"Two espresso coffee please." Usal ni Nic pagkaupo namin sa isang table dito sa starbucks.Umiwas ako ng tingin sa kanya at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya.
"So.." Usal ng kaharap ko kaya naman napatingin ako.
Dapat seryoso ka Shane. Seryoso.
"Hm?" seryosong usal ko.
"Just the thought of you on the side of my condo unit makes me want to join you everyday Instead."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Nic. Ano daw? Teka, english yun eh.
"Oh really?" Sagot ko nalang. Akala ko ba galit 'tong taong to sakin?
Ngumiti ito ng slight at saka dumating na ang order namin.
Napatitig naman ako sa kape sa harap ko. "Wala bang cake?" Makapal kong tanong.
Natawa naman si Nic. Inirapan ko siya. Yeah. Natuto na kong mang irap. "What?" Tanong ko.
Tinawag niya ulit ang waiter at lumapit naman ito sa kanya. "One strawberry cake, please."
"Okay sir. Right away." Usal ng waiter saka umalis na.
Napaiwas ulit ako ng tingin.
Naalala niya pa pala ang paboritong flavor namin. Hmp.
Nanatili nalang akong tahimik na nagmasid sa paligid 'ko. Takte. Bakit ba ko pumayag na sumama siya? Aish! Dapat pala hindi nalang!
"How are you?" Biglang tanong niya.
I cleared my throat. Char. "I'm fine. I'm always will." Usal ko.
"Mabuti naman kung ganun." Usal niya. Low tone. Kaya napasulyap ako sa kanya. "Ayoko pa namang mahirapan ang bestfriend ko."
"...." hindi ako nakasagot agad. Natulala ako sa sinabi niya.
A-All this time bestfriend parin ang turing niya saakin? Teka, hindi. Napaiwas ako ng tingin.
Uminom nalang ako ng kape. Shit. Napaso pa ako!
"Slowly." usal ni Nic. Nag aalala.
"I'm used to it."
"Na napapaso?"
"Yup."
"But' why?"
Ibinaba ko ang baso ko at saka huminga ng malalim. "Alam mo kasi Ni-- este Dominic, ganyan ako eh. Padalos dalos. Padalos dalos sa mga nararamdaman ko o sa mga kilos ko. Hindi ko iniisip kung anong outcome ang mangyayari. Basta sinubukan at naramdaman ko, that's it. There's no turning back." Usal ko. Seryosong seryoso. Yung tipong pag may nag against sa sinabi ko ay makakatanggap ng malakas na tampal galing saakin. Charot. "But' let's just say, may hangganan rin ang lahat." Dugtong ko pa.
Hindi naman siya nakasagot. Nanatiling gulat ang mga mata niya. Nagtatanong. Mukhang hindi nagets ang pag hugot 'ko.
Tsk! Bwesit!
Nag effort pa naman akong pagdugtong dugtungin ang litanya ko!
"Oh? Wala kang sasabihin?" Tanong 'ko.
Napakurap siya. "Oh." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig niya.
Bwesit talaga. Bigwasan ko 'to eh!
Hindi nagtagal ay dumating ang cake na inaantay namin. Nagsimula na rin akong kumain ng paunti unti. Tinuruan na rin kasi ko ni manager Lay na dapat ay pademure kung kumilos.
Naku. Kung wala lang mga waiter at waitresses dito ay nilantakan ko na to kanina pa!
"You've changed.." usal niya. "..a lot."
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Novela JuvenilDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]