Magic 16

21 0 0
                                    



Aray! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari sakin?


Tiningnan ko ang paligid ko at masisigurado kong isa itong maliit na bahay gawa sa kahoy. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at doon ko lang napansin na iba na pala ang suot kong damit

Hinayaan ko na lang to dahil alam ko naman na wala namang ibang nangyari sakin pwera lang sa pagiiba ng damit ko.

Naglakad ako palabas ng pinto at doon ko nakita ang kabuoan ng bahay. Masabi ko na kahit na maliit lang ang bahay na ito ay maaliwalas ito at magandang tirhan.


" Oh gising ka na pala" sabi ng isang boses mula sa likuran ko kaya naman agad akong napatingin sa kanya.


Meron syang pulang mahahabang buhok at sobrang kinis at puting balat na para bang wala na itong dugo. Magaganda ang mga mata nya at matangos ang kanyang ilong habang ang kanyang labi naman ay mapupula. Meron din syang magandang pangangatawan, medyo maliit sya pero kung sa babae ay katamtaman lang ang kanyang tangkad.


" May masakit ba sayo?" tanong nya ulit sakin.


Hindi naman ako makakaramdam ng masamang intensyon sa kanya siguro ay pede ko syang pagkatiwalaan kahit na saglit lang.


" Medyo masakit lang ang sikmura ko " sagot ko sa kanya.

" Ganun ba? Sira ulo kasi talaga yang si Aiden hindi marunong magingat" sabi naman nya sakin.


Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko kung sasangayon ba ako o hindi.


" Tara dito ipaggagawa kita ng maiinom para naman mawala ang sakit dyan sa sikmura mo" sabi nya sakin.

Sa totoo lang pede ko namang tawagin si Apollo pero baka magkagulo lang, alam nyo naman masyado yung over protective sakin, baka nga pagkinagat ako ng lamok ay isumpa na nya ang lahat ng mga lamok.

Ininom ko ang binigay nya saking kung ano mang mukang tea na yun nang mapansin ko na nakatingin lang sya sakin.


" May problema ba?" tanong ko sa kanya.

" wa -wala na aamaze lang ako kung paano mo nagagawang pagkatiwalaan ako despite ng pagiging stranger natin sa isa't isa."

" Alam ko anman na mabuti ka" sabi ko na lang

" Pano mo naman na sabi yan. Kung malalaman mo lang kung ano talaga ako baka nga tumakbo ka sa takot at pagsisihan mo na pinagkatiwalaan mo pa ako eh" sabi nya na medyo umiwas ng tingin.

" hmmm... parang hindi naman" sabi ko sa kanya at uminom ulit ng gamot na binigay nya. Napapasarap ata ako dito sa gamot na to ah.

" Hindi mo lang alam " sabi nya.


Magsasalita pa sana ako ng pumasok ang tatlong lalaki sa kusina.


" O gising ka na pala" sabi noong red ang buhok.


Ay hindi hindi tulog pa ako kaya nga umiinom na ako dito eh.


" Ayos ka na ba?" tanong naman sakin noong isa na kulay brown ang buhok.

" Medyo salamat dito sa kasama ko" sabi ko sa kanya.

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon