Chapter Seventeen : He's an Artist!

220 13 0
                                    



"Shane oh." Sabay bigay niya sakin ng isang necklace.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Bobo Jewel! Malamang necklace diba? Kwintas!

Ngumiti siya sakin saka dahan dahang nilagay sa leeg ko. Ang lapit pa ng mukha niya sakin kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.

"For you. For being my bestfriend Shane." saad niya.

Napangiti naman ako. "Salamat Nic." Sabay kurot ko pa sa pisngi niya.

"Aray ko naman!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Angal ka?"

"Syempre wala!" Saad niya at inakbayan ako. "Ang sarap kaya sa pakiramdam pag kinukurot mo ako. I feel special."

"Sus. Ewan ko sayo. Sige na. Malilate na ako." Saad ko.

Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Hatid na kita. Let's go. Maglalakad kana naman eh." Saad niya.

Umiling ako. "Kaya ko naman Nic eh. Ginagawa mo naman akong bata!" Saad ko saka nagpout.

Napatawa siya. "Bakit? Hindi kaba bata? Your just grade 6 Shane. Bata kapa." Saad niya. Sinapak ko naman siya.

"Gagi ka. Porket high school kana! Hmp!" Saad ko naman.

Napatawa nanaman siya. "Alright. Text me when you got to school." Saad niya saka naglakad na palayo. Kasabay noon ay ang pagkaway niya sakin.
~

"Jewel!"

Agad naman akong nabalik sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Maam Yenna.

"Y-Yes Miss Yenna?" Tanong ko agad.

Nandito pala kami ngayon sa pangpang. May shooting sila ngayon kaya dapat ay present din ako para if ever na mangailangan si Nic Sakin.

Sa tatlong araw na namin dito, iniiwasan ko si Nic. Hindi ko alam. Kung ito lang ang tanging paraan para makamove on sa kanya ay gagawin ko.

Kahit masakit.

Kahit hindi ko kaya.

Kahit paulit- ulit na sinasabi ng utak ko na hindi ko kaya pag wala siya ay pinipilit ko nalang ang sarili ko na wag siyang pansinin.

"Are you okay?" Tanong niya sakin.

Napatango ako. "O-Opo Miss Yenna." Saad ko. Bigla naman akong napahawak sa kwintas ko.

Kwintas na bigay pa sakin noon ni Nic. Na hanggang ngayon, ay iniingatan at pinapahalagahan ko.

Syempre. Napaka walanghiya ko naman kung di 'ko to iingatan diba? Eh mukhang totoo pa naman 'to. Hindi umiitim eh. Tingin ko nasa 22k 'to. Isanla ko kaya? Tutal short ako ngayon sa budget. Char.

"Oh scratch that 'Miss'! Yenna nalang Jewel." Saad ni Mi- este Yenna sakin.

Napangiti nalang ako.

"Any minute magsisimula na ang shooting." Saad agad ni Yenna at umupo sa tabi ko.

Pasulyap sulyap lang kami sa mga taong nagmamadali dito sa harap namin. May mga taga make up, cameraman, staffs, may mga extra pa nga na gagawing pang props eh. nagkakanda ugaga na ang mga tao kakamadali.

Habang tinitignan ko sila, ako ang napapagod eh. Hay.

"Bakit pala hindi pa nagsisimula?" Tanong ko naman.

"Oh I forgot to tell you. May bago kasing cast sa teleserye ng DomRee." Saad niya. "He'l be here soon."

Napatango- tango nalang ako.

The Way I Loved Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon