Chapter Sixteen : Moving On

227 11 0
                                    



"S-Shane.."

"Nic.."

Shet. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko ineexpect na makikita ko siya?

"Shane.." ulet niya sa pangalan ko. Shet. Ano bang dapat kong sabihin? Ano ba dapat? Sasampalin ko ba siya? Babatukan? Sasapukin? Bubugbugin? Ano?!


Pero bagkus ipakitang galit, inis, tampo ako sa kanya. Ngumiti ako. Ngumiti ako ng malapad. Ngumiti ako para matakpan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

"Oh Sir Dominic! hehe sorry sa istorbo. Papasok na po ako sa kwarto ko. Pahinga na kayo." ngumiti ako. PakShet. Sige lang Jewel. Magpanggap ka.

Tumalikod na ako at akmang papasok na ng kunin niya ang braso ko. "Shane wait,"

Napatingin ako sa kanya at sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. sabay tingin ulet sa kanya sabay ngiti. "May kailangan kayo Sir Dominic?"

Nabigla nalang ako ng hilahin niya ako papasok sa kwarto niya at agad na ni lock ito.

"Ano ba!" Sigaw ko.

Tinignan niya ako. "S-Shane.."

Napahinga ako ng maluwag. Putek lang. Gusto ko siyang bayagan ngayon dahil sa paghila niya sakin! Masakit yun ah!

"Ano bang kailangan mo at kailangan mo pa talaga akong kaladkarin?" Tanong ko habang tinitignan ang braso kong hinila niya. At tama nga ang hinala ko,

Dumudugo nanaman 'tong sugat ko. Shete.

Kahapon okay na 'to eh. Pero ngayon dumudugo nanaman. Ang hapdi. Letse.

"Shit." Saad niya ng makita ang dumudugong sugat ko at pinaupo agad ako sa gilid ng kama niya.

"Wait stay here." Saad niya at umalis.

Tinignan ko ulet ang sugat ko at hinipan ito. Pakshet. Ang sakit ah. Pansin ko na nadala ko pa pala dito yung mga bagahe ko.

"Here." Tinignan ko si Nic at may dala na siyang first aid kit. Naglabas siya ng cotton at nilagyan to ng betadine.

"N-Nic wag na. Kaya ko na. Maliit lang 'tong galos na 'to." Saad ko.

Hindi siya nagsalita at kinuha ulet ng dahan dahan ang braso ko. Pinunasan niya ito ng cotton na may betadine.

Habang pinupunasan niya ang sugat ko, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

Putek. Ito ba talaga ang bestfriend ko? Ba't ang gwapo?

Aminado naman ako na mas gumwapo siya ngayong artista na siya kahit noon ay ubod na siya ng gwapo at tinitilian na noon sa high school days niya at ako nama'y sa grade school.

Naalala ko pa nun, lahat ata ng babae na kaklase ko ay may crush sa kanya. Kita niyo. Ang babata pa namin ng mga kaklase ko non pero may crush na agad sila. Putek lang.

Alam nilang close ko na non si Nic kaya lagi silang sumasabay sakin. Kahit yung mga dati kong kaaway noon sumasama na sakin para lang kay Nic. Tignan niyo? Ang lalantod.

"Masakit pa ba?" Tanong niya.

"Masakit. Sobrang sakit." Saad ko at bigla kong naituro ang puso ko.

Nabalik lang ako sa realidad ng mapansin ko ang pagtitig sakin ni Nic.

Agad kong binaba ang kamay kong nakaturo sa puso ko kanina at hinablot ang braso ko sa kanya.

Kunwaring tinignan ko 'to. May band aid na siya. Tumingin ako sa kanya. "S-Salamat."

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon