Hi Readers! Sorry to keep you waiting. Marami lang talagang ginagawa. ^_^
And for you to know po, nasa facebook ko rin itong story ko. Pero mas nauuna akong mag update dito ^_^ para sa gustong bumasa sa facebook, just add me at JACOB RYLLE. Hindi po yong may di second ha? Like this 'JACOB RYLLE II'. <~~ Hindi po yan.
JACOB RYLLE lang po iyon. WALA NG IBA. ^_^
Sa mga nag ppm sakin na 'mag update kana po Miss A.' 'Wala pa po bang update?' Miss A update na please.' Please po. Hindi po ako robot. May mga importante rin po akong ginagawa. Pakiunawa. ^_^
Yun lang. Gobless
~meryllaeBESTFRIENDS:Inlove
Written by meryllae~•~
*Kring kring!!* (ALARM CLOCK -_-)
Napabalikwas ako sa higaan ko. Napatingin ako sa oras.
"Lintek!"
Alas nuebe na! Tsk!
Dali dali akong naligo. Nagbihis. Nagretouch-- este Nag ponytail lang ako. Then tada!
Hindi na ako nag abalang maghanda ng makakain since late na nga ako. Takte! Alam kong masyado pa akong wala sa wisyo dahil sa intrams namin pero tsk!
Nag abang na ko ng trycicle at agad naman akong nakakuha. Mabilis lang rin akong nakarating sa school.
"Manong bayad." Bayad ko sa kanya ng otso pesos.
"Kulang miss."
Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Aba! Lintek naman. Okay na yan manong!"
Napailing siya. "Kulang talaga eh."
"Magkano ba?"
"Kulang pa 'to. Kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sakin."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manong driver. Shutang ina. ano 'to?! hugutan?!
"Manong, naka drugs kaba?" Tanong ko.
"Naka drugs? Sana ganun lang kadali para makalimutan ko ang sakit na idinudulot niya sakin."
Napailing ako. Sabay tingin sa oras. Putspa. Late na ako!
"Ah manong pasensya na ha? Maiistorbo ko ang paghuhugot niyo. Ehehehe. Mali Late na kasi ko--""Ganun naman talaga eh. Pag nakasalamuha mo na't nakapalagayan ng loob, saka ka naman niya iiwan--"
Hindi ko na tinapos ang pag eemo ni manong. Tumakbo nalang ako palayo sa kanya.
Takte! Wrong timing naman kasi mag emo ang isang yon! Jusko! Charot!
Pagka dating ko sa room ay wala pa si Miss Tiamo. Major subject namin siya.
"Uyy teh! Aga ah." Agad na saad ni Lili ng makaupo ako sa upuan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Late nagising."
Tumawa naman siya. "Tsk! Dipa rin makaget over sa Boracay a 'no?" Sabay tawa niya ulit.
"Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo!" Bulyaw ko sa kanya ng medyo mahina lang.
Naalala ko kasi na hindi pala pwedeng sabihin sa iba na nakakasama namin ang mga artista. Sabi ni Miss Yenna, baka daw kasi palibutan kami ng presscon kapag nagkataon. Wala lang naman sakin iyon. Sanay naman akong may mga classmates na etchusera't echusero sa paligid ko. Charot!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Teen FictionDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]