Chapter Thirty Six : Confession

205 12 0
                                    

Nakatingin lang ako kay Shawn ng magsimula siyang magkwento. Hindi ko alam pero hinayaan ko lang ang sarili ko na makinig sa kanya.

"It's started with Denisse. Siya ang nakakatandang kapatid ni Desiree. Their are my friends since back then." Unang kwento niya. "Noong hindi pa masyadong sikat si Dominic, Denisse and Dominic are friends. I mean they like a couple since then. Denisse started to assume na may gusto sa kanya si Dominic. Na mutual ang nararamdaman nila. But one day, Denisse saw Dominic with someone else. May ibang babae si Dominic na kasama, And that was you."

nabigla ako sa sinabi niya. A-Ako?

"Well, that was understandable because mag bestfriend kayong dalawa ni Dominic. but Denisse didn't know that. Kaya ang alam niya lang ay may ibang babae si Dominic. Denisse was broken hearted back then. Kaya kinausap niya SI Dominic sa status nilang dalawa. At sa paguusap nilang iyon, nalaman ni Denisse na wala pala talaga sa kanyang gusto si Dominic. That she constantly assumed that their feelings are mutual. Dahil may ibang mahal si Dominic."

"And starting that day, Denisse was so mad. Hindi siya makapaniwala na lahat pala ng nangyari sa kanila ni Dominic ay isang malaking akala lang. At sa nangyaring iyon, nalaman ni Desiree na nasaktan ni Dominic si Denisse. She was really mad. Ipinangako niya sa sarili niya na tuturuan niya si Dominic ng leksyon."

"Kaya nakipagtulungan si Desiree saakin. She knew back then that I was inlove with her sister. Kaya pumayag ako. Dahil gusto ko rin turuan ng leksiyon ang taong sumira ng buhay ni Denisse."

"but I was wrong. Dahil noong nangyayari na ang plano namin. Napapa sa kamay na ni Desiree si Dominic ay siya namang pagbabago ng isip ni Desiree. Gusto niya ng maghigante kay Dominic. Gusto niya ng may mangyaring masama rito."

Hindi ako makapagsalita sa mga naririnig ko ngayon kay Shawn. Parang isang masamang panaginip ang nangyayari ngayon.

Alam ko naman na mahilig si Nic sa mga babae noon pa man. Pero alam ko rin na hindi niya gawaing manakit ng babae.

Hindi niya iyon kaya.

Hindi niya iyon maaatim.

"At nakikila kita.." biglang usal niya kaya naman napatingin ako sa kanya. May halong lungkot ang mga mata niya. "Doon ko narealize na mali na ang ginagawa namin ni Desiree. Na mali na paghigantihan namin si Dominic na wala namang alam sa nagawa niyang pagkakamali."

Napayuko ako. Hindi makapagsalita. Gusto kong magalit. Gusto kong puntahan ngayon si Desiree at saktan!

Nic doesn't deserve this!

May tumulong luha sa mga mata 'ko. Pinunasan ko 'to at saka huminga ng malalim.

"Alam ni Desiree ngayon na nasa panig niya parin ako. Ang alam niya ay ginagamit lang kita para makakuha ng impormasyon sayo."

Napaiwas ako ng tingin.

Pinipigilan ang galit 'ko. "Ginagawa niya iyon?" tanong 'ko.

Napatango siya. "Oo. Kumakalap rin siya ng impormasyon about sayo."

"Anong balak ni Desiree ngayon?" tanong ko habang nakayuko.

Napailing siya. "Hindi ko pa alam sa ngayon. Hindi ko alam."

Napatango tango ako. "Salamat Shawn. Salamat."

Saka ako ngumiti sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"T-Totoo ba l-lahat ng narinig 'ko?" nabigla kaming dalawa ni Shawn ng may magsalita galing sa pintuan.

Shit. Si Lili..

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon