She's my P.A.
She's my P.A.
She's my P.A.
Shet. Di parin nag sisink in sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Nic sa harap ng Manager niya at lalong lalo na kay Desiree.
Ang sakit. Ang sakit lang. Kasi yung inaasahan mo na ipapakilala ka niya as his Bestfriend eh hindi nangyari. Bagkus nauwi pa sa pagiging P.A. pakshet.
"I-I'm sorry Shane. Hindi ko sinasadya. B-Basta nalang yun lumabas sa bibig ko. I'm sorry." Paulit ulit na sinasabi yan ni Nic.
Andito na pala kami ngayon sa condo niya. Dinala niya ako dito para lang mapaniwala niya ang manager niya at si Desiree na P.A niya nga ako.
Napangiti ako sa kanya ng pilit habang nakaupo ako sa sofa niya. "Ayos lang Nic. Naiintindihan ko."
Alam ko naman eh. Alam ko naman na kaya niya sinabi yun ay dahil ayaw niya ng dumagdag pa sa problema na ginawa ni Desiree. Ayaw niya ng dumagdag pa sa problema ng manager niya.
Kasi malamang, pag ipinakilala niya ko na bestfriend niya, lalong magugulo at magkakaproblema dahil sa isang lalaki rin na nakasama ni Desiree.
Baka isipin ng mga fans nila na may love square ang nagaganap sa kanilang dalawa. At makakasira ito sa kanilang dalawa na ma link sila sa ibang babae at lalake.
At yun ang ayaw mangyari ni Nic. Masyado niyang inaalagaan ang career niya.
Ayos lang naman yun saken eh. Walang kaso doon. Pero..
Pero masakit kasi. To the point na hindi niya alam na nasasaktan ako ay mas lalo lang akong nasasaktan. Pero wala eh. Bestfriend niya ako. At katulad nga ng sinabi ko noon, ako lang ang taong makakaintindi sa kanya.
"I'm sorry. I'm really really sorry Shane." Napayuko siya at halata mo talaga ang sincere niyang paghingi ng tawad.
Binatukan ko siya.
"Aww! What was that for?"
"Timang ka kasi! Ayos lang nga! Sus!"
Agad namang nabuhayan ang mga mata niya. "Are you sure?"
Tumango ako. Bahala na. Ang importante, ginagawa ko 'to para sa kanya.
"Thank you Shane! Thank you!" Saad niya sabay napayakap saken.
Shet. Dug dug. Dug dug.
Hinagod ko ang likod niya. Ang higpit ng yakap niya saken.
"Ano kaba. Wala 'yun." Saad ko.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka Shane." Saad niya. " Your a total package. Your future boyfriend is really lucky to be love by you."
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hinagod ko nalang ang likod niya ng may marinig kaming boses sa labas ng pinto ng condo niya.

BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
أدب المراهقينDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]