WARNING : SOBRANG HABA 😂
Keep reading! Hi!
--
Hindi. Ayokong kasabay ka. Mas gusto kong masolo si Desiree. Sumabay kana lang sa kanila.
Hindi. Ayokong kasabay ka. Mas gusto kong masolo si Desiree. Sumabay kana lang sa kanila.
Hindi. Ayokong kasabay ka. Mas gusto kong masolo si Desiree. Sumabay kana lang sa kanila.
Paulit ulit ang mga katagang sinabi niya saakin sa utak 'ko.
Hindi ko maiwasang kabahan.
Ano bang gusto mo ha Nic? Nabubulag kana ba talaga ni Desiree? Mahal mo na ba talaga siya?
"Kailangan natin makarating agad sa manila para makapagpahinga tayo. Saka natin tatawagin ang mga police." Usal ni Shawn habang nagmamaneho.
"Hindi ko alam kung makakapag pahinga ako ng maayos." Usal ko sabay tingin sa labas ng bintana.
"makakapag pahinga ka Jewel." Sagot naman ni Lili na nasa backseat.
"Mali ang ginawa mo kanina, Shane. Pinapahamak mo lang ang sarili mo." patungkol ni Shawn sa ginawa kong paglapit kila Nic.
Napailing iling ako. "Wala na akong choice. Sobrang desperada na 'ko na mailigtas si Nic." Nawawawalang pag asang usal 'ko.
Kung nakasabay lang sana ako ngayon sa kanila, malabo na mangyari ang kinakatakutan ko dahil naroon ako. Kasama ako. Kung may gagawin man sana si Desiree kay Nic ay dapat kasama ako.
Pero eto ako ngayon. Malayo sa kanila. Walang alam kung ano nang nangyayayari sa kanilang dalawa.
"Pero hindi mo maililigtas si Dominic kapag pinahamak mo ang sarili mo." naiinis na usal niya. "Naiintindihan mo ba, huh?"
Napayuko ako. Tama si Shawn. Tama siya.
"Hindi dapat tayo magpadalos-dalos. Kundi pare-parehas tayong mapapahamak."
Napatango nalang ako.
Ililigtas kita Nic. Ililigtas kita.
---
Pabalik balik ako ngayon kakalakad dito sa condo 'ko. Nakahawak na ako sa batok ko sa kakaisip kung ano na ang nangyayari kay Nic ngayon.
Baka nakarating na rin sila dito sa Manila.
Baka naroon na sila. Sa lumang building. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Shane, kumalma ka please. Magpahinga muna tayo. I already called the Police. Mamaya lang din ay tatawag na sila para magbalita satin." Usal ni Shawn.
Nawawalang pag asa akong napaupo sa sofa. "Hindi mo naiintidihan Shawn! Hindi mo naiintidihan! Si Nic iyon! Hindi ko siya pwedeng hayaan na mapahamak sa kamay ni Desiree! hindi ko kayang maupo at mag antay sa mga pulis kung nasaan na sila o kung ano na ang ginagawa nila!" sigaw ko saka ako napaiyak.
Niyakap naman ako ni Lili. "Walang masamang mangyayari kay Dominic, Jewel. Maililigtas siya ng mga Police." Pagpapalakas ng loob saakin ni Lili.
Napayakap na rin ako sa kanya. "Sana nga. Sana."
*kring kring!*
Kinuha ni Shawn ang telepono sa side table saka sinagot ito. "Hello? Manager. Yes. Nandito na kami sa condo ni Shane.-wag niyo nalang iyon intindihin manager. Saka na namin ipapaliwanag sainyo.-bye." Sabay baba niya ng telepono.
"May mga police na daw sa YG studio. Hinahanap si Desiree." pagkwento ni Shawn. "Nagpapresscon na rin sila manager na nawawala si Dominic. I'm sure kakalat na ito sa media."
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Teen FictionDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]