Hanggang ngayon, napapaisip parin ako sa sinabi ni Shawn. Ano bang gusto niyang iparating?
Ano bang trip niya? Naka drugs ba siya? Char lang. Napakamot nalang ako sa noo ko. Hindi nalang kasi diretsuhin yung sinabi niya eh.
Tsk. Tsk.
Inis akong napatingin sa asul at sobra sobra sobrang linaw na dagat!
Nasabi ko na bang last day nanamin bukas dito sa boracay? Bukas ng gabi kami babalik sa kanya kanya naming bahay. Kaya nagsstay muna ako dito sa pangpang.Oo. Nasa pangpang nanaman ako. Bakit ba? Eh sa ang sarap makalanghap ng sariwang hangin dito sa boracay.
Pero ang pinagiba nga lang, eh 4:00 pm na ng hapon. Swerte ako dahil hindi mainit. Hay.
Ang pinagtataka ko, bakit kakaunti ang taong nandito sa pangpang? Boracay 'to. Dapat ay maraming tao ang nandito. Hindi ba?
Tanga ka ba talaga Jewel ha? O talagang bobo ka? Malamang konti ang tao dahil sa may nagshoshoot dito. Pinareserba na nila 'to.
Pakshet ka Mind! Ikaw nalang kaya ang lumabas at ako nalang ang maging konsensya mo?! Char.
No way. Kawawa naman ako pag nagkataon.
Tsk! Sasamain ka talaga saking konsensya--
"JEWEEEEEEEEEEEEL!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong tumawag sakin. Teka.. sinong..
Humarap ako sa likod ko at mas lalong nanlaki ang mata ko.
"L-Lili?"
Paano.. Bakit siya nandito??
Tumatakbo siya papunta sakin at ng makalapit na siya ay agad niya akong niyakap. Hindi lang yakap dahil dinamba niya na ko. Char.
"Huhuhu. Imisschu!" Saad niya pa. Napatingin naman ako sa mga kasama niya.
Kumaway si Andrea at Jin sakin. At as usual inismirkan lang ako ni Bryan. Tsk. Baluga.
Nang makalapit na silang tatlo ay saka naman tinanggal ni Lili ang pagkakayakap niya sakin. Silang tatlo ay nasa likod lang ni Lili.
gulat akong napatingin sa kanya. "A-Anong g-ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"surprise?" Ngiting ngiting saad ni Andrea. Napangiti naman ako.
"Syempre! Ikaw lang ba may karapatang pumunta dito?" Pabirong saad naman ni Jin.
Tinarayan ko naman siya. "Hindi. Pero karapatan mong mag fissan sa paa. May amoy eh." Saad ko naman at tumawa pa.
"A-Aba't!" Saad ni Jin pero natawa na rin bigla. At nagtawanan naman sila.
"Ang lamig pala ditooo! Whoaaaa!" Saad ni Lili at hinimas himas pa ang dalawang braso niya.
"Here."
Nagulat ako ng suotan ni Jin si Lili ng jacket na suot niya kanina.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Ficção AdolescenteDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]