa suntukan?" Muli kong litanya.

"Wala, tungkol lang sa practice namin. Wag mo ng usisain, kaya nga di ko sayo sinabi kasi magaalala ka pa." Malambing nitong sagot at patuloy pa rin sa pagpapa-cute.

Marahan kong tinapik ang pisngi nya, mapagpanggap na aray ang binitiwan nya sabay ang tawa. "Tawa ka pa dyan, Gusto mong pantayin natin yang kabila?" Biro ko sa kanya at inambahan ko sya.

Inilapit naman nya ang kanyang mukha na animo'y nanghahamit, "Kaya mo ba akong saktan?" Lambing nito.

Mabilis kong kinurot ang pisngi nya at hinila ito, muli syang napa-aray. "Loko yon a. Binawasan ang kagwapuhan mo, gusto mo balikan natin?" Kunwari ay seryoso ako.

Nakangiti lang sya, mukha namang natuwa sya sa pagbisita ko. Napatitig ako sa kanya. "Bakit lagi mo akong tinititigan ng ganyan?" Malambing nyang tanong.

Napaalis ako ng tingin at napailing. "Wala." Tanging tugon ko. Bakit ganon, kapag si AJ ang tinititigan ko ng ganoon parang humihinto ang mundo ko. Naku, mali 'to, hindi ko dapat ikumpara si Patrick kay AJ. Walang patutunguhan ang pagiisip ko ng ganito.

Nang binalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakakatitig pala sya sa akin. Napangiti ako. Umusud ako palayo sa kanya sabay ang ilang tapik saking hita, "Halika, mahiga ka sakin." Paglalambing ko sa kanya.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at abot-tenga ang kanyang ngiti. Mabilis syang nahiga sa hita ko, "Iba ka yata ngayon? Masyado kang sweet." Biro ni Patrick.

Hinimas ko ang kanyang pisngi, "Ayaw mo ba?" Biro ko.

Ngumiti sya at hinawakan ang aking kamay sa kanyang pisngi, "Syempre gustong gusto ko." Paglalambing nya. "Nababawasan na yang lungkot sa mata mo a." Bigla nyang wika.

Napangiti ako, "Konti na lang Patrick, ok na ako at ok na rin naman si AJ." Magiliw kong tugon.

"Ano nga pala yung ikwe-kwento mo tungkol kay AJ?" Pagpalit paksa nya.

Nakakapagtaka talaga ang interes nya kay AJ ngayon. Inalis ko ang aking kamay sa kanyang pisngi at ipinatong ito sa kanyang dibdib. Tama ang hinala ko, mabilis ang tibok ng puso nya. "Bakit ka kinakabahan?" Seryoso ako, nagtataka na kasi talaga ako.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon