Chapter Ten - Part I

644 32 59
                                    

**Hello guys, pasensya na at medyo natagal ang update. Medyo nawala sa mood, ayoko naman magsulat ng basta basta lang. So I hope magustuhan nyo itong update. ENJOY READING GUYS.**

(pasintabi po sa maling spelling o grammar. Kakatapos ko lang nan as in. xoxo )


Nang maubos na ang mga alak ay pumasok na sina Louie at Joey. Naiwan kami ni Patrick para mag-ayos ng mga natirang kalat.

"Lasing ka na?" Pabiro kong tanong habang iniipon ko sa isang supot ang mga kalat.

"Ako malalasing? Hindi ako nalalasing." Buong pagmamalaki nya sabay ang tawa.

Nilingon ko sya, nag-aayos din sya ng mga kalat. Pulang pula ang kanyang mga pisngi. Bagamat mapungay na rin ang kanyang mga mata ay maliksi pa rin syang kumilos. Malakas nga ata talaga syang mag-inom. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay napangiti sya, ako naman ang nahiya.

Lumapit sya sa akin at kinuha ang hawak-hawak kong supot, "Umuna ka na sa loob. Ako na bahala dito." Malambing nyang wika.

"Baliw, sabay na tayo. Masyado mo naman akong bine-baby nyan, baka masanay ako." Biro ko sa kanya.

Bahagya nya akong tinabig, "Masanay ka na." Tangi nyang tugon. Bagamat nakangiti ang kanyang mga labi ay may lungkot sa kanyang mata. "Sige na Caloy. Pumasok ka na sa loob, ako na ang bahala dito." Pagpupumilit nya.

"Ok ka lang ba Patrick?" Hindi ko na napigilang mag-alala.

Napahinto sya sa kanyang ginagawa, "Oo naman. Bakit?" May kaba sa kanyang boses.

Lumapit pa ako lalo sa kanya, "Malungkot ka e." Giit ko.

Pilit nyang nilakihan ang kanyang ngiti, "Hmmmm..." sabay ang kindat nya sa akin. "Hindi ako malungkot. I'm more concerned about you and AJ. It seems you had an intense conversation with him. I can see it in your eyes and even his." Nakangiti nyang dugtong.

Napailing na lang ako at napapikit. Sasagot na sana ako nang akbayan ako ni Patrick, "C'mon, I know pagod ka na. It's been a long day for you. Bukas mo na ikwento sa akin. Go and take a rest, susunod ako after this." Paglalambing nya.

Hindi na ako nagpumilit pa, bahagya ko syang niyakap at nagpaalam na. Swerte talaga ako na nakilala ko si Patrick, lagi syang nandyan para sa akin. Pero minsan may pagkamasukista itong si Patrick, kahit alam na nyang masasaktan sya sa malalaman nya tungkol sa amin ni AJ gusto pa rin nyang marinig gumaan lang ang loob ko. Kaya kahit ganito, alam kong seryoso sa akin si Patrick. Tapat ang intension nya. Nawa'y masuklian ko ang lahat ng kabutihan nya sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at dumiretso ako sa kama namin. Paghiga ko ay naramdaman ko ang paggalaw ni AJ, nagising ata. Hinintay ko syang kumilos pero tila tulog na tulog sya. Tumalikod na lang ako sa kanya at naglaan ako ng puwang sa tabi ko para kay Patrick. Sinubukan kong hintayin si Patrick ngunit nakatulog na rin ako.

Naalimpungatan ako, pagmulat ng aking mga mata ay wala si Patrick. Tatayo na sana ako para hanapin si Patrick ngunit nakadantay pala sa akin si AJ. Dahan-dahan akong gumalaw para hindi magising si AJ. Ngunit nang maramdaman nya ako pagkilos ko ay madali syang umalis sa pagkakadantay at tumalikod. Dali-dali naman akong bumangon para hanapin si Patrick.

Nakita ko sya sa may dalampasigan, nagjo-jogging sya. Nang makita nya ako ay tumakbo sya palapit sa'kin. "Hey good morning. Ang aga mong gumising." Bati nya sa akin sabay ang tingin sa kanyang relo, alas singko pa lang ng umaga.

"Natulog ka ba?" Nagaalala kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ang namumula nyang mukha.

Bahagya syang tumawa, "Oo naman." Maikli nyang sagot, ramdam ko ang pagkailang nya.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon