Takbo ako ng takbo habang iniiwasan ko ang mga pagatake sakin ng mga gunggong na yun. Nagtago ako sa isang sulok at humihingal na pinakiramdaman ang paligid.
Pano nga ba ako napunta sa lugar na ito? Ay oo nga pala. Tsk kung hindi lang talaga doon sa babaeng yun ay hindi ko ito mangyayari sakin.
Gusto nyong malaman ang nangyari?
* flash back *
Tahimik akong natutulog dito sa isang malaking puno sa gitna ng garden ng may marinig akong ingay. Noong una ay wala akong pakialam dito pero noong marinig ko ang maliliit na boses ay agad akong napatalon.
" Ano?! Anong gagawin nyo ngayun?! " sabi ng isang galit na boses ng babae
" S -sorry po" sabi naman ng isang boses din ng babae na medyo na tatakot.
" Kasi naman tatanga tanga ka. Hindi mo ba alam kung gaanong kamahal ang damit kong ito? Sige anong gagawinn mo ngayun dito?!" sigaw noong babaeng galit na galit
" S - sorry po" naiiyak na sabi noong batang babae at niyayakap naman sya ng kapatid nya.
" Bad ka! Pagnalaman ni mommy to patay ka sa kanya!" sabi noong batang lalaki na paiyak na pero pinipilit lang maging malakas dahil sa kapatid nya.
" At anong gagawin ng nanay mo sakin? Luluhudan nya ako at magmamakaawa?! Haha, ang mga slaves na katulad nyo ay dapat na lumagay sa lygar nyo!" sigaw nya sa dalawa at tinaas nya ang kamay nya para sampalim ang dalawa buti na lang at nakarating ako agad.
" Wag na wag mong sasaktan ang mga anak ko" sabi ko sa kanya habang sersosyong nakatingin sa kanyang mga mata.
Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata noong makita nya akong nasa harapan nya.
" A - Alisha" Nanginginig nyang sabi.
" Mommy!" tawag ng dalawang bata sa pangalan ko at umiiyak silang niyakap ang binti ko. Umupo ako para yakapin ang dalawa at tyaka ko ulit tiningnan ang babae.
" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" cold na tanong ko sa kanya.
" A - Alisha , ano .... hindi ko naman alam na anak mo yang mga yan eh" sabi nya at ramdam na ramdam ko ang takot sa kanyang boses.
" Mommy sinaktan po nya si Sophie, bad po sya" sabi naman ni Leo sakin habang naiyak.
Napatingin ako sa tuhod ni Sophie at doon ay biglang nagdilim ang aking mata sa aking nakita. Agad akong tumayo at nilapitan ang babae.
" Anong karapatan mong saktan ang mga anak ko?!" sigaw ko sa kanya.
Ramdam ko ang paglakas ng aura ko at pagdidilim ng paligid isang malakas na kapangyarihan ang unti unting lumalabas sa paligid ko.
Pansin ko ang panginginig ng babae na kanina ay sinisigawan ang mga bata, sinakal ko sya at kitang kita ko sa mga mata nya ang takot. Takot sa isang halimaw na nasaharapan nya ngayun. malalagutan na sana ng hininga ang babae ng naramdaman ko ang bisig na nakayakap sakin.
" That's enough Alisha. That's enough, everything is alright now. You can let go." Hindi ko alam kung anong nangyri sakin pero para akong na hypnotized sa malumanay nyang boses at napatango ako at binitawan ang babae.
Bumalik ang wisto ko at hinawakan ko ang kamay nya.
" okay na ako. Pede mo na akong bitawan." sabi ko sa kanya at agad naman nya itong ginawa.
Pumunta ako sa mga bata at niyakap ko sila.
" Natakot ba kayo ni mommy? Sorry ah babies"
" Wala po yun mommy, alam naman po naming ginawa nyo lang po yun para samin" sabi sakin ni Leo na nagpangiti sakin.
Maslalo ko pa silang niyakap at tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti.
" Salamat sa pagtulong sakin zach"
* end of flash back *
Matapos yun ay pinatawag ako ni tanda at ito nga bilang parusa ko sa ginawa ko ay pinapunta nya ako sa mission na ito. Buti na nga lang noong malaman nya ang tungkol kina Leo ay pumayag syang sakin na tumira ang mga bata. As if naman may magagawa talaga sya eh pero yun nga meron akong limang mission na kailangan kong gawin bilang parusa at kapalit na rin nag pagpayag nya sa pagtira sakin noong dalawa.
Napaupo ako dahil sa pagod.
Natapos ko na ang Apat sa missions ko pero hindi ko akalaing mahihirapan ako dito sa pinakahuli.
" Nan dito sya!" Agad akong tumayo at tumakbo.
Patay talaga sakin pagbalik ko si Kurt. Lumiko ako sa isnag kanto at buti na lang ay nagawa kong makatakas sa kanila.
Shit, gutom na ako! Isang linggo na ako sa lugar na ito pero hanggang ngayun ay wala pa rin akong balita ungkol sa philosopher's stone.
Ang Philosopher's stone ay isang bato na nagsasabi na maari daw itong magbigay ng buhay na walang hanggan sa kahit na sino o kahit na ano.
Nagpunta ako papasok sa gubat at doon ay nakakita ako ng isang lawa. Uminom ako ng tubig sa lawa at hinubad ko ang damit ko at naligo na rin.
Naalala ko na sa gantong eksena rin kami unang nagkakilala ni Zach. Kamusta na kaya ang mga yun? Sa pagkakaalam ko ay kay zach muna mananantili ang mga bata habang wala pa ako. Siguro naman ay inaalagaan yung mabuti ni Zach.
Nagbihis ako at nanghuli ng isda buti na lang at kahit na papano ay marunong ako sa gubat tulad nito kung hindi ay patay na ako sa gutom at lamig.
Pinatay ko ang apoy na ginawa ko at umakyat sa isang puno. Siguro dito na lang muna ako matutulog ngayung gabi .
Makakatulog na sana ako ng makarinig ako ng makarinig ako ng pagkaluskos. Agad akong na alerto at pinakiramdaman ang paligid. ramdam ko ang pwersang bigla na lang tumulak sakin.
Shit! Ang bilis nya!
" Anong ginagawa mo dito sa titetoryo ko?" tanong nya sakin.
Tiningnan ko sa lalong lalo na ang kanyang mga mata, ang itim nyang mg mata na nakakapaghypnotized sakin.
" Nandito ako para sa isang misyon" sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya.
" Isa ka bang ispiya ?"
Magsasalita pa sana ako noong may marinig akong mga boses. Shit Ayon yung mga boses ng humahabol sakin kanina! Pinilit kong umalis sa bisig ng lalaking ito pero bago pa ako makaalis ang nakaramdam ako ng matinding sakit sa sikmura ko at unti unting naglabo ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
The Royalties
FantasyPano kung isang gabi makita mo na lang ang sarili mo sa isang kakaibang mundo? Isang mundo kung saan tanggap ka ... Isang mundo kung saan mag nagmamahal at nagaalala sayo... Kung saan posible ang imposible ... Babalik ka pa kaya sa mundo mo?