"H-Hindi kita mahal Shane. I- I'm sorry." Saad niya habang nakaluhod ako sa harap niya.
Pinunasan ko naman ang luha ko. "P-Please N-Nic. Love me. I will do everything. Anything. Please. I-I'm begging."
Napaiwas siya ng tingin at marahas na tinanggal ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng damit niya. "Stop it Shane. Tigilan mo na 'to. Hindi kita mahal. At kahit kelan, hinding hindi kita mamahalin. So shut the hell up."
Nabigla naman ako sa sinabi niya. "N-Nic? Paano mo nasasabi yan? Paano mo nasasabi yan gayong bestfriend mo 'ko? Bakit?" Nanlulumo na ko dahil pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko. "B-Bakit ba h-hindi mo ko kayang mahalin?"humagulgol na ko ng iyak sa kanya.
Nabigla ako ng tumingin siya saken. At sa nakikita ko, may galit, poot, sakit sa mga mata niya.
"ANO PA BANG GUSTO MONG MARINIG?! I DON'T LOVE YOU SHANE! HINDI KITA MAHAL! SI DESIREE ANG MAHAL KO! " nabigla ako ng bigla niya akong tinulak ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. "KAYA PWEDE BA?! TIGILAN MO NA 'TO! STUPID!"
××
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na hinawakan ang dibdib ko. Kasabay ng mabilis at malalim kong paghinga.
Pakshet. Anong panaginip 'yon?
Naramdaman ko nalang na pawis na pawis ako. At ang masaklap, umiiyak pala ako. Shete. Pati ba naman sa panaginip, nasasaktan parin ako? Shutang ina. Wala na ata 'tong katapusan.
Napahawak ako sa sintido ko at pakiramdam ko mabibiyak to sa sakit. Putek. Wala naman akong naalala na uminom ako kagabe. Uminom ba 'ko? Teka- hindi nga pala 'ko umiinom. Char.
No. Not yet Shane. But.. But i'm planning to. I want to court her Shane. I think I like her. And I want you to help me para ligawan siya.
at bigla nalang sumagi sa isip ko ang mga katagang yan. Na dumurog ng paulit ulit sa tanga kong puso.
Hudas lang.
Putragis. Andaming maaalala yun pa! Bwesit!
"Aaaarggghh!!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko. At sa di inaasahan, bigla nalang akong humagulgol ng iyak.
Bakit gan'to? Bakit kelangang mangyari 'to saken? Bakit? Masama ba ko? Masama ba kong tao? Tanga lang naman ako diba? Tanga 'ko kasi minahal ko ang isang taong alam ko na hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko.
Lintek.
Naalala ko nanaman yung kagabi. Pagkasabi niya nong mga katagang yun, bigla nalang naputol ang video call.
Mabuti nalang. mabuti nalang at naputol. Kundi, baka naiyak na ako sa harap niya o dika'y nasabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
Bwesit . At yun ang ayokong mangyari. Bakit? Kasi ayokong itake ng risk ang pagkakaibigan namin para lang sa lintek na feelings na 'to. Ayokong isugal ang pagkakaibigan namin. Ganun naman talaga diba? Pag may bestfriend ka, mas pipiliin mong itago ang nararamdaman mo para sa kanya 'di dahil naduduwag ka. Kundi dahil ayaw mo siyang mawala sayo pag sinabing niya na kaibigan ka lang niya. Na di ka niya mahal kung paano mo siya mahalin.
Kaya marami ang taong nasa one sided love eh. Kasi sila lang yung lubos na nagmamahal. Pero yung minamahal, manhid. Syete. Meron din namang nasa friendzone lang. At mukhang nandoon ako sa stage na yun. Putek.
Napabuntong hininga ako.
Mawawala rin naman to eh. Diba? Alam ko yun. Kasi mahahanap ko din ang taong para saken. Tama. Mahahanap ko din sya. Bakit ba kasi antagal niya? Na traffic ba siya sa edsa? Teka- ibig sabihin may sasakyan siya? So that means bigatin ang naka laan para saken. Chos!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Teen FictionDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]