Nagising ako mula sa alarm clock na narinig ko galing sa phone kong mamahalin. Charot.
Bumangon ako. Pupunta pala ko ngayon sa condo niya. Pakshet.
Since walang pasok ngayon at free day, maaga akong pupunta sa condo niya.
I will definitely know kung anong pakay mo. You slut! At pag nalaman ko, dare me, hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka. I will surely know about you MS. P.A so be ready. Simulan mo ng manghinayang sa buhay mo.
Naalala ko ulet ang tinext saken ng kung sino man. Huh! Akala niya ata natakot ako. Well, slight. Char!
Pero kahit na! Alam ko naman kung sino yun eh. Akala niya siguro matatakot ako. May pa banta banta pa siya!
Hindi ko nalang iyon pinansin.
Tama. Hindi ko nalang iyon papansinin. Para ano? Para matakot lang ako? Para kunwari nasindak ako? Wag na uy. Atsaka, alam ko kung sino yun. Sino pa ba?
Edi si Desireemalantodslashplastic na katambal ni Nic. Tama. Tama ang basa niyo. Lintek.
Nakuu! Kung hindi lang para kay Nic hindi ko 'to gagawin! Si Nic naman kasi! Magkakagusto nalang, sayo pa! Pwede namang saken ha? Charot!
Naghanda ako ng kape ko pero di ko na 'to nilagyan ng heart na may crack. Ewan ko ba. Broken hearted ako pero ayoko ng damdamin. Siguro kasi.. mas nangingibaw parin saken yung friendship namin ni Nic na ayaw kong mawala. At ginagawa ko naman 'to para sa kanya eh. Para sumaya siya. Kaya kahit badtrip ako kay Desireeplasticnakatambal ni Nic ay titiisin ko nalang.
Sabagay, doon naman ako magaling. Shete.
pumasok na ako sa Banyo at nagsimula ng maligo.
--
"Hey Shane. Your here." Bungad saken ni Nic pagkapasok na pagkapasok ko palang sa Condo niya.
Opo. Condo niya. Pinapunta niya kasi ko dito para mas kapani paniwala na P.A niya ko. Ako daw kasi kunwari ang magdadala ng mga damit niya. Char.
Tumango nalang ako sa kanya at pinapasok niya ako. As usual, sobrang linis ng condo niya. Lalake ba talaga 'to? Eh sa apartment ko nga madalang ko lang makita na malinis 'to.
"Ang linis 'no?" Tanong niya ng naka ngisi.
"Malamang kasi may taga linis dito!"
"H-Hoy wala 'no! Ako lang naglilinis dito!"
Kita mo 'to! Sabi na eh.
Naupo ako sa sofa niya at tinignan ang mga naka prepare na damit.
"Dadalhin mo yan Shane mamaya sa pagshoshootingan. Please? Para maniwala sila." Saad niya.
"Ano pa nga bang magagawa ko."
Lumapit siya saken at pinitik ang noo ko.
"Aw! Shutang ina! Para san'yon?!"
Nagulat ako ng bigla niya nanamang pitikin ang noo ko.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Teen FictionDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]