Chapter Eleven - Part III

423 26 8
                                    

Papalapit pa lamang kami sa bahay ay nakita ko ng bahagyang namutla si Patrick. Kinakabahan siguro. Pagbaba ng sasakyan ay inayos ni Patrick ang sarili.

"Ma, nandito na kami." Malakas kong bati habang naglalakad papunta sa kusina. Kasunod ko si Patrick.

"Magandang gabi po." Bati naman ni Patrick nang makarating kami sa kusina.

Lumingon si Mama at ngumiti, "Hi. Patrick right?" Magiliw na tugon ni Mama.

"Opo." Nakangiting sagot ni Patrick, ramdam ko ang kaba nya.

"Sige upo na kayo dyan. Matatapos na 'to. Kumakain ka ba ng kare-kare Patrick? Favorite kasi ni Caloy to." Wika ni Mama habang abalang abala sa pagluluto.

"Opo, hindi naman po ako pihikan." Biro ni Patrick. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama.

Naupo na kami sa hapagkainan. Habang nagkukwentuhan kami ay nagtext si AJ. Mokong, di ka na ba talaga pwede sa 24? – AJ. Ipinakita ko ang text kay Patrick. Ngumiti lang ito at tumango.

Sorry talaga Aries. Nawala lang talaga sa isip ko. Muli kong pinakita kay Patrick ang sagot ko. "Ewan sa'yo. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Nakangiting wika ni Patrick. "Gusto mo labas na lang tayo sa twenty four?" Anyaya nya.

Ngumiti ako, "Mabuti pa nga siguro." Sagot ko. "Teka, kelan ka ba uuwi sa Sta Cruz?" Bigla kong tanong. Nakalimutan ko, Christmas break na nga pala.

"Sa twenty three sana. May training pa ako hanggang Twenty two e. Gusto mo sama ka samin? Tapos balik na lang tayo sa kinabukasan?" Malambing nyang yaya.

Napaisip ako, nakakahiya namang tumanggi. Ngumuso ako at itinuro si Mama. Ngumiti lang sya at tumango.

"Hindi ba kayo pupunta sa Tagaytay ni AJ sa twenty four?" Tanong ni Mama habang papalapit dala-dala ang kanyang linuto. Nabigla ako, nakatingin sa akin si Mama. "Bakit? Ano namang akala mo, hindi ko naririnig pinaguusapan nyo?" Pabirong wika nya.

Kinabahan ako, "May lakad si AJ." Tangi kong sagot. Napatingin sa akin si Patrick at napailing.

"E tita, isasama ko sana si Patrick paguwi ko sa Sta Cruz sa twenty three. Balik na lang po kami kinabukasan." Lakas loob na wika ni Patrick. Bahagya akong nagulat, ang lakas talaga ng loob ni Patrick.

Ngumiti lang si Mama at nagpatuloy lang sa pagaayos. Hindi ko rin mabasa ang mukha nya. "Bakit mo naman isasama si Caloy?" Mahinahong tanong ni Mama at naupo sya sa tapat ni Patrick. Kinabahan ako, hindi ako sanay na ganito si Mama. Di ko mawari kung galit ba sya o ano.

Napalunok ng laway si Patrick, hindi nya siguro inaasahan na tatanungin sya ni Mama ng ganoon. "Ah tita, papakilala ko lang po sa parents ko." Kinakabahan nyang tugon.

Nagulat ako at nagulat rin si Mama. "Kayo na ba?" Biglang bulalas ni Mama at ngumiti.

"Ma!" Saway ko, ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. Pagtingin ko kay Patrick ay nakangiti lang ito.

"Hoy Caloy, tigilan mo ko. Ang obvious nyo kayang dalawa." Biro ni Mama na lalo pang nagpapula sa aking pisngi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. "Hinay hinay lang kayo. Aware ka naman siguro Patrick?" Dugtong nito.

Kinabahan ako, "Ma, ano ba!" napipikon na ako.

"Opo naman tita. Si AJ po ba?" Magiliw na sagot ni Patrick. Naloko na, mukhang pagtutulungan na ako ng dalawa.

Natawa naman si Mama, "Mukha ka namang mabait Patrick. At mukha rin namang seryoso ka sa anak ko. Basta ibibigay ko rin sa'yo yung tiwalang ibinigay ko kay AJ. Pero pag pinaiyak mo yang anak ko, humanda ka sa akin." Biro nya. "Teka, anong nangyari pala dyan sa mukha mo. Sayang ang gwapo mo pa naman."

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon