PAALALA: THIS CHAPTER IS VERY IMPORTANT. SO PLEASE, DON'T SKIP. DITO MASASAGOT ANG MGA KATANUNGAN NINYO. 😊Dominic
43 days later . . .
Nakatitig lang ako ngayon sa kanya. Halos 1 month and a half na siyang tulog. Ang himbing ng tulog niya. Hindi ko maiwasang maisip kung bakit mas pinili mong itaya ang buhay mo para saakin.
Para saakin Shane, bakit? Pwede namang ako nalang. Mas kaya ko pa. Hindi ba't mas malakas ako sating dalawa?
Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata 'ko.
Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang mga alaala kung bakit ito nangyayari ngayon..
Flashbacks . . .
"Oyy Bespren! Goodmorning!"
"Hayup ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam ha?! Letse ka talaga!"
"I'm so sorry. Sobrang busy lang kasi Shane. Alam mo naman ang isang tulad ko. Artista. Laging may ginagawa."
"Ulol! Wag mo nga ako dyan Nic! Neknek mo! Kumusta ka naman ha? Mukhang ang saya saya mo ha. Siguro..siguro ang saya mo na kasama mo si Desiree."
Napangiti ako sa isip 'ko. Oo. Masaya ako. Pero mas masaya kung ikaw ang kasama 'ko. Ikaw ang nasa tabi 'ko. Maganda nga siya, pero ikaw naman ang pinaka maganda sa paningin 'ko.
"Haha. Oo naman! Ang saya ko kaya! Nakita mo siya sa teleserye namin? Ang ganda diba? Every Man want's her attention." sabi ko nalang.
napalabi siya. "Hehe oo nga. Sobrang ganda. Nakakatomboy nga eh."
"Oy oy oy dati ka ng tomboy no! Gusto mo pakilala kita?"
Ngumiti naman siya. "Ipapakilala mo ko? Ni di nga nila alam na may bestfriend ka eh."
Nalungkot ako. "I'm sorry Shane. Pero promise! Ipapakilala talaga kita. Soon. Okay? Mahirap na kasi Shane. Grabe ang hit ng loveteam namin eh. Baka ma isyu ako na may kasamang ibang babae. Kawawa naman si Ree. Madadawit siya."
Hindi. Ikaw ang iniisip ko, Shane. Ayokong madawit ka. Ayokong pumasok ka sa magulong mundo namin. Dahil ayokong mahirapan ka. Mas mabuti ng ako nalang.
Noong nasa mall show. Gustong gusto kitang lapitan. Pero hindi dahil sa hindi pwede. Kundi mas makakabuti iyon. Ayoko lang madamay ka. Ayokong pagkaguluhan ka ng mga presscons. Alam ko kasing hindi mo kakayanin iyon. Hehe. Diba nga? Mas malakas ako sayo. Mamuscles ata 'to!
Naalala ko rin iyong araw na nag punta ako sa apartment mo. Dumaan pa nga ako sa bintana eh. Nagpunta pa tayo sa star city. Pambawi ko sayo.
"Wow ang ganda Nic!"
Ginulo ko naman ang buhok niya. "Sabi sayo eh. Tara sa loob!"
"Uuy Nic? Bat ang mahal naman?"
"Para makasakay tayo sa iba't ibang rides."
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Novela JuvenilDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]