Magic 20

17 1 0
                                    


Nandito kami ngayun sa bahay nina Madelyn, nagpapahinga yung dalawang ulaga habang ako ay ito nainom ng paburito kong tea na gawa ni Madelyn.

" So anong plano mong gawin sa kanila? " tanong ni Aiden habang nagpapanic naman sa likod nya si Noah.

" Hmm, wala naman I just plan on getting some info." sabi ko sabay inom ng tea.

" Anong gagawin natin may lobo sa bahay! Papatayin nya tayo! Kailangan na nating tumakas dito! Shit ! Shit ! shIT!" Pagpapanic ni Noah na parang bakla. Aminin tunay bagang lalaki ang isang to o isa sa mga naliligaw ng landas?

" Gising na sila" biglang pasok ni Ethan sa kusina.


Agad akong tumayo at pinuntahan sila.


" Alisha? Anong ibig sabihin nito?' tanong sakin noong James.

" Saving you I guess" sabi ko na lang

" Bakit nandito ang isang to?" tanong nya sa lalaking nakahiga sa labi nya.

" Nothing really" sabi ko sa kanya at agad naman akong tiningnan noong lalaki ng sobrang sama. If only looks can kill I am probably dead by now.

" You killed my brothers" Galit na galit na sabi nya.

" Yes I did" Simpleng sabi ko sa kanya na mas lalo nyang ikinagalit.

" Damn you! I will kill  you bitch!" sabi nya sakin na galit na galit at nagwawala pa. Hay kung hindi lang siguro sya nakatali malamang kanina pa nya ako sinugod.

" Aiden pakisamahan naman si James sa may kusina at alam ko namang gutom na sya. Pakisabi rin kay Madelyn magdala dito ng makakain. At pakisara naman nyang pinto." Sabi ko kay Aiden at mabilis naman nyang ginawa ang sinabi ko.


Lumapit ako doon sa lalaki at umupo sa tabi nya, habang sya ay patuloy pa rin sa pagwawala. pumikit ako at nagconcentrate, nagkaroon ng maliit na magic circle sa kamay ko na kaing laki lang ng palad ko. Napansing kong naalarma ang katabi ko at nanigas ang katawan nya.


" Don't worry I won't hurt you " sabi ko sakanya at may lumabas na maliit na creature sa kamay ko.

" Pent pakalmahin mo sya" utos ko kay Pent. Si Pent ay isang Searies. Ang mga Searies ay isang uri ng Fairy animal na hybrid ng water at air o iba pang element na humahalo sa water element nila. Kadalasan ng Searies ay nahihiyayin at matatakutin. Mabilis nilang malaman kung may panganib ba sa paligid at nakakatulong din sila sa iba lalo na ka pagrerelax, pero dahil nga sa kakayahan nila ay maraming gustong hulihin sila at  gamitin kaya naman sa ngayun ay kokonti na lang ang bilang ng mga ito at sa pagkakaalam ko ay nagtatago sila sa ilalim ng dagat kung saan walang makakahanap sa kanila.

Oo nga pala, bago ko makalimutan. Ang itsura nga pala ni Pent ay muka syang sea horse na kulay blue at may pakpak sya na blue rin pero ang dulo naman nya ay orange, may yellow scales din si Pent sa may gitna nya  at ang buntot nya naman ay isang mahabang kulay bue na may parang pamaypay sa dulo na kulayy orange, May maliliit ding paa si Pent na kadalasan ay ginagamit nyapara kumain ng nectar sa mga bulaklak. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon