"Naka ready na ba ang mga gamit mo?" tanong saakin ni Manager Yen. "Baka mahuli ka sa flight mo papuntang New York." sabay ngiti niya.Napangiti rin ako. "Tapos na lahat manager. Nailagay ko na lahat sa maleta 'ko." Usal 'ko.
"That's good. Maghanda kana. Any minutes ay pupunta na tayo sa airport. Ihahatid ka namin." Sabay ngiti niya at lumabas na sa kwarto 'ko.
Napaupo naman muna ako sa kama 'ko. Nagpalinga linga sa paligid.
Halos ilang taon rin ako sa condo kong 'to. Ilang taon rin akong namalagi rito.
Nakita ko ang isang picture frame sa gilid 'ko.
It's been 3 months since that day.
Kinuha 'ko ang picture frame sa mesita 'ko.
Kami ni Shane. Habang kumakain ng ice cream noong nasa star city kami. Napatawa ako ng mahina dahil everytime na makikita 'ko siya dito na sobrang dumi ng bibig niya dahil sa ice cream ay natatawa nalang talaga ako.
You never fail to makes me smile, Shane..
Binuksan 'ko ulit ang maleta 'ko at ipinasok ang picture frame naming dalawa. Ayoko itong makalimutan.
Tumayo na ako. Tumingin ako saglit sa kama 'ko bago ako lumabas. Nandito ka noon. Nagliligpit ng mga damit ko as my P.A. pero ngayon ..
Napahinga ako ng malalim. Pinipigilang maiyak.
Lumabas na ako ng kwarto 'ko. Sunod 'kong nakita ang sofa kung saan nagkikilitian kaming dalawa.
Iyong mga oras na iyon ay gusto 'ko ng sabihin sayo ang narararamdam 'ko. Natawa ako ng mahina. Iyon din iyong araw na gustong gusto kitang halikan. Damn it.
Napapatawa nalang ako sa sarili 'ko.
Everything is settled.
Ilang minuto lang ay dumating na sila manager. Nang makalabas kami ng building ay andami na agad reporters at presscon sa labas. Isama mo na rin ang mga paparazzi.
Madaming humarang sa kanilang mga bouncers. Nang makasakay kami sa private Van ay nagsimula na itong umandar.
May mga ilang sinubukan pang tumakbo na mga reporters pero hindi na nila kami nahabol pa.
"Are you sure you want to leave?" tanong ni manager.
Tumango ako saka ngumiti. Sagot sa tanong niya.
Kasama rin namin ang mga direktors. Nasa likod naman namin ang mga bouncers. Nakasunod saamin.
Napasulyap ako sa labas ng bintana. Hindi 'ko maiwasang maalala ang mga nangyari.
Nakakulong na si Desiree at Denisse. Pinagbabayaran na nila ngayon ang mga nagawa nilang kasalanan.
Gusto pa sana ni Shawn na makulong rin pero hindi na ako pumayag. Marami siyang naitulong. Saakin. Saamin.
Ilang minuto lang ay nasa NAIA na kami. Bumaba na kaming lahat at hinarangan ulit ng mga bouncers ang mga taong gustong lumapit saakin.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na kami. Wala na masyadong dumidikit saamin. Lahat ng tao ay may kanya kanyang ginagawa.
Nang malapit na ako sa departure area ay tumingin muna ako sa TV kung saan makikita ang mga paalis na eroplano.
NEW YORK, USA - 8:00 AM
Napatingin ako sa wristwatch 'ko. 7:45 am.
15 minutes left..
"Are you ready?" masayang tanong ni Manager Yen saakin.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved Him ✓
Teen FictionDear Diary, I am deeply, madly inlove with my Bestfriend. And this is the way I loved him. #182 Highest Rank in Rom-Com [Completed]