Gumising ako ng maaga dahil unang una, kailangan ko ngang bantayan si Nic. Kailangan ko siyang bantayan mula kay Desiree.5:00 am palang pero naligo, nagbihis at gumayak na ako. Saan nga ba ako pupunta? Wala. Mag iisip muna kung anong magandang gawin. Char. Magandang gawin para maproktektahan ko si Nic mula kay Desireemalantodpakaratatdemonyo.
Nagtungo muna ko sa pangpang para makapag isip. Dapat ko bang sabihin kay Nic? Dapat ko bang sabihin ang nalalaman ko?
Pero anong sasabihin ko? 'Nic, layuan mo si Desiree. Masama siyang tao.' Ganun?
Bigla namang may pumasok na scene sa isip ko.
'Nic, layuan mo si Desiree. May masama siyang balak sayo.'
'Ano? Sisiraan mo nanaman ba si Desiree sakin?'
'Ay hindi! Papabanguhin ko pa ang pangalan niya para sayo!'
'Sira ka talaga.'
'Pero seryoso, masama talaga siya.'
'Pwede ba Shane, tama na. Ikaw nalang ang lumayo sakin.'
Napailing nalang ako sa thought na naisip ko. Tsk. Bwesit. Sa sitwasyon ngayon, malaki ang posibilidad na hindi ako paniwalaan ni Nic. Bakit? Kasi nabubulag siya sa pagmamahal chuchu niya kay Desiree.
Tsk. Kailangan niya na ata ng salamin.
Nakakainis.
May naisib naman ako bigla. Kaya agad kong kinuha ang cherry kong phone at nagdial.
*kring kring! Kring kring--*
Isang ring palang sinagot niya na.
/ano nanaman ba Jin ha!? Ang aga aga nanggugulo kang king ina ka!/ pambungad sakin ng nasa kabilang linya. Seryoso? Hindo niya man lang ba tinignan kung sino ang kausap niya ngayon?
Pero teka.. ano daw? Si Jin? So ibig sabihin, tinatawagan siya ni Jin ng ganitong oras?!
"Ako 'to. Si Jewel." Saad ko.
/aaah..hehehehe. s-sorry.. WHAT?! JEWEEEEEEEEEEEEEEEL!!!!/
Otomatik kong nailayo ang cellphone sa tenga ko. Letse. Ang lakas ng sigaw ni Lili!
/huhuhu. Bakit ngayon ka lang tumawag ha?! May nangyari ba sayo? Sagutin mo ako! Huhuhu./
Napailing nalang ako. "Wala. Sira to."
/eh nasaan kaba kasi? Pinuntahan kita sa apartment mo pero wala ka. Huhu./ pakiramdam ko nakapout siya ngayon.
Paano ko ba sasabihin 'to? Paano ko ba sasabihin na nandito ako sa boracay? Kasama si Nic? Kasama ang iba pang artista?
"Ehehehe. Ahm ano kasi Lili.. n-nasa boracay ako." Saad ko. *cross fingers*
3.. 2.. 1..
/HUWAAAAAAAAAAAT??!!/ agad kong inilayo ang phone ko ulit sa tenga ko. Bwesit. Ang lakas ng sigaw niya!
"Lili yang boses mo!" Sigaw ko sa kanya ng pabulong.
/sorry naman! Bakit ka anjan? Bakit hindi mo man lang ako sinama?! Waaaaaaaah!/ iyak niya. Grabehan.
"Ehehe. Sorry. Biglaan kasi Lili eh."
/huhuhu. Oo na. Bakit ka pala tumawag?/ tanong niya.
Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita. "Pwede bang kumuha ka ng information tungkol kay Desiree?"
/huh? Teka bakit?/ bakas sa boses niya na nagtataka siya. Syempre. Fan siya ni Desiree. Walang duda.
![](https://img.wattpad.com/cover/83951859-288-k17037.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
JugendliteraturDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]