Chapter Fifteen : The Boracay!

212 10 0
                                    



Napahikab ako ng magising ako mula sa sikat ng araw. Shet. Ang sakit ng likod ko.

Agad naman akong napahawak sa balakang ko at nag inat inat. Mukhang napagod ako kagabe 'ah.

'Don't worry Shane. I'm here.'

Napangiti nalang ako ng maalala ko bigla ang binitawang salita ni Shawn kagabi sa Battle of the bands.

And speaking of it-char!- wala talaga akong nakita kahit anino niya. Saklap men. Whoa! Pakshet.

Napangiti nalang ako ng masaklap.

Masyado namang pinaparamdam ni Nic na wala akong halaga sa kanya. Syete.

Aish! Tama na nga Shane! Be happy today! Okay? Champion kayo kagabi kaya dapat masaya ka! Understood?!

Opo. Tama ang nabasa niyo. Champion kami. Saya diba? First place kami sa 2nd category and 3rd category. Hehe

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumireto sa kusina. Ano pa nga bang gagawin ko? Malamang magtitimpla ng kape.

*beep beep*

Aga aga may text agad ako? Sino naman 'tong hudas na 'to?

From Shawn,

Goodmorning Shane. Congratulations. Just smile :)

Napakunot ang noo ko pero agad din akong napangiti. Loko yun. Masyadong ewan. Jusko.


Nagtataka siguro kayo kung bakit alam na ni Shawn ang number ko? Simple lang, hiningi niya kasi-char! Actually ako talaga ang nanghingi. Textmate ba. Char ulet. Wala nga pala akong load.

Hindi ako nagreply kay Shawn kasi nga wala akong load. Kaya pinatuloy ko nalang ang pagtitimpla ko.

*beep beep*

Aish. Shawn naman! Ang aga aga nanggugulo ka! Jusko! Teka- diba pag nang gugulo ng sobrang aga ang isang lalake ay.. ay..

Boring siya at nag hahanap ng kalandian? -char.

Pagtingin ko, unknown number ang nakalagay. Ngek.

From 0910365****

'Hey Jewel, This is Manager Yen. Nainform na ba sa iyo ni Dominic na may shooting tayo today? If hindi pa, I will inform you then. pack your things NOW. Good for atleast 1 week, okay? Kailangan ka ni Dominic doon because your his P.A. Understood? I'll pick you up at exactly 9am. Ciao darling!'

Shet. Tama ba 'tong nababasa 'ko?

Tinawag akong darling ni Manager Yen na sobrang ganda at hot na kamukha lang naman ni Solenn Heusaff?!

Pero ano daw? Good for 1 week?! Takte. Tinignan ko ang oras at 8am na. Jusko.

Napabuga ako ng kapeng iniinom ko at nagtungo na agad sa banyo.

Saka ko nalang iisipin na makakasama ko doon si Nic, ang importante ngayon ayaw kong malate sa sinabing oras ni Miss Solenn!

--

"Are you ready?"

Napatango ako. Andito na ako sa labas ng apartment ko at may dala akong sobrang laking dalawang bag, at isang handy bag. Suot ko? Malaking tshirt na color maroon at pants. At syempre vans na white.

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon