sinasabi ko mang side stories lang ang mga may title na kagaya nito, pero trust me, malaki ang importansya nila sa main plot :>
i've done this bc of all the election stress. rip world, it was nice knowing you guys c: part one bc may deadline akong hinabol.
eto lang ang alam kong pamparelieve ng stress.
warning: implied sexual content
____________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MAYdalawang taong araw-araw na lang ayaw magpatulog. They're so annoying to think of that they don't allow Jeonghan to even catch a good night's sleep. Ang dalawang taong 'to ang tipong kati na hindi mawawala kung hindi kakamutin at kung kakamutin mo nga, imbes na mawala, mas lalo pang kumakati.
Jeonghan, was in short, very, very stressed.
Who are these guys who had enough power to make a guy like Jeonghan lose sleep thinking about them?
Oh. Just a Lee Jihoon and a Hong Jisoo. No biggie. But oh, but what a lie it is to say it's "no biggie", because he really did lose sleep over them and he badly needed some caffeine to drown from.
"Para kang extra sa Train to Busan, Han," natatawang saad ni Seungcheol sabay turo sa mukha niya. "Mukha kang zombie sa mukha mo."
He scowled at the grinning man then scoffed. "I'm the prettiest zombie out there."
Mabuti naman at hindi na umangal si Seungcheol kundi may masasapak talaga siya ng dala-dala niyang mabigat na libro ngayon.
"Bakit ako kasama mo ngayon, 'di ba dapat si Jisoo pa kasama mo?" tanong ni Cheol. "Mamaya pa ang shift ko sa pagbabantay sa'yo e."
"Pinagtutulakan mo na ako kay Jisoo, napapansin ko lang," Jeonghan pouted. "Ayaw mo ba talagang mabiyayaan at makasama ako?"
"Nagkausap na ba kayo? Parang hindi pa ah."
"'Wag mong ibahin ang usapan, mokong!" malakas na saad ni Jeonghan tsaka siya tinawanan ni Seungcheol.
"Hindi naman kasi sa gan'on. Totoo namang si Jisoo ang kadalasan mong kasama sa mga ganitong oras. Anong nangyari? Akala ko ba nagkabati na kayo pagkatapos n'ong lobby incident . . . "
Jeonghan flung the book he was carrying at Seungcheol's arm. The latter yelped in pain and laughed again. "Oy si Hannie, namumula!"