Chapter Five : In The Mall

279 15 0
                                    


Sabi nila, once daw na mahal mo ang isang tao, hindi mo pag sisihan kong gugustuhin mong mag let go sa kanya. Hindi dahil pagod kana. Kundi dahil, alam mo na mas makakabuti ito para sainyong dalawa.

Charot. Ang lalim!

Nanatili akong nakahiga sa kama ko. Napatingin ako sa oras at 8am na. Absent na ko sa isang subject. Syete.

Pero hayaan na. Wala akong ganang pumasok ngayon.


I-I'm really sorry Shane. H-Hindi man lang kita natulungan doon. Ni hindi man lang kita nilapitan. You know that your important to me, right? Pinoproktehan ko lang si Ree.

Syete. Bakit ngayon ko pa yun naalala? Shutang ina. Wala bang mas sasakit ba dun? Letsugas. Charot.

Napatingin ako sa cherry kong phone. Andami ng text! Seryoso? Ganun ba nila ko kamiss?!

From Jin ,

Ba't hindi ka pumunta kahapon sa music room? Ayos ka lang ba?

From Andrea,

If youre not okay, you may take some rest Jewel. :) get well soon!

From Bryan,

Hoy tamad pumasok ka.

From Nic-- char! Joke lang! Naniwala naman kayo? Asa.

From Sir Arnel

WHY ARE YOU NOT AROUND?! YUNG PAPERS KO!

Oops. Yung papers nga pala ni Sir nasa akin. Napakamot nalang ako ng ulo ko. patay ako nito. Ibinabalik ko na yung sinabi kong lahat ng nagtxt saken eh namimiss ako. Char.

*TOKTOK!*

Eh? Sino yun? Ang aga aga may bwisita!

*TOKTOK!*

"SANDALI!" sigaw ko at agad na bumangon sa kama. Nagpunta na ko sa sala at binuksan ang pintuan.

"Lili?" ano naman kayang ginagawa ng lokaret na to dito? At talagang naka uniform pa siya.

Dire diretso siyang pumasok at naupo agad sa sofa KO. okay? Feeling at home ang baliw.

"Coffee please." Saad niya sabay di kwatro.

Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan. "Aray ano ba yaya!"

"Yaya ka jan?!"

"Joke lang to naman! Sungit!"

Inirapan ko siya at nagpunta sa kusina. Since hindi naman kalakihan ang apartment na tinutuluyan ko, kitang kita ko parin si Lili na nasa sala.

Nagtimpla ako ng kape ko atsaka eto ininom at humarap kay Lili.

"Ano namang hangin ang nalanghap mo at napadpad ka nanaman dito?" Tanong ko.

Nagkibit balikat ang baliw atsaka nag salita. "Absent ka kasi! Kaya umabsent na rin ako." Cool niyang sabi.

Linchak. Porket absent ako aabsent din siya? Ano siya? Anino ko?

Hindi nalang ako nagsalita at ininom ulet ang kape ko. Take note, hindi po ito 3n1 kaya mahirap talaga ako. Charot.

"Tell me Jewel, ba't umabsent ka ha?" Tanong niya. "Hindi kapa rin ba maka get over doon sa Mall show?"

Hindi nalang ako nagsalita. Kung alam mo lang Lili. Kung alam mo lang.

Pero biglang may isang bagay ang sumagi sa isip ko. "Speaking of Mall show, ba't hindi mo man lang ako sinundan nung kinaladkad ako nung bouncer?!"

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon