Chapter Eleven - Part IV

364 25 6
                                    

"Carlo, let's take a walk." Wika ng Mommy nila. Kinabahan ako, sa tono ng kanyang pananalita ay parang wala akong magagawa. Kaya't ngumiti lang ako at tumango.

"Let's go Mi." Singit ni Patrick. Kita sa mukha nya ang pagaalala.

"Who says you're coming with us?" Mataray na sagot ng Mommy nila.

Nabigla si Patrick at ganoon din ang reaksyon ni Eli. "Mi!" Kinakabahang pagtutol ni Patrick.

"What? Don't act like that. Baka naman matakot ang bisita mo." Mahinahon ngunit madiing sabi ng Mommy ni Patrick.

Napailing na lang si Patrick at ngumiti. Mukhang wala silang magagawa sa kanilang Mommy. Tumayo na ang Mommy nila at mabilis naman akong sumunod.

Ilang minuto na kaming naglalakad ngunit hindi sya umiimik. Wala rin naman ako masabi dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kanya. Hindi ako katulad ni Patrick, magaling magbukas ng usapan at madaling makuha ang loob ng kausap.

"Don't be afraid of me Carlo. OA lang yun si Patrick. At wala rin naman akong masyadong sasabihin sa'yo. I'm just making Patrick paranoid." Magiliw na pagbukas ng usapan ng Mommy ni Patrick.

Kahit mahinahon ang kanyang boses ay bahagya pa rin nanginig ang katawan ko. Dinaig pa nya yung masungit na guidance councilor namin noong Highschool. "Hindi naman po ako natatakot. Nahihiya lang po." May alinlangan kong sagot.

"How long have you known my Son?" Tanong nya, iba talaga ang tono ng boses nya. Mukhang normal lang sa kanya ang ganito.

"Mga two months po." Maikli kong sagot. Dinaig ko pa ang iniimbistigahan.

"Do you like him?" Matipid nyang tanong.

Kinabahan ako, hindi ko akalaing ganitong mga tanong ang kailangan kong sagutin. "Hindi naman po mahirap magustuhan si Patrick."

"So do you like him?" Inulit nya, tila hindi pumasa ang una kong sagot.

"Opo." Tanging sagot ko. Para akong kumukuha ng final exam sa kaba.

"Good. I don't know how will I accept his situation. I mean, hindi ko nakitang magiging ganyan sya. Please don't feel offended Carlo, it's just that this thing he is choosing is very new to me." May pangamba sa boses nya.

Napatungo lang ako. Iniisip kaya nya na ako ang dahilan kung bakit sya nagkaganito. "Ako rin naman po. Bago lang sa akin 'tong samahan namin ni Patrick." Kinakabahan kong sagot.

"I know, he told me. Don't get me wrong, I like you for my son. I just want you to help me support him. I know his current score with you. You're inlove with your bestfriend and my son is inlove with you. Do you know about his past?" Wika nya sabay ang turo sa isang upuan sa di kalayuan.

Kinabahan ako. Parang taliwas naman ang kilos at boses nya sa kanyang sinabi, parang hindi naman nya ako gusto. Naupo kami, "Naikuwento nya po sa akin ng konti. Iniwan daw po sya at doon po sya nagumpisang maging ganito." Kinakabahan kong sagot, hindi ko kasi alam kung tama ba ang pinagsasasabi ko.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "You know half of the story. Please don't tell Patrick that I told you this. I guess he doesn't want you to know kasi baka matakot ka sa kanya." Seryoso nyang banggit. Humugot sya ng isang malalim na hinga. 'His ex left him because she got pregnant with another guy. I knew she was his first love but I didn't expect that he would be very devastated. The first week, he tried to commit suicide. Buti na lang at naabutan sya ni Eli. Then he stopped going to school at lagi syang nakakulong sa kwarto. Pero after three months, bumalik na sya sa dati. But his smile never came back. Until two months ago, when he told me that he's bisexual. Hindi ako nagalit because that was the first time I saw him smile that way again after two years. Then he told me about you, I saw his eyes smiling again. So tuwing umuuwi sya, ipinapakwento kita because I want to see him more that way. At kanina when he introduced you, I can feel my son is back. Kaya kahit ganito ang napili nya, I'm happy because he's able to smile again. And I have you to thank for that. But I know your entire story, hindi kita sisisihin if hindi mo masuklian ang pagmamahal sa'yo ng anak ko. Ina ako, natatakot lang akong bumalik ulit si Patrick sa dati. I'm not asking you to love him back, because love doesn't work that way. All I'm asking is give him a real chance." Kwento nya at maluha-luha ang kanyang mata. Ang babaeng kanina'y puno ng tapang at awtoridad ay naging isang mapagmalasakit at mapagmahal na ina. Hinahangaan ko sya.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon