Chapter Nine - Part I

500 29 39
                                    

**Hello guys, One month ago nung una kong i-post itong kwentong to. I just want to thank all the readers especially yung mga nakaka-appreciate nung kwento. And to those who sends me Private Messages para i-encourage ako to keep up the good work. Thank you sa inyong lahat. Hope you enjoy this one.**

**Sa mga di pa naka-follow sa akin, please follow me for updates.**


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humihimas sa aking pisngi. Madahan at malambing, ang sarap sa pakiramdam. Pipikit-pikit pa ang aking mata nang bumungad sa akin ang mukha ni AJ. Ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mukha. Ang aliwas ng kanyang mukha, punong puno ng pagmamahal ang kanyang mata.

Nagbitaw sya ng napakatamis na ngiti nang makita nya ang pagbukas ng aking mga mata, "Hi Caloy, Nagising ba kita?" Pabulong nyang bati sa'kin, napakalambing ng tono ng boses nya.

Kinabahan ako, lalong lumawak ang ngiti nya nang mapansin nyang naguguluhan ako. "What's wrong my baby?" mas lalo pang naging malambing ang boses nya.

Bumilis ang tibok sa aking dibdib lalo pa nang makita kong papalapit ang mukha nya. Bahagya kong pinigilan ang katawan nya, "Anong nangyayari sa'yo Aries?" kinakabahan kong pagpigil sa kanya.

Nagpa-cute sya saglit, "Ahhh. You're blushing baby. Don't you like this?" nakakatunaw ang kanyang tingin, namumula na pala ako – sa kilig at hiya.

Bahagya ko syang tinulak, "Stop playing with me Aries!" kinakabahan pa rin ako bahagya syang umurong.

Napalitan ng lungkot ang kanyang mga mata, "Hindi mo ba ako mahal, Caloy?" seryoso sya. "I've been in love with you the moment I laid eyes on you." Dugtong nya, may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Halos mabingi ako sa kanyang mga sinabi, napabangon ako. Bigla na lamang tumulo ang aking mga luha. "Aries, gustong gusto kong marinig yang mga salitang yan mula sa'yo." Napangiti ako, pinunasan nya ang luha sa aking mata. "Kasi mahal din kita, mahal na mahal kita." At tuluyan ng nanlambot ang aking katawan.

Sobrang saya ng aking nararamdaman at kitang kita ko sa mukha ni AJ na ganun din sya. "Tumahan ka na." sambit nya habang patuloy nyang tinutuyo ang aking pisngi. "Araw-araw kong gustong sabihin sa'yo na higit pa sa kaibigan ang turing ko sa'yo. Ilang beses kong pinadama sa'yo yung pagmamahal ko. Nagbabaka sakaling ganun din ang nararamdaman mo para sa akin." Naiiyak nyang banggit. "God knows how afraid I was, di ko kayang mawala ka sa'kin pero hindi ko na rin mapigilan yung nararamdaman ko para sa'yo." Sa totoo lang ang kisig kisig nya sa tagpong ito. Yung kahit lumuluha sya, ang gwapo gwapo pa rin nya. "That's why I'm so happy to hear from you that you feel the same way. Caloy, I love you so much and I will always take care of you no matter what." Ramdam ko ang katapatan nya. Mabilis nya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

Lumulutang ako, ang puso at ang aking kaluluwa. Ang tagal kong itinanggi sa aking sarili na maaaring mahulog ang loob sa akin ng aking bestfriend. Pero heto sya, ibinubuhos nya ang lahat ng kanyang nararamdaman. Hinahangaan ko sya, kasi ito yung bagay na hindi ko kayang gawin, pero alam ko rin na hindi ito madali para sa kanya. "Thank you Aries. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito." Habang umiiyak ako sa kanyang balikat. "And I'm sorry kung nasasaktan kita. Sana alam mo na ang saktan ka ang pinaka huling bagay na magagawa ko sa'yo. Mahal na mahal kita at hinding hindi ako magsasawang sabihin ito sa'yo." Buong katapatan ko sa kanya.

Humigpit lalo ang kanyang yakap, damang dama ko ang pagmamahal nya. "Caloy... I will never break your heart. I'd rather break mine than to break yours." Malambing nyang bulong at naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang yakap. Tinitigan nya ako saglit... at itinunghay nya ang aking mukha, tinitigan nya ako ng maigi at nagbitaw ng pinakamatamis na ngiti na maaari nyang ibigay, "Caloy, I am the one... I am the one who will make you happy and contented... the one who will turn your darkest days to happy moments... I will be here for you... regardless if you need me or not. I am all yours because I know... you are all mine... Because you are everything to me and I am everything to you." Malambing nyang wika.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon