Chapter Nine - Part II

516 31 22
                                    


**Hello guys.. Pasensya na with this one. This is fresh from my draft. Hindi ko pa sya nabasa ulit for proof reading, so sorry kung may kulang kulang na words or maling spelling and grammar. I hope you will still enjoy it.

--- --- --- ---

Mabilis namang lumapit sa akin si Patrick at madahang hinimas ang aking pisngi saka nya itinunghay ang aking ulo. Nakangiti sya, may kung anong ligaya sa kanyang mata, "You don't owe me anything. Wala kang dapat ipaliwag sa akin." Malambing nynag wika.

Inalis ko ang kanyang mga kamay sa aking mukha at hinawakan ito ng mahigpit, "I know." Tanging bulalas ko. "Pero ikaw yung tamang tao na dapat kasama ko ngayon. If I didn't tell him that I'll be okay with you, he'll just stay and it will break your heart and it will break mine too." Paliwanag ko.

Napangiti sya at napakamot sa ulo, "Ikaw talaga. Sinabi ko naman sa'yo 'wag mo ng isipin ang nararamdaman ko." Malambing nyang tugon. Niyaya nya akong maupo, "I don't know how you do it." Tumingin sya sa malayo.

Hinintay ko syang magpaliwanag pa ngunit hindi na sya umimik. Hindi ko rin makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Do what?" tangi kong naging sagot.

"Yan." Bulalas nya sabay ang tingin sa'kin. Nakangiti sya, isang magandang ngiti. Ngunit kabaliktaran nito ang sinasabi ng kanyang mata, "Taking care of AJ and taking care of how I might feel. Parang lagi mong inuuna yung nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa'yo kesa sa sarili mo." Muli syang umiwas ng tingin.

Napailing na lamang ako, "Ewan ko. Bestfriend ko si AJ, siguro nasanay na lang talaga ako. Ganun kami sa isa't isa e." Naguguluhan kong sagot. Hindi naman sya umimik kaya't hinawakan ko ang kamay nya, alam kong mapapatingin sya. Hindi nga ako nagkamali, "And you." Ngumiti ako hinintay kong ngumiti din sya. "Sa sandaling oras na nagkakilala tayo, madaling gumaan yung loob ko sa'yo. And you're so nice to me kaya minsan tinatanong ko rin ang sarili ko if I deserve your kindness and sincerity." Magiliw kong paliwang.

Hinigpitan nya ang hawak sa aking kamay, nakangiti ang kanyang mga mata, "and Love." Pabiro nyang dugtong. Tumawa sya saglit, "And you deserve it. Nung una, curious lang talaga ako sa'yo. You were so innocent and cute. Until makilala kita ng husto, the love you have for AJ and the chance you are giving me. You make me believe in love again." Malambing nyang wika. Napansin ko ang namumuong luha sa kanyang mata, "So thank you. Kahit alam kong suntok sa buwan ang chances ko for you to love me back, ok lang, because I like how we are now. Pwede pala akong maging masaya ng walang hinihintay na kapalit." At tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

Halos matunaw ako sa lambing ng mga salitang binitiwan nya. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ni Patrick, "Salamat Pat. Although I think you deserves someone better than me, thank you pa rin dahil you chose to stay by my side kahit na ang hirap hirap para sa'yo na Makita kung paano ako kay AJ." Buong katapatan kong pasasalamat sa kanya. Nginitian ko sya bago ko sya niyakap. Naramdaman ko ang paghigpit din ng yakap nya. Alam kong ang tagpong ito ay tatatak sa aking puso't isipan. Baka si Patrick nga ang para sa akin talaga, kasi malaya naming nasasabi sa isa't isa ang kahit na anong nararamdaman namin.

Matapos naming pababain ang mga emosyon namin ay napagdesisyunan naming bumalik na sa kwarto. Habang naglalakad kami ni Patrick ay nakasalubong namin si Mia. Sakto, kakainan pala ng hapunan kaya't sumabay na kami kay Mia. Pagdating namin sa hapagkainan ay nandoon na rin lahat. Napatingin sa akin si AJ, may bakas pa rin ng pagaalala sa mukha nya. Ngumiti lang ako at nakita ko ring ngumiti si Patrick kay AJ. Unti-unting naging banayad ang mukha ni AJ, naramdaman na rin nya siguro na ok na ako.

Matapos naming kumain ay nagpahinga kami saglit at naguuyuhan na silang mag-inom. Hindi na ako nagulat nang nakikisali si Patrick sa usapan nina Joey at Louie. At inaasahan ko na rin na madali nyang makukuha ang mga loob nito. Wala nga sigurong syang hindi kayang pakisamahan.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon