Magic 02

54 0 0
                                    


Nandito ako ngayun sa room ko at nakahiga sa kama. Hay, bukas ang simula ng pagpasok ko at to think pa na ang papasukan ko ay isang magical school kung saan ang makakasama ko ay hindi mga ordinaryong tao.

Pero sa bagay okay na rin to dahil may malaki akong tirahan para lang sa sarili ko, kumpleto na rin dito ang mga pagkain at kung ano - ano pa.

Tutal wala naman akong gagawin ay pumunta ako sa library para naman may malaman ako dito sa mundong ito. Naghanap-hanap ako sa mga librong nasa library. Wala naman ngayun ang mga estudyante dahil sa week end at pedeng umuwi ang mga ito. Buti na nga lang at bukas ang cafeteria kung hindi ay .... siguradong ... wala lang marunong naman akong magluto eh.

Habang naghahanap ng libro ay nakita ko ang isang lumang libro kaya naman kinuha ko ito.


Book Of Spells And Other Important Things.


Seryoso? May gantong libro sila? Anong ka cornyhan naman itech?

Agad kong kinuha yung libro at binuklat. Halos lahat ng kailangan ko ay nandito na sa librong ito, spell, potions, different creatures, abilities, rank, and most of all history. 

Well tama nga naman ang sabi nya lahat nga ng kailangan ko ay nandito na.


Una muna ay pinuntahan ko ang history.


Nag simula lahat noong may isang babaeng nagngangalang Euruka, sya ang tinaguriang ' Mother ' dahil sa kanya nanggaling ang lahat ng magical being. Mabuting bata si Euruka, hindi rin maiikumpara ang kanyang talino at ganda. Isang araw habang naliligo si Euruka sa isang talon ay  may naligaw na isang mangangaso sa pinaliliguan nya at aksidenteng nakita ng mangangaso ang katawan ng dalaga.  Dumaan ang mga araw na lagi silang nagkikita ng binatang mangangaso, sa una ay medyo naiinis pa sya dito pero lumaon ang panahon ay nahulog na rin ang loob nila sa isa't isa. 

Isang gabi may nagyari sa dalawa ang doon nabuo ang kanilang pagsasama . Masayang namuhay ang dalawa ng biglana lamang nawala ang lalaking mangangaso. Nalumbay si Euruka at matapos ang ilang buwan ay hindi pa rin mabalik ang lalaki ngunit patuloy pa rin syang nagintay sa muling pagbabalik nito.

Matapos ang siyam na buwan ay magisang sinilang ni Euruka ang kanyang anak na babae at doon nya nalaman na isang  diyos pala ang mangangaso naglaon ang angkan ni Euruka at naglaon ay gumawa sila ng isang kaharian at doon nagsimula ang mndo ng Eutopia.


......................................


Nandito ako ngayun at naglalakad sa hall way papuntang classroom ko. Sa pagkakaalam ko sa student hand book na binigay sakin ni HM Antony ay may iba't ibang klase sa Astral Academy depende sa lakas na meron ka.

Ang una ay ang Woods o ang mga beginners

Sumunod naman dito ay ang Copper

Pearl naman ang sumunod

Then Bronze

Then Silver

Then Gold

Then Ruby

Then Emerald

And lastly, ang pinakamalakas at pinakamataas sa lahat ay ang Diamond.


Sa ngayun ay nandito ako sa Woods o ang binabag sakanya ng lahat ng bago, so that means hindi ibig sabihin na woods sila o  beginners ay hindi na sila malakas. Ang ibig lang sabihin nito ay bago lang sila sa school. Magkakaroon ng orientation ang Woods at doon talaga makikita kung saan ka nararapat.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng Woods ay huminga muna ako ng malamin at pumasok sa loob. Agad ko namang napansin na napatigil sila sa kanilang ginagawa noong pumasok ako sa room. Umupo ako sa dulong upuan sa tabi ng bintana. Mga ilang sandali pa ay pumasok na ang teacher namin.


" Okay class mukang may bago tayong kasama dito ah. So miss at the back can you tell us your name?" tanong nya sakin.

" Alisha Farsiris Servande E. Mercedez" sabiko na lang. Aba nakakatamad kaya.

" Okay , miss Mercedez can you tell us your bility?" tanong nya ulit sakin.

" Undiscovered " plain na sabi ko.

" Ah, okay , so I'm mr. Marcus Castidor but you can call me Sir Castidor" sabi nya


Matapos magpakilala ay nagpatuloy lang sa pagtuturo ng kung ano-ano sir.  Ilang oras pa ang lumipas ay tumunog na ang bell na naghuhudyat na break na. Agad akong pumunta sa cafeteria at bumili ng pagkain ko then umupo ako sa pinakasulok na table kung saan walang student na umuupo. Kumakain ako ng mahimik at maayos ng biglang may isang babaeng lumapit  sakin.


" Hello , kanina ko pa nakikitang magisa ka lang. Bago ka ba dito?" tanong nya sakin.


Tiningnan ko sya at sinuri ang itsura nya. Maganda sya parang isang model, meron syang golden hair at blue eyes.


" Yeah, bago lang ako dito" sabi ko sa kanya.

" Ah okay, ako ng pala si Chloe, nice  to meet you" sabi nya at ngumiti.

" Alisha" simpleng sabi ko.

" So Alisha ano nga palang ability mo? Ang akin kasi ay healing "

" undiscovered  " simpleng sabi ko.

" Ah ganun ba, wag kang magalala darating din ang time kung saan malalaman mo rin ang powers mo." sabi nya at tumango na lang ako.

" So Alisha, kamusta naman so far ang pagpasok mo?" tanong nya ulit.

" Okay naman, medyo naninibago pero masasanay rin ako" sabi ko na lang. Tss as if I know pinapabantayan lang ako ng head master sa kanya.

Ngayun alam ko na kung bakit ganun ang itsura nila noong malamang naliligo ako sa talon na yun. That falls isn't an ordinary falls, kahit ang ordinaryong Eutopian ay hindi man lang  kayang hawakan ang tubig sa talon, kaya siguro sila nagtataka kung paano ko na gawang maligo at uminom doon.

Anyway mukang mabait na tao naman itong si Chloe, why not coconut na gawin syang kaibigan tutal sya naman ang lumapit sakin eh.


After ng break ay agad na umalis si Chloe siguro ay ayaw nyang mahuli sa klase nya. Pagbalik ko sa room ay walang ni isang tao doon.


" Hey freak!" sabi ng isang mukang mataray na babae.


Hay nako pati ba naman dito marami pa ring bullies, ang akala ko sa mundo ko lang maraming ganun eh.


 May lumabas pang dalawang bababe sa likod  nya ng naka ngisi.


Okay okay, mukang may masamang mangyayari ah. Pero bago pa sila makagawa ng kahit ano ay biglang tumunog ang bell at nagsipasukan ang mga ka - klase ko.


Hay thank you I'm saved. Pero ano nam kanyang ginawa ko sa mga babae yun ? Bakit kaya silang gamun sakin?




The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon