Chapter Twenty Six : Proposal!

224 12 0
                                    

Hi mga readers! ^_^ sorry ngayon lang naka update! Been very very busy lately. At 2 months kasing walang kuryente dito samin dahil sa bagyong Nina. -_-

So ito na nga. Wag kayong atat. Para lang to sa mga MARUNONG MAG ANTAY. ^_^ - Miss Mej

Follow me on Facebook at Meryll Jacob

Follow me on instagram at iammeryllae

Don't forget to vote and comment! ^_^

~•~

"Okay, are you ready?" Tanong samin ng direktor. Nandito na kami sa morning show kung saan mag shoshooting kami.

Feeling artista na. Char.

"Ready direk." Sagot ni Jin.

"Ready po." Sagot naman ni Andrea.

"Yes." Si Bryan.

Napatingin naman sakin ang direktor at si Miss Yenna. Pati na rin ang mga camera man. Kasama na ang humahawak ng lighting. Inaantay ang sagot 'ko. Feeling showbiz.

"Were ready." Usal ko.

Napa palakpak ang direktor. "Okay! Sa backstage muna kayo, understood? May guest tayo ngayon. It's Meryllae Jacob. Ang sikat na singer ng pilipinas!" Sigaw ng baklang direktor. "The hosts are gonna interview her. And then, pagkatapos na pagkatapos niyang interview-hin, the host will introduce your band then poof! Nasa side stage na dapat kayo! Malinaw?"

"Yes Direk." Sabay sabay na tugon namin.

Napapalakpak nanaman siya! "Okay okay! On your position! Ayaw ko ng papatay patay! Move!" Sigaw niya kaya naman dali dali kaming naglakad dala dala ang mga intruments namin papunta sa back stage.

Sumunod naman samin si Miss Yenna. "Okay guys, wag kayong kakabahan okay? Isipin niyo na maliit lang tong stage kumpara sa pinagpeperforman ninyo. Isipin niyo na walang tao. Na walang nanunuod. Na walang camera? Okay? Don't hesitate to ask me on something. Okay?" Walang hinga hinga na usal ni Miss Yenna.

Natawa tuloy kami. "Makakaasa ka Yenna." Usal 'ko.

Lumapit siya at saka hinawakan ang balikat ko. "You can do it." Saad niya.

I smiled back at her. Shet. English.

"Sino daw yung guest?" Tanong ni Lili. Opo. Kasama namin siya. Suporta daw. May dala pa ngang banner eh.

"Si Meryllae Jacob daw Hon." Sagot ni Hon--este Jin. Nakiki Hon na ako?

"Tologo? I'm so exsoyted naaaaaaaa! Papa authograph tayooo ha? Ha?!" Masayang saad ni Lili at pumapakpak pa. Natawa ako.

"Oo naman." Sagot ko.

"Yes!"

"Guys, on 5 minutes pumunta na kayo sa side stage, okay? Iniinterview na si Ms. Meryllae. Be ready." Usal ng isang staff samin pagkatapos ay umalis na rin.

"Oh, guys be ready." Saad ulit ni Miss Yenna saamin. "Nasa likod niyo lang ako. Goodluck!"

Napangiti kami sa sinabi ni Miss Yenna.

Hindi nagtagal ay narinig nanamin ang pangalan ng banda namin na hudyat na kami na ang susunod.

Wag kang kakabahan Shane. Wag kang kakabahan.

"Let's all welcome, The ROCKETEERS!" Sigaw ng host kaya naman pumwesto na kami sa side stage!

Nasa likod si Bryan dahil siya ang Drums. Si Jin naman ay nasa kaliwa ko dahil siya ang bass guitar. Si Andrea naman ay nasa kanan ko dahil siya ang nasa piano.

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon