Nagising ako mula sa alam clock.
Tinignan ko to at 5:00 am na ng umaga. Kinusot kusot ko ang mata 'ko at saka napatingin sa katabi 'ko na tulog na tulog.
Si Lili.
Mugtong mugto ang mga mata niya kahit tulog siya. Napangiti ako ng mapakla.
Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Lili. Sa mga nalaman niya. Hindi dapat siya nadawit dito. Hindi dapat siya nasama sa gulong 'to.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Kasabay non ay may tumulong luha sa mata 'ko.
"hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, Lili. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sayo." Pabulong usal saka hinalikan ang buhok niya.
Tumayo na ako at saka nagtungo sa banyo.
Sa ngayon, kailan ko lang sabayan si Desiree sa mga pakulo niya.
---
"Okay! In position! Everyone!" sigaw ni Direk Roni at saka pomosisyon na ako.
Kaharap ko ngayon si Nic sa isang table dito sa isang restaurant. Mag uusap kami kunwari at saka darating si Desiree at makikita kami.
"Okay! In 3..2..1.. Action!"
Nagsimula na kaming umacting. Kumakain kunwari kami ni Nic at saka nagtatawanan.
Habang nagtatrabaho kaming dalawa ni Nic, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Walang mangyayaring masama sayo Nic. Wala. Ikamamatay ko kung meron man.
"Justin?" usal ng nasa likod. Si Desiree malamang.
Nagulat naman kuno si Nic na nasa harap ko. "L-Lani.." usal niya.
Kaya naman tumayo na ako saka humarap kay Desiree. nakasuot siya ng puting dress na nakapagpa simple sa kanya. Ako naman ay itim. Na nakapagpa fierce nanaman saakin.
Syempre, kontrabida ako. Ito ang role ko rito.
Ngumiti ako sa kanya. Sa kaharap ko at saka inilahad ang kamay 'ko sa kanya. "I'm Jade." Mataray kong usal. "and you are?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga reaksiyon ko na 'to.
Hindi ko alam kung tama ba ang acting o ayos lang.
Nag chin up naman siya. "Lani. Justin's my boyfriend." Pataray rin na usal niya.
Napangisi naman ako. Ang pagtataray niya ay wala sa script namin.
Tumawa ako. Iyong eleganteng tawa. Iyong pag narinig mo, mapapatitig ka. "Oh really? I didn't know na may OTHER girlfriend pala si Justin na.." saka ko siya tinignan baba taas. "Halatang probinsyana." Sarcastic kong tugon.
Naramdaman ko na nanggagalaiti na sa galit si Desiree. pero pinipigilan niya dahil hindi kasama sa script.
kaya naman bigla niya nalang akong sinampal! "How dare you!" sigaw niya sa pagmumukha 'ko.
Dapat ay malumanay lang ang pagkakasabi niya noon dahil iyon ang nakalagay sa script. Wala namang nag atubili na mag interrupt saamin na direktor o kahit mga staffs kahit mukhang alam na nila na wala na script ang ginawa ni Desiree.
Napahawak ako sa pisngi 'kong sinampal niya.
Saka ako napangisi. and the next thing i knew, lumanding na ang kamay ko sa pisngi niya!
Sinampal ko rin siya.
Doble sa sakit ng pag sampal niya saakin. Napagasp naman ang mga direktor at mga staffs. Pati ang mga extra.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Fiksi RemajaDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]