Chapter Nineteen : Confused

240 12 0
                                    



Nagpahila nalang ako kay Nic dahil sa totoo lang nakakatakot ang aura niya ngayon.

Nakarating kami sa harap ng kwarto niya at ipinasok ako doon ng hila hila parin. Napag desisyonan niya lang na bitawan ako ng nasa loob na kami.

"Nic.." saad ko.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Sa totoo lang, nagbi'build ang puso ko ng pag asa. NANAMAN.

Kasi naman eh. Letse kasing lalaki 'to! Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating o ipahiwatig!

"B-Bakit--"

Hindi pa ako natapos sa sinasabi ko ng putulin niya na.

"Just.. Just .. Argh! Nevermind." At bigla nalang siyang lumabas ng kwarto niya.

Putspa naman oh. So ano? Dinala dala niya ako dito tapos ano? Basta basta nalang niya akong iiwan? Na wala man lang eksplenasyon? Jusko naman.

Napasapo nalang ako ng noo ko. Bwesit. Ano bang problema niya? May galit ba siya kay Shawn?

O baka naman sakin? Kasi..

Ano nga bang dahilan? Wala naman diba? Hmm. baka yung pag iwas ko? Tsk. Letse siya. Edi dapat sinabi niya! Hindi yung wo'walk outan niya ko ng ganon ganon lang!

Ano 'yon? Vice ganda lang ang peg? I'm walking out! Ganun? Tsk.

Napadabog nalang ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Matutuwa ba ako? Maiinis? Magagalit? Kasi ang alam ko lang ngayon? Confusion. Yun lang. Pambihira.

Lumabas nalang ako ng kwarto ni Nic dahil alam kong wala namang mangyayari kung mag sstay ako doon. Nagpunta nalang ako sa kwarto ko atsaka napahiga.

Nakatingin ako ngayon sa kisame. Andami na bang nangyari? Hindi ko parin ma take na talagang nandito ako sa Boracay.

Hindi talaga ito panaginip!

Pero.. mas masaya sana kung nandito sila Lili at siyempre, ang mga kabanda ko. Speaking of them-char! English teh!, matawagan nga.

Teka, wala nga pala akong load. Tsk. Napabangon ako ng wala sa oras at lumabas ng kwarto. Hahanap nalang muna ko ng tindahan na pwede akong magload.

Gusto ko lang silang kamustahin. Kung anong ginagawa nila Sembreak ngayon. Nasaan kaya sila?

Sakto namang nakahanap ako agad ng tindahan sa labas ng hotel.

"Manang pa load po."

"Magkano?" Tanong ng tindera na nakasalamin na akala mo eh principal sa mataray niyang aura. Siguro nasa mid 40's na siya. "100? 200? 500?"

Napa ismid ako. Takte. Kung ganon kalaki ang iloload ko, edi sana pwede na akong maging retailer. Charot.

"Ahm, 15 lang po. Eday eday lang 'to manang." Saad ko.

Napataas naman ang isa niyang kilay at ibinagay na sakin ng PILIT ang cellphone niyang Cherry. Aba. Kala niya siguro nanakawin ko 'to? Eh parehas lang naman kami ng Unit. Keypad din.

Nang makabayad na ako, napatingin ako sa gilid ng tindahan. May isang maliit na bar doon na patay sindi ang ilaw. Malapit lapit lang ito sa kinatatayuan ko.

Meron palang ganito dito sa boracay?

Aalis na sana ako ng may mahagip ang mga magaganda kong mata. Charot.

Si Desiree.

Na may kasamang lalaki.

Take note, IBANG LALAKI.

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon