DAEGU TALE 02:
S H O W E R S T E A M
"Hindi ka pa ba matutulog? Gabi na."
Tinanguan ko si Yoongi hyung na may dalang baso ng gatas. "Aakyat na ako hyung."
"Kung gusto mong magtimpla ng gatas, nandito sa cupboard 'yong powder. Baka gusto mong ipagtimpla si Seungcheol. Mahilig 'yon sa gatas," sabi niya habang hinahalo-halo ang likido sa loob ng baso. Base sa mga kinikilos niya at sa kakaibang ingat niya sa gatas, hindi para sa kanya ang inumin. Baka para kay Hoseok hyung.
Muntikan na akong mapangiti sa iniisip ko. Ang sweet. Eh kung ipagtimpla ko rin kaya si Seungcheol? Yoongi said he would like some milk before bed.
"Magtitimpla ako," sabi ko sa kanya.
Tumango siya. "Ge, mauna na ako ah? Goodnight."
"Goodnight hyung."
Pagkatapos kong magtimpla ng gatas para kay Seungcheol, dahan-dahan naman akong umakyat sa kwarto namin. Oo, kwarto namin. Sa pagkakaalam kasi ng pamilya ni Cheol, magboyfriend kami kaya hindi na nila naisip na ipaghiwalay kami. They let us use a big room with a queen-sized bed for the both of us. Wala naman akong narinig na reklamo mula kay Seungcheol nang sabihin nila 'yon. I expect to hear him complain later. Pero handa na ako sa isasagot ko.
"Nakatabi mo na ako noon. Tsaka hindi naman ako mabubuntis kung magtatabi tayo. Ano problema mo?"
I'm a prodigy.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto naming dalawa ni Seungcheol upang hindi matapon ang gatas. Inilapat ko ito sa desk katabi ng higaan nang narinig ang ingay ng shower sa loob ng banyo.
Meaning Seungcheol's in the shower.
I didn't know what to expect, but I found myself grinning mischievously when I saw his clothes lying carelessly across the bed.
Hinablot ko ang mga iyon tsaka isa-isang tinago sa ilalim nang kumot bago dali-daling humiga sa kama nang nakataob.
I watched him step out of the shower with a smirk when I saw him wear nothing but a towel around his waist and another towel on top of his head.
"Hoy!" gulat na wika niya nang makita akong nakatihaya sa kama at nakatingin sa kanya. He clutched his chest and massaged it to ease his surprise. "'Wag ka ngang namimigla!"
"What? Nakahiga lang ako rito ah," painosenteng sabi ko habang sinusundan ng tingin ang katawan niya habang nagpapatuyo ng buhok.
Seungcheol wasn't that muscular. Hindi siya 'yong tipong ma-abs pero nabawi nito ang ganda ng hubog ng katawan niya. Hindi man binayayaan ng mga abs, halata naman sa anyo nito na alagang-alaga. It was just right for me. His biceps were heaven-sent, by the way, that my eyes were glued to them as they flex and shift as Seungcheol moves his arms.
This.
This was one of the sights I always wanted to see ever since I saw him.
Thank you heavens for creating the eighth wonder of the world.
Teka. Nagmumukha na akong manyak dito.
Ibinaon ko agad ang mukha ko sa mattress nang lumingon siya sa'kin.
"Manyak."
I laughed against the sheets and grabbed the clothes I swiped. Hindi ko pa rin iniaangat ang mukha ko kaya nakabaon pa rin ito sa higaan habang inaabot ko ang mga damit niya.
"Looking for these?"
Kinuha niya mula sa'kin ang mga damit nang walang sinasabi.
"I have milk. Sabi kasi ni Yoongi hyung gusto mo raw ng gatas bago matulog."
Hindi naman siya umimik kaya nagsimula akong magtaka. I lifted my head to see what he's doing. Bumungad sa'kin ang mukha niya at mamamasa-masang buhok na nakatapat at sobrang lapit sa mukha ko.
Bigla na lang siyang ngumisi.
"Manyak ka talaga," bulong tsaka na may matamis na ngiti sa kanyang mukha.
Then I realized what I just said.
I blushed crimson red. Seungcheol laughed.
BINABASA MO ANG
Blackmail / jicheol
Fanfiction❝date me or else the whole school will know you're . . . um, supot.❞ / mail trilogy #1 / book cover credits to: anecchan!
