Chapter Thirteen - Part I

657 29 28
                                    

**Sensya na guys, medyo naging busy lang. XD**


Hindi pa rin ako makapaniwala, parang isang panaginip lang ang lahat. Pero hindi, andito sya sa tabi ko at ramdam ko ang pagmamahal nya.

Pagdating namin sa bahay ay bahagyang nagulat si Mama pero kita ko ang saya sa kanyang mukha. Hindi na rin naman nya tinanong kung anong nangyayari, basta ang alam ko masaya si Mama na nakikita akong masaya.

Nagtext lang ako kay Patrick ng Happy New Year. Hindi ko na sya nagawang tawagan dahil alam kong masasaktan sya kapag nalaman nyang naging maganda ang resulta ng paguusap namin ni AJ. Ayokong sirain ang bagong taon nya, saka ko na sasabihin sa kanya.

Sabay naming sinalubong ni AJ ang bagong taon. Nakatayo kami sa asotea habang pinagmamasdan ang magagarang paputok at pailaw. Sa amin na rin natulog si AJ, magkatabi kami sa kama at sa pagkakataong ito ay natulog kami bilang dalawang taong nagmamahalan.

Lumipas ang dalawang araw bago ang aming pasukan na puno ng paglalambingan. Alam kong hindi tama ngunit naging madamot kami sa mundo. Malamig ang mga tugon ni AJ sa mga mensahe ni Kyleen at ganoon din ako kay Patrick. May mga pagkakataon pa ngang hindi sinasagot ni AJ ang tawag ni Kyleen. Ako naman ay nagsabi na kay Patrick na maguusap kami ng personal pagbalik nya dito sa Calamba.

Unang araw ng pasukan, maganda ang aking gising dahil sa isang mensaheng natanggap ko. Good morning babe, daanan po kita sa inyo by 7AM, sa school tayo breakfast. Mula kay AJ. Masigla akong bumangon at naghanda na sa pagpasok.

Maaga ng labinlimang minuto nang dumating si AJ. Bumati at nagpaalam na rin kami agad ni AJ. Pinagbukas pa ako ni AJ ng pinto ng sasakyan, nakakakilig pero bahagya kong hinampas sa braso si AJ. Gawin ba naman akong babae. Natawa lang sya at saglit na naglambing bago kami tuluyang umalis.

"O tinitigan mo na naman ako." Malambign na wika ni AJ sabay ang tingin sa'kin.

Ngumiti ako at nanatiling nakatitig sa kanya. "I love you po." Malambing kong wika.

Bahagya syang napatawa, "I love you too Caloy. Ang lambing naman ng babe ko, may kailangan ka no." Biro nyo.

"Baliw. Atleast ngayon malaya ko ng nasasabi yon." Malambing ko pa ring tugon. Napahinto ako at napaisip.

Madali naman itong napansin ni AJ, basang basa na nya talaga ako, "What's wrong babe?" pagaalala nya.

Napailing lang ako, "Wala po. Magkikita kami mamaya ni Patrick. I owe him this." Tugon ko.

"I see, behave ha, patay sa'kin yang si Pat kapag nilandi ka nya. Sabihin mo akin ka na." Masigla nyang biro. Alam ko namang may nararamdaman pa rin syang pagseselos pero alam ko ring may tiwala sya sa akin.

"How about Kyleen?" Bigla kong tanong. Nais ko sanang bawiin ang aking sinabi.

Bahagyang naging seryoso si AJ. Tumingin sya sa akin at ngumiti, "This seems unfair to you, pero give me time please. Alam mo naman si Kyleen, ayokong may gawin sya sa'yo. But definitely, I will break up with her." Alinlangan nya.

"Ano ka ba, ok lang. Naiintindihan ko naman. Tsaka kilala mo naman ako. Ayoko ng gulo lalo na sa kanya. Matagal na nya ako pinagseselosan." Biro ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong kinabahan.

Ibinababa na ako ni AJ sa main building, "Park lang ako, una ka na sa canteen." Magiliw na paalam ni AJ.

Ngumiti lang ako at nagtungo na ako sa canteen. Pagpasok ko ng canteen ay nakita ko agad si Kyleen, mukhang masama ang gising – nakasimangot sya. Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong papalapit sya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko na lamang pagsayad ng palad ni Kyleen sa aking pisngi, mabilis ang pangyayari. "Ahas kang bakla ka!" Malakas na sigaw ni Kyleen.

Halos mabingi ako sa sinabi ni Kyleen. Ramdam ko ang init ng aking pisngi mula sa pagkakasampal nya sakin. Parang sasabog ang aking dibdib sa kaba at takot. Ilang segundo rin ang lumipas bago ako nakatugon, "Anong sinasabi mo." Uutal utal kong pagtanggi.

"I knew it, bakla ka!" Pagpapahiya nya. Nararamdaman ko ang pagtingin ng mga estudyante sa amin.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo dyan." Kinakabahan kong pagtanggi.

Lalakad na sana ako ng palayo nang hilahin ako sa braso ni Kyleen, "Sige, deny it. You backstabbing faggot." Galit nyang hamon.

Halos wala na akong ibang marinig kung hindi ang mga paratang ni Kyleen. Nanlambot ang tuhod ko. Wala akong mukhang maiharap sa kanya at sa mga usiserong mga estudyanteng nanonood sa amin.

"What the hell!" Malakas na sigaw ni AJ habang papalapit sa amin.

Paglapit ni AJ ay nakatanggap rin sya ng isang malakas na sampal kay Kyleen. "What the hell your face. Ikaw at ang baklang yan, mga baboy kayo." Galit na paratang ni Kyleen. Namumuo na ang luha sa kanyang mata.

Kitang kita ko sa mukha ni AJ ang pagkabigla, pareho kami ng naramdaman ni AJ. Nagdilim ang aking paningin nang sampalin ni Kyleen si AJ. Nagbalik na lamang ako sa aking ulirat habang padapo ang aking palad sa pisngi ni Kyleen. Nabigla ako sa aking ginawa.

Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko na lamang ang paghagis ng aking katawan. Itinulak ako palayo ni AJ, tumaob ako. Nabigla ako, para akong naging bato. Nanginginig ang katawan ko sabay ang pagtulo ng aking mga luha. Nakatayo lamang si AJ, bakas sa mukha nya ang pagkabigla, parang wala sya sa sarili. Nanlulumo ako, bakit nya ako tinulak? Alam kong mali ako pero kailangan nya ba talagang gawin yon?

Bumalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang sunod sunod na hampas sa aking mukha, si Kyleen. Noon ko na lamang naramadaman ang hapdi sa aking mukha. Galit na galit si Kyleen, walang habas ang pag-atake nya sa akin.

Nahinto ang tagpong ito nang may pumigil at sapilitang inilayo si Kyleen, si Jaquin. Habang pigil pigil ng iba pang kasama ni Jaquin si Kyleen ay lumapit sa akin si Jaquin.

"Caloy, what happened? Are you ok?" Nagaalalang tanong ni Jaquin habang tinutulungan nya akong tumayo. Hindi ako nakatugon dahil hindi ko pa rin naiintindihan ang nangyayari.

Inakay ako ni Jaquin palabas ng Canteen, nang magtagpo ang mga mata namin ni AJ ay napahinto ako. Puno ng emosyon ang kanyang mata, takot at pagkabigla. Bago pa man makapag salita si AJ ay pinilit na ako ni Jaquin na lumayo.

Inupo ako ni Jaquin sa labas ng eskwelahan. "Caloy, hey. Iuuwi na kita sa inyo." Nagaalang wika ni Jaquin.

Nanatili akong nakatitig sa kawalan, nanginginig ang buo kong katawan. Nalilito ang aking isip habang nadudurog ang aking puso. Narinig ko ang boses ni AJ. Napahawak ako sa braso ni Jaquin, "Please Jaquin, ilayo mo sa akin yang taong yan." Mahina at pilit kong pakiusap.

Hinimas ni Jaquin ang aking kamay at lumapit kay AJ. Naririnig ko ang pagpupumilit ni AJ at ang pagpigil ni Jaquin. Bagamat hindi naman sila kalayuan ay hindi ko na rin naiintindihan ang salita nila.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili upang huminto ang aking panginginig. Kinuha ko ang aking cellphone at tumawag kay Patrick.

Nang marinig ko ang masiglang boses ni Patrick ay halos maubos ang aking lakas. Napahagulgol na lamang ako at doon napalitan ng pagaalala ang boses nya.

"Puntahan mo ko sa school ngayon." Hinang hina kong wika. Bago pa man makasagot si Patrick ay nabitawan ko ang aking cellphone dahil sa panlalata.

Mabilis namang lumapit sa akin sa Jaquin. Napatingin ako sa kanya, sa likuran nya. Nakaupo si AJ habang tumutulo ang luha. "Caloy, ihahatid na kita pauwi." Nagaalala pa rin si Jaquin.

"Di na Jaquin. May susundo na sa'kin." Walang emosyon kong sagot. "Salamat." Dugtong ko.

Naupo na lamang sya sa'king tabi at hinimas ang aking likod.

**VOTE, COMMENT AND SHARE pls**

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon