Chapter Seven : The Truth

262 14 0
                                    


Pagod na pagod akong bumangon mula sa pagkakahiga. Shete. Anong oras na ba?

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at kung tama ako ng nakikita, mag aalas diyes na ng umaga.

Shutang ina. Hindi nanaman ako nakapasok!

Lintek kasi. Ano ba naman kasing naisip ko at nagpakalunod ako kagabe sa luha na nagwater falls sa panget kong mukha? Opo luha. Kala niyo alak? Well, pag iisipan ko. Char. Mag aalas dos na ata akong nakatulog kaya hindi ako nagising ng maaga. Aish!

Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Dinesignan ko pa ito ng heart na may hati sa gitna. Yung bang may crack. Ganun.

Hindi ko naman feel nito ang pagiging heartbroken diba? Pakshet.

Pag talaga heartbroken ang isang tao at kakagaling mo lang sa matinding sakit, makakagawa ka talaga ng mga bagay na mismo ikaw sa sarili mo hindi mo kayang gawin. Yet nagawa mo.

Perks of being heartbroken. Packing tape.

*kring kring!*

Kinuha ko ang sony-este ang cherry kong phone at tinignan ang message.

From Lili,

Hoy babae. Di ka nanaman papasok? Tsk! Punta ka daw mamaya sa music room. 1pm. Pinapasabi ng unggoy na si Jin. Practice niyo. Wala daw siya load. Ktnxbye.

Sira din to eh no?

pagkatapos kong magbreakfast, nagtungo na ako sa banyo. Pagkakita na pagkakita ko palang sa sarili ko sa salamin, nanlumo na agad ako.

Pakshet.

Kasalanan mo to Nic! Letse ka!

May dalawang malaking eyebag sa ilalim ng mata ko. Sobrang itim nito at mukhang one inch ang lapad nito dito. Putragis lang.

Hindi ko nalang to pinansin at nag simula ng maligo.

--

"What the? Anong nangyari sayo Jewel?" Pambungad ni Andrea saken pagkapasok ko palang ng music room.

Naagaw naman ni Andrea ang atensyon ni Bryan at napatingin din saken. "Sht! What the hell was that?!"

Bigla ring tumingin sa gawi ko si Jin.

"Naka drugs kaba?!"

Hindi ko sila pinansin ata agad nagtungo sa sofa at humiga. Im just tired. Definitely. Char.

Agad na lumapit saken si Andrea. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Are you okay? You look miserable. Gusto mong dalhin ka namin sa clinic?"

Eh. Clinic agad? May eyebag lang clinic agad? Sapakin ko kaya to si Andrea? Char. Alam ko namang nag aalala lang siya kaya hindi nalang ako nagsalita.

"No. That's not the right term Andrea. She look's like a mess. That's it." Sabat naman ni Bryan.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Andrea. "Your so mean Bry."

"Stating the fact."

Napa sapo nalang ako ng ulo ko. Medyo masama din ang pakiramdam ko ngayon. Siguro nakulangan lang ako sa tulog. Tama. Yun yun.

"Sigurado kabang kaya mo?" Tanong ulet ni Andrea.

"O-Oo. Kulang lang ng tulog." Saad ko.

"Okay! So let's start?"

Tumango kami at bumangon ako agad. Kinuha ko na si Shami sa isang gilid at isinabit sa balikat ko. Tinono ko muna 'to dahil pakiramdam ko wala siya sa tono. O baka ako lang ang wala sa tono? Psh. Nevermind.

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon