Chapter Twelve - Part IV

755 25 26
                                    

Bago ko sinagot ang tawag ay nagpaalam si AJ na lilinisin muna nya ang sarili. Sinabi ko lang kay Mama na nakila AJ ako, babalik rin ako bago mag alas dose. Alas diyes pa lang naman. Nanatili lang akong nakahiga, medyo masakit pa rin ang katawan ko. Pinagmuni-munihan ko muna ang mga nangyari habang hinihintay matapos si AJ.

Alam ko sa aking sarili na masaya ako, natapos na lahat ng agama gam ko. Pero hindi lang naman dapat ang kasiyahan ko ang aking intindihin. Paano na si Kyleen at Patrick. Si Patrick ay hindi problema, una hindi naman kami, pangalawa alam kong maiintindihan ako ni Patrick. Si Kyleen? Malaking gulo ito kapag nagkataon.

Naputol ang malalim kong pagiisip nang bumalik na si AJ, may dala itong bimpo at planganita. "O malalim na naman ang iniisip mo." Bati ni AJ at naupo sa tabi ko.

Pinunasan ni AJ ng bimpong basa ang aking katawan, "Paano tayo?" Bigla kong tanong.

Patuloy lang sya sa paglilinis ng katawan ko at ngumiti, "Problema na agad ang iniisip mo." Magiliw nyang sagot. "Si Kyleen ba? Makikipaghiwalay na ako sa kanya. Pero syempre hindi ko sasabihing dahil sa'yo." Dugtong nya. "E paano si Patrick?" Seryoso nyang tanong.

Bahagya akong tumawa, "Alam naman ni Patrick na ikaw ang mahal ko, pati hndi pa naman kami e." Sagot ko.

"Wow! Ang hard mo kay Patrick, pinaasa mo lang sya." Biro ni AJ. Tumayo sya upang ikuha ako ng damit.

"Hindi ko sya pinaasa, malapit na sanang maging kami ni Patrick, kaso nagkausap kami ni ate Mads tapos eto yung naging resulta. Nagi-guilty nga ako, ang bait bait ni Patrick." Seryoso kong paliwanag habang nagbibihis.

Nahiga si AJ sa kama at hinintay akong matapos magbihis. Tinawag nya ako at pinahiga sa kanyang dibdib. "Alam ko namang seryoso si Patrick sa'yo at alam ko ring kung nagkatuluyan kayo ay nasa mabuti kang kamay." Seryoso sya, kalmado lang ang tibok ng puso nya, ang sarap pakinggan. "At alam ko rin namang seryoso ka kay Patrick, kaya ako na lang din yung umiwas. Kasi noong nasa beach tayo, kita ko namang kaya ka nyang pasayahin."

Bahagya kong tinapik ang kanyang tyan, "Kaya ba huminto ka na sa mga ginagawa mong sweet sa akin?" Biro kong tanong.

"Oo, pati alam kong pinagiinitan ka ni Kyleen. Siguro napapansin nya kung paano ako tumingin sa'yo. Remember after try out? I know something was off between you and Kyleen. At sinabi rin yun ni Jaquin. I tried to confront you noong umuwi tayo, I would have told you how I feel pero nauna ka ng magsalita. So I decided to give up and give what you want, after all, you already have Patrick." Paliwanang nya.

"Patrick? Naisip mo na agad yun? Mula lang sa kwento ng classmate mo na naguusap kami sa labas ng school?" Nagtataka kong tanong.

"Well, part of it was a lie. Wala namang nagsabi sa'kin. I was there watching you while I'm breaking into pieces. Five minutes before magumpisa ang try-out, nung hindi kita nakita sa court, I looked for you. Yun nga nakita ko kayo, he was holding a white rose, I knew it was for you. And I saw how happy you were. And seeing you with another guy, it breaks my heart." Malungkot nyang kwento.

"Talaga? Kaya pala ang sama ng tingin mo after ng try out. Sorry Aries, I know what you are thinking about Patrick, but he's a good guy. Sya yung naroon noong mga panahong nasasaktan ako dahil sa'yo. I know it's not your fault but he was there all the way. At gusto ko sanang ipagpatuloy ang pagkakaibigan namin." Kinakabahan kong tugon.

"Ok lang Caloy. I know Patrick is a good guy and he plays fair. Hindi nya sa'yo nabanggit na sinuntok ko sya?" Natatawang tanong ni AJ.

Napabangon ako at tinignan si AJ, nakatawa sya. "Sinuntok mo si Patrick? Kaya ba may black eye sya? Bakit?" Nagaalalang tanong ko.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon