Chapter Five - Part III

546 24 24
                                    

**Hello guys, Medyo mahaba itong sub-chapter na ito, last part kasi ng Chapter Five. Anyways, Enjoy reading guys. Its time to meet Patrick Dela Vega. Pls. Don't forget to vote and comment. Tell me what you think of Patrick. (Play the music/video for additional emotion. grin.)**

Naalala ko bigla si AJ, magkikita nga pala kami ngayong gabi kaya't naisipan kong i-text muna sya, "Mokong, tapos na ba date nyo?".

"Wrong sent ka ata." Text mula kay Patrick. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Maya maya pa ay tumatawag na si Patrick.

"Hello? Sorry Patrick wrong sent ako." Kinakabahan kong wika. Naririnig ko sa kabilang linya ang pagtawa nya.

"Wala po yon. Pauwi ka na ba?" malambing ang tono ng boses nya. Hindi ko alam kung bakit medyo kinilig ako sa kanya.

"Oo, kakatapos lang naming kumain." Sagot ko habang papalabas ng Fastfood.

"Nasaan ka na nyan?" tanong nya.

"Eto, kalalabas lang ng Jollibee." Nagtataka kong sagot.

"Gusto mo bang makakita ng pogi?" pabirong tanong nya at rinig ko ang pagbungingis nya. Kinabahan naman ako.

"Huh?" Tanging bulalas ko.

"Pssst." Sitsit mula sa tagiliran ko, napalingon ako. Bahagya akong napa atras. Si Patrick. Ilang sigundo rin akong napatitig sa kanya. Liban sa pagkabigla ko, napatitig ako sa ganda ng kanyang mukha. Ibang klase talaga ang kagwapuhan ni Patrick, kung isa lang siguro akong ganap na bakla, ay sinunggaban ko na ito, nakakagigil.

"Grabe ka talagang magulat. Sarap mong halikan." Bati ni Patrick. Nakakatunaw ang tingin at ngiti nya.

Napahiya ako sa kanyang sinabi at napatungo, "Sorry, para ka kasing kabute." Biro ko. Muli akong tumunghay at bahagya ko syang kinilatis. Nakapangbahay na sya, jersey shorts at hapit na hapit na sando. Ang ganda ng hubog ng katawan nya, hindi ko ito napansin kanina noong naka uniform sya. "Malapit lang tinitigilan mo dito?" tanong ko.

"Yup. Walking distance." Nakangiti nyang sagot. "Ikaw pauwi ka na ba?" Tanong nya.

"Oo. Tetext ko sana si AJ, kung nakauwi na sya. Magkikita kami ngayong gabi." Sagot ko.

"Ah AJ. Si bestfriend?" usisa nya.

"Yup. Ok na kami. Pasaan ka pala?" tanong ko.

"Dyan lang sa mercury. Bibili lang ako ng condom." Seryoso sya. Bahagya akong natawa at bigla akong kinabahan. "Biro lang. Matatakutin ka talaga." Bawi nya.

Napangiti lang ako, "Baliw ka talaga" tanging sambit ko. "O pano, una na ako." Paalam ko.

Madahan nyang hinawakan ang braso ko, "Wait. Tawagan mo muna si AJ. Malay mo wala pa sya." Pigil nya sabay ang pa-cute. Nakakagigil talaga sya.

"Ok lang. Sa bahay na lang ako maghihintay." Nginitian ko sya na parang nagtatanong.

"C'mon call him. If wala pa sya let's stay in my place for a while. Chitchat lang." Anyaya nya, napansin kong medyo namula ang pisngi nya. Ang cute nyang mahiya, bahagya akong napangiti at tumango na lang ako. Tinawagan ko si AJ.

"Hey Aries, nasa bahay ka na?" masigla kong bati sa telepono. Nagulat ako nang biglang inilapit ni Patrick ang mukha nya sa akin. Kinabahan ako, inilapit nya ang kanyang tainga sa telepono – tila makikinig.

"Sorry. Patapos pa lang yung movie. Nakauwi ka na ba?" pabulong na tugon mula sa kabilang linya.

"Wala pa. Re-sched na lang tayo, medyo napapasarap ang kwentuhan ng tropahan." Ani ko. Mabilis na umalis sa pakikinig si Patrick at humarap sakin. Ngiting ngiti sya na animo'y tumama sa lotto. Magiliw nyang binitawan ang mga katagang "Thank you" nang pabulong. Sinagot ko ito ng isang matamis na ngiti.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon