Finale (iii)

250 10 6
                                    



Pagkasakay namin ng sasakyan ni AJ ay naging matahimik lamang sya. Tinignan ko sya, nakangiti habang nagmamaneho. "San ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.


Bahagya nya akong nilingon, "You'll see. Matulog ka muna, this will be a long drive." Magiliw nitong sagot.


Umiling ako, "No. San ba tayo pupunta? Gulong gulo na ako Aries. What are we doing together?" Magulo kong tanong. Bakit nga ba ako sumama kay AJ? Paano na si Patrick, bakit parang ibinigay ako ni Patrick kay AJ? Muli pa akong napailing.


"Caloy, I will answer your questions when we get there. Relax ka lang, this will be our last night together." Magiliw pa rin nyang sagot.


Hindi ko talaga naiintindihan si AJ. Dahil na rin sa pagod ay bumagsak na ang aking mata at tuluyan na akong napa-idlip.


Ginising ako ni AJ nang makarating na kami sa aming pupuntahan. Inilibot ko ang aking mata sa aming paligid. Pamilyar ang lugar na ito, tama, nasa Laiya kami, dito kami huling nagbakasyon.


Bagamat alas-dos ng madaling araw na kami nakarating ay may nag-aabang sa aming tauhan ng resort. Tila inaasahan nya ang aming pagdating.


"Good morning Sir Patrick." Bati ng isang babaeng empleyado. Nabigla ako sa binanggit nyang pangalan.


"AJ." Seryosong tugon ni AJ.


Bahagyang napahiya ang babae, "Ay sorry po. AJ nga po pala. Pasensya po." Paumanhin nito.


Napakamot naman sa ulo si AJ at ngumiti lang. Tinignan ko sya upang magpaliwanag. Ngumiti sya, "Fine! This is originally reserved for Patrick Dela Vega." Maikling paliwanag nito.


Naguluhan lang lalo ako, "Originally reserved?" Nagtataka ko pang tanong.


Muli syang ngumiti, "Pwede pasok muna tayo sa room? Magpapahinga lang ako ng konti kasi napagod ako sa pagdra-drive then we'll talk." Mungkahi ni AJ.


Kita ko naman sa mukha nya ang dala-dalang pagod kaya't sumang-ayon naman ako. Ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang kaguluhan at pagkalito. Bakit kami naririto? Bakit kay Patrick nakapangalan ang reservation namin dito? May kinalaman ba talaga si Patrick sa tagpong ito?


Pagpasok namin sa silid ay dumiretso si AJ sa banyo. Narinig ko ang pagbukas ng shower, mukhang maliligo ito para mas presko ang pagpapahinga.


Nakaupo lamang ako sa kama habang pilit kong iniintindi ang nangyayari. Lumabas na si AJ, nakaputing t-shirt lang ito at boxer's short. Naupo sya sa aking tabi. Tumingin ito sa kanyang relo, "Idlip muna tayo, gising tayo ng mga five." Mungkahi nya at nahiga na sya sa kama.


Hindi naman ako agad sumunod sa kanya dahil napapaisip pa rin ako. Iba pati ang kinikilos ni AJ. "Sige magpahinga ka na. Lalabas muna ako." Paalam ko kay AJ.


Bago pa man ako tuluyang nakatayo ay hinila ni AJ ang aking kamay, "Can you stay here with me? Pwede bang kalimutan mo muna lahat ng nangyari? Ngayong gabi lang, ibalik natin sa dati yung tayong dalawa. Di ba sabi ko naman sayo this will be our last night together." Mahinahon nyang pagpigil sa akin.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon