Nandito ako ngayun at nakikinig kunwari sa teacher namin.
Satotoo lang hindi ko alam ang nangyari sakin noong isnag araw basta nakita ko na lang ang sarili ko na natutulog sa garden ng school pero bakit ganun feeling ko may nakalimutan ko? Feeling ko may importanteng bagay akong dapat na maalala pero hindi ko alam kung ano yun.
feeling ko medyo may masakit akong maranasan.
matapos ang morning subjects ko ay pumunta nako sa office ni tanda at doon nakita kong walang tao kaya naman pumunta ako sa may bookshelf at may tinulak doong libro at biglang bumukas ang isang ref. na punong puno ng choc - O at mga gatas.
Kumuhan ako ng Choco - O at umupo sa upuan ni tandan at tinaas ang paa ko na parang bata at doon ko ininom ang Choc -O ko.
Mga ilang sandali pa ay pumasok na doon si tanda.
" O ano namang ginagawa mo dito? At bakit magan ang itsura mo may problema ba?"
" Wala naman"
" Hay nako Alisha, wag ako ang lokohin mo iba na lang. Kilala kita"
Tsk, kahit kailan talaga hindi ako pedeng magsinungaling dito sa isang ito.
" May nakakaiba akong nararamdaman Kurt" sabi ko sa kanya at kunuha ang paglima kong Choc -O
" May problema ba Alisha? Ma -"
" Wag kang magalala parang hindi naman yun" pagpuputol ko sa kanya " Pero feeling ko maynakalimutan ako"
" Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sa oras na basahin mo yung libro ay babalik na dapat ang lahat ng alaala mo?" sabi nya
" Oo, pero feeling ko talaga may nakalimutan ako at ito ay matapos kong basahin ang libro, parang kailan lang. "
" Anong gagawin natin? May kilala akong magaling na witch kung gusto mo irerekumenda kita sa kanya"
" Hindi na kailangan Kurt pero salamat pa rin" sabi ko sa kanya at ngumiti.
" Sure ka ba?" tumango ako sa kanya pero agad din namang bumaba ang tingin ko sa sahig.
" Pero bakit ganun Kurt feeling ko tuwing sinusubukan ko syang alalahanin at naninikip ang dibdib ko at isa pa may part sakin na ayaw syang alalahanin"
" Kung ganun baka nga mas magandang kalimutan mo na sya" sabi naman ni Kurt.
" Ay bahala na nga, anyway salamat sa tambayan Tanda"
Ngumiti sya sakin tyaka sinabing " Wag mo akong tawaging tanda" at ginulo nya ang buhok ko.
Lumabas ako sa office ni tanda at sakto naman na nandoon si Zach. Bakit ba lagi na lang itong nandito sa lugar kung nasaan ako.
" May pupupuntahan ka?" tanong nya sakin
" Wala, bakit magpapasama pa ulit?
Ngumisi lang sya at hinila ang kamay ko. Aba sino nagbigay sa kanya ng permisong hawakan ako at bakit ganun? bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko?
Dinala nya ako sa isang park kaya naman napatingin ako sa kanya.
" Ano namang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Royalties
FantasyPano kung isang gabi makita mo na lang ang sarili mo sa isang kakaibang mundo? Isang mundo kung saan tanggap ka ... Isang mundo kung saan mag nagmamahal at nagaalala sayo... Kung saan posible ang imposible ... Babalik ka pa kaya sa mundo mo?