Chapter Two : Mall Show

449 19 0
                                    


"Hoy Jewel? Tulala ka nanaman."


"H-Ha?"

Napakamot nalang ako ng batok ko ng di ko namalayan na todo kwento pala tong baliw na si Lilibeth. Lili for short.

"Ehehe. Sorry." Sagot ko nalang at humalumbaba ulet.

Mukhang nabanas na saken si Lili kaya tumahimik nalang siya.

Nasa klase kami ngayon which is Management ang subject. Nabobored talaga ako sa totoo lang.

Todo salita si Mr. Celiz pero mukhang wala namang nakikinig sa kanya. Yung iba nga naka headphones pa. See?

"Iniisip mo nanaman siya no?" Nabigla ako ng magsalita ulet si Lili. Eh? Akala ko nabanas na siya.

Tumango nalang ako. Hayup kasi yun. Dahil sa kanya di ako makapag aral ng mabuti. Hmm. Mag artista na rin kaya ako? Kaso, ampanget ko. Kaya wag nalang. Char.


Siya pala si Lili. Lilibeth Denina. Ang nag iisa kong friend dito sa campus. Actually hindi lang naman sya. May tatlo pa. pero saka niyo na sila makikila. Alam niya pala na bestfriend ko si Dominic Dela Vista. Ang sobrang gwapo at artista na bestfriend ko.

Dahil dati kasi, nakita niya kaming dalawa ni Nic na naghahalikan- charot! Naniwala kayo? In my dreams. So yun na nga, nakita niya kami sa apartment ko. Dumalaw kasi noon saken si Nic. Nanunuod kami noon ng Movie nila ng dati niyang teleserye ng dumating si Lili. Nagpa autograph pa nga ang loka eh. Nagpapicture pa na naka wacky silang dalawa. Psh.

"Puntahan natin?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ano daw? Nabingi ata ako.

"Ha?"

Napa irap naman siya. "Ayy slow. Puntahan natin sa Meryllae's Mall mamaya. May show daw sila mamayang gabi doon."

Agad namang kumislap ang mga mata ko.

"T-Talaga?"

Tumango tango siya na parang sinasabi na 'yes-i-know-right-slow-monster'.

Gusto ko siyang yakapin ngayon! Great! Bright idea talaga tong si Lili minsan!

Nagpatuloy lang ang boring na session.

--

"Eto isuot mo to!"

"Ayaw ko niyan ampanget!"

"Eh! Magugustuhan to ni Dominic! Sige na!"

Nandito kami ngayon ni Lili sa Apartment ko. Kakatapos lang kasi ng pang hapon na pasok namin. Naghahanap pala kami ng isusuot ko para mamayang gabi.

As if naman makikita ako ni Nic doon? Eh sure ako maraming tao doon.

At kahit makita niya ako, sa tingin ko di niya naman ako papansinin. Maraming tao ni'yan. Baka nga magkunwari pa siyang hindi niya ako kilala. Bwesit.

"Eh wag na Lili. I'm sure na di niya naman ako papansinin." Sagot ko. "Saka okay na ko sa tshirt and jeans."

Napataas ang kilay niya.

"Naku! Bahala ka nga. Basta ko magpapaganda!"

Napailing nalang ako. "Tara mag meryenda muna tayo."

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon