Chapter Thirteen - Part IV

373 25 37
                                    

Hello guys... This is the last update dito sa Wattpad for this story. Maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik, sumubaybay at sumuporta sa kwentong ni Carlo at AJ. Hindi pa man ito yung pinaka-ending chapter ay mamarkahan ko na po ito ng completed.

Ang last chapter po ay available on paperback copy which I will self-publish na sana po ay suportahan din ninyo.

I will give the details once matapos ko yung proof reading, final revision at last chapter. Sana po ay patuloy nyo po akong suportahan bilang manunulat.

Muli, maraming salamat po.

* * * * *

Kinabukasan ay muli na akong bumalik sa eskwelahan. Katulad ng ikinatatakot ko, naging usap-usapan ang pangyayari sa amin ni Kyleen noon sa Canteen. May ilang tukso at patutsada akong naririnig laban sa akin. Naging mabigat ito sa aking kalooban. Bagamat kalat na sa buong eskwelahan ang aking pagkatao, nanatili pa ring maayos ang pakikitungo sa akin ng aking mga kaklase at malalapit na kaibigan. May mga pagkakataon pa ngang ipinagtatanggol pa nila ako sa mga nanunukso. Alam kong lilipas rin ito, sana'y matagalan ko nga lang.

Pinilit kong magtago at umiwas kay AJ at maging kay Jaquin. Masyado pang sariwa at masakit ang lahat ng nangyari, hindi pa ako handang makipagusap kay AJ. Ilang beses sinubukan ni AJ na ipakiusap ako sa gitna ng klase ngunit alam rin ng mga propesor ang pangyayari kaya't hindi na rin sila pumapayag. Ilang araw din syang nagtangkang puntahan ako at kausapin sa bahay. Ngunit madalas akong sinusundo ni Patrick at sa kanila ako dumidiretso. Inihahatid lamang ako ni Patrick kapag nasa bahay na si Mama. Kinausap pala sya ni Mama at pinakisuyo ako sa kanya. Katulad ng inaasahan ko kay Patrick, madali nya itong tinanggap. Sumangayon na lang rin ako, baka ito nga ang tama para sa aming lahat.

Sumuko na rin si AJ sa paghabol sa akin, marahil napagod na rin sya. Nababalitaan ko kay Jaquin na madalas magyayang maginom si AJ at madalas rin daw lumiban ng klase. Bagamat ganoon, hindi naman nya pinabayaan ang kanyang paglalaro. Sa katunayan ay kinilala syang MVP at mas lalong nakilala sa aming unibersidad. Tila nakalimutan na nila na sangkot si AJ sa alitan namin ni Kyleen.

May mga araw na naaalala ko pa rin si AJ at kay Patrick na lamang ako umiiyak. Alam kong nasasaktan ko si Patrick ngunit alam ko rin namang maiintindihan nya ako. Ganito ko pinalipas ang mga araw hanggang matapos ang pasukan.

Sumapit ang bakasyon. Naging mas malapit pa kami ni Patrick sa isa't isa ngunit nanatili kaming magkaibigan. Alam ko at ramdam ko na umaasa pa rin syang masusuklian ko ang kanyang pagmamahal. Hindi ko rin naman iniaalis ang posibilidad na 'yon lalo pa't unti unti ko ng natatanggap na hindi na kami babalik sa dati ni AJ.

Papalabas na ako ng gate namin nang makita ko si Aya, balisa ang kanyang mukha. Nilapitan ko sya ngunit hindi ako nagsalita.

Hinawakan nya ako sa braso, nangangatal ang kanyang kamay. "Caloy, it was me who told Kyleen." Nanginginig nyang wika kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng magkahalong galit at pagaalala. "I know Aya. It was not AJ and definitely not me. At ikaw lang ang posibleng makaalam non. Ang hindi ko naintindihan ay bakit hindi ako ang kinausap mo." May galit sa aking boses bagamat sinubukan ko namang maging mahinahon.

"I hated you for what you and kuya did. Ang sabi mo sa akin magkaibagan lang kayo. Ang sabi mo pa nga, parang magkapatid lang kayo. And you promised me that you will tell me everything, no secrets." Paliwanag nya, naramdaman ko rin ang pagtatampo sa kanyang boses.

Inalis ko ang kamay nya sa aking braso. "Do you really believe that? O pinapaniwala mo lang ang sarili mo na ok lang ang ginawa mo. For what its worth Aya, I would have told you the truth given the right time and circumstances. And what happened between me and Aries that night, it was the first time and is the last." Tugon ko at naging malamig ang pakitungo ko sa kanya.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon