INCOMING CALL
Mingyu
ACCEPT | DECLINE
"Hello? Gyu? Problema?"
"Hyung! Nasaan ka?"
"Council room. May tinatapos pa kami. Bakit?"
"Hyung! 'Wag kang pumunta sa apartment namin ni Seokmin!"
"Ha? Bakit? Tinupi ko naman higaan ko nung nakaraan ah?"
"Hyung hindi 'yon. Nandito sa labas si Yoongi, 'yong pinsan mo! Mukhang inaabangan ka."
"What?! Aish."
"Kausap siya ni Seokmin ngayon at sinusubukan siyang i-distract. 'Wag ka munang pumunta rito ah?"
"Paano na 'yan. Shit."
"Kay Jeonghan hyung ka na muna makitulog."
"Hindi pwede. Wala si Jeonghan ngayon, umuwi siya sa kanila kaya nga absent 'yon ngayon e."
"Hindi ba may susi ka naman?"
"Isang linggo siya r'on sa kanila. Ewan ko d'on kung bakit bigla na lang umuwi, ayaw niyang sabihin. Ayoko namang manatili d'on nang wala siya. Isa pa, baka nakaabang na rin sa apartment niya si Yongguk hyung. Wala na rin akong mapupuntahan."
"Kina Hansol?"
"Ang layo n'on."
"Hyung ano nang gagawin mo? Eh kung harapin mo na muna kaya 'tong pinsan mo at mag usap kayo nang maayos? Hyung matagal mo na silang iniiwasan. Baka panahon na para magkaharap kayo."
". . . ayoko."
"Hyung naman."
"Ayoko muna okay? H-Hindi pa ako handa. Tsaka . . . marami akong iniisip ngayon okay? May school fest pa. Marami akong dapat asikasuhin, marami akong dapat gawin. Hindi ko . . . "
"Sorry hyung. Okay, hindi na kita pipilitin. Pero alam mo naman hindi ba? Na hindi pwede habangbuhay mo na lang tatakbuhan problema mo sa Daegu? Hindi habangbuhay matatakbuhan mo ang mga pinsan mo."
"Yeah, I'm aware."
"Hindi ka pa ba nakakahanap ng apartment?"
"Hindi pa. Hindi na kami nakahanap ni Jeonghan."
"Hyung saan ka matutulog ngayon?"
"Si hyung ba 'yan?"
"Umalis si Yoongi hyung?"
"Umalis na. Pero malakas ang pakiramdam kong nand'on lang siya sa labas at naghihintay. Hi hyung, si Seokkie 'to."
"Hey."
"Loudspeaker ko teka. So hyung, anong gagawin mo?"
"Baka dito na lang ako matutulog sa school."
"Hyung alam mo namang hindi pwede."
"Papakiusapan ko na lang ang dean."
"Hyung wala ka na bang ibang naisip na matutulugan? Bukod d'yan sa school?"
"Oo nga hyung baka naman may iba ka pang kaibigan. Oy hyung paano 'yong . . . paano 'yong ano 'yong cheerleader mo! 'Yong cute na nagcheer sa'yo nung basketball match! Baka pwede ka niyang matulungan!"
"Naalala mo pa 'yon?"
"Uh . . luh, paano ko makakalimutan, eh ang cute n'on? 'Di ba 'di ba Gyu naalala mo rin 'yon"
"Oo pero, hindi ba sabi ni hyung fan niya lang 'yon? Hyung d'on ka na lang sa hotel."
"Ha?."
"May alam akong malapit na hotel hyung. Wala nga lang AC pero pupwede na. Isang gabi lang naman."
"Bakit pa siya maghohotel e pwede naman siya d'on sa kaibigan niya, diba hyung?"
". . . muntik ko nang makalimutan ang tungkol kay Jihoon."
"Hoy bakit mo ba pinagpipilitan si hyung d'on sa fan niya? Narinig mo nga diba? Fan niya. Baka i-rape siya n'on, mapa'no pa si hyung! May exhibition game pa tayo sa school fest!"
"I-Iniisip ko lang naman ang mga options ni hyung tsk! Una, malaking gastusin ang hotel—"
"Isa gabi lang siya d'on hoy!"
"T-Tsaka mukha ba 'yong rapist e ang cute cute cute nga n'on e—"
"Seokmin."
"Hyung?"
"Hyung 'wag kang makinig kay Seokmin. Baka kung anong gawin ng pandak na 'yon sa'yo."
"Kilala mo ba si Lee Jihoon?"
"H-ha? Hindi ah! Hahahaha! A-Ang alam ko lang ano, fan mo siya kasi nga diba 'yong sa basketball match."
"Right."
"Right."
"Left. Bakit kayo puro right. Ha ha ha ha."
"Ibababa ko na 'to guys. Salamat."
"Teka hyung, so sasabihin ko na sa'yo 'yong hotel?"
"'Wag na. D'on na lang ako sa apartment complex ni Jeonghan."
"Akala ko ba hindi ka pwede d'on sa unit ni Jeonghan hyung?"
"I'm not staying at his unit. Basta. Ako na ang bahala."
"Ha?"
"Bye."
"Oy hyung—"
"Bye hyung!"
CALL DISCONNECTED

BINABASA MO ANG
Blackmail / jicheol
Fanfiction❝date me or else the whole school will know you're . . . um, supot.❞ / mail trilogy #1 / book cover credits to: anecchan!